Chapter 11-(Kanya-kanyang DATE)

17.2K 433 26
                                    

Charice POV

'Bakit nag-walk out na naman si Lead?' tanong ni Kate.

'Malamang ayaw niyang sumama sa JS PROM.' sagot naman ni Meij sabay nguso.

'Hindi pwedeng hindi siya sasama!' nagpapadyak na sabi ni Kate.

Nangalumbaba na lang ako at tumingin sa langit.

'The fck!' usal ko.

'Ayie! Nice one Cha!' kinikilig na sabi ni Kate.

At dahil sa nailang ako sa posisyon namin ni Dave. Yumuko ako at tumayo.

'Anong trip mo at talagang pag-tingala ko tinapat mo pa yang mukha mo!' inis kong sabi pero nginitian niya lang ako.

'May date tayo diba?' nakangiti niyang sabi.

'Ano?' takang-tanong ko.

'Date.' sagot niya.

'Ehh yun naman pala eh! Date..

DATEEEEEE?' sigaw ni Kate.

'Yup. Date. Mag-dadate kami at pumayag siya kanina.' nakangiting sagot ni Dave.

'Naks naman oh! Umaarangkada si Cha... Ayieee dalaga na siya.' sabay sundot ni Meij sa tagliran ko.

'Ano ba!' sabay tapik ko sa kamay niya.

'Busy ako.' sigaw ko kay Dave at umupo ulit.

'Busy? Ikaw? Eh nakatulala ka nga lang eh.! Atska halata naman wala kang ginagawa.' sagot niya at umupo sa tabi ko.

Kinilabutan naman ako at nagtaasan agad yung balahibo ko ng magdikit ang braso namin.

'Usod nga!' at tinulak ko siya ng mahina sa braso.

'Chansing.' sagot niya.

'Kapal.' usal ko.

'Meij samahan mo ako sa C.R najejerbs ako eh!' sabay hatak ni Kate kay Meij.

'WAIT!! SA---






WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!' sigaw ko langyang Dave to agad akong hinila patayo.

kapag hindi ako nakasapak mamaya sa underground battle susuntukin ko talaga to eh!.

'ARAY!!! ANO BA DAHAN-DAHAN NAMAN!!!!' sigaw ko at agad niyang binitawan yung pagkakahawak niya sa wrist ko.

'Kasi ang arte mo eh! Halika na nga.' inis niyang sabi at hinawakan niya ang kamay ko.

'Teka.. Saan ba tayo pupunta?' tanong ko ng makasakay na kami sa kotse niya.

'Sa Mall nga.' sagot niya at nagmaneho na.

'Okay.' usal ko at tumingin na lang sa bintana.

Napahawak na lang ako sa dibdib ko dahil sa lintik na pusong to kanina pa tumitibok-tibok na napakalakas. Nakakaasar!

'Cha!' napalingon ako kay Dave.

'Why?' tanong ko.

'Kanina pa kita tinatawag.' nakangiting sabi niya.

'Oh bakit?' tanong ko ulit .

'Ano bang gusto ng mga babae. I mean kapag liligawan ka ng isang lalaki anong gusto mong gift?' tanong niya.

Napaisip tuloy ako. Shocks! May liligawan na siya.

The Gangster Is A Nerd? (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon