Ken POV
‘SH*T!’ sigaw ko at tinadyakan yung sofa. Nababadtrip ako!!
‘Ken huminahon ka nga!’ inis na sabi ni Dave habang nagtetext.
‘Paano ako hihinahon kung yung girlfriend ko nakikipaglaban sa mga gangster!.’ Inis kong sabi at umupo sa sofa.
‘Bakit tingin mo ba yung taong mahal mo lang ang nandun? Tingin mo ba wala din dun yung girlfriend ko? Si Dave andun din yung nililigawan niya.’ Sabi naman ni Edward.
‘At mas delikado si Meij.’ Napatingin ako kay Carl na umiiyak na naman.
‘Bwisit kasi eh.’ Bulong ko. Asan na ba sila Sandra. Takte kanina pa ako kinakabahan. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa pinuntahan nila. Bullshit.
Napasabunot ako sa buhok ko at yumuko ako. Alalang-alala na ako kay Sandra. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag may nangyaring masama sa kanya.
‘Ken…Relax ka lang. Think positive.’ Napaangat yung ulo ko at nakita ko si Edward na tinatapik-tapik yung balikat ko.
‘Oh uminom ka ng tubig.’ Inabutan ako ni Dave ng tubig. Napatingin ako kay Carl.
‘Relax ka lang Carl…Makikita din nila si Meij.’ Sabi ko at tumango-tango si Carl.
‘SIRR!!!’ sigaw ng lalaki na nasa labas ng pintuan.
Kaya naman lumabas kami.
‘Andito na po yung kaibigan ni Lead. Nakita namin siya sakay ng taxi may nagsakay lang daw na mga lalaki na naka-maskara at binayaran siya para ihatid dito to.’ Sabi ng lalaki habang buhat-buhat si Meij na pawisan. Agad na kinuha ni Carl si Meij at binuhat ng pangkasal.
‘Tawagan mo si Kate sabihin mo andito na si Meij.’ Sabi ko kay Edward at tumango lang ito. Napatingin ako sa labas. Ang daming mga lalaki na nagbabantay sa amin at may mga hawak na baril kung tutuusin kasing edad lang namin tong mga to. Kahit sa labas ng gate ng mansion nila Meij may mga lalaking nagbabantay at may mga motor na nakaparada sa labas.
‘Sir pumasok na po kayo. Delikado po dito sa labas.’ Sabi ng lalaki at tumango na lang ako.
‘Pauwi na sila.’ Sabi ni Edward.
Pagkapasok ko nakita ko si Meij na nakahiga sa sofa at walang malay. Si Carl naman natataranta.
‘Meij…Please gumising ka oh…’ alalang sabi ni Carl pero halatang himbing na himbing si Meij sa pagtulog.
‘Carl…Hayaan na muna naten si Meij magpahinga. Baka pinatulog yan.’ Sabi ni Dave at inalalayan makatayo si Carl.
Maya-maya narinig ko na may dumating na kotse. Sumilip ako sa bintana at laking tuwa ko ng makita ko si Sandra na walang galos pati sila Kate at Charice. Naunang pumasok si Sandra.
‘Si Meij?’ alalang sabi niya at tinuro ni Edward si Meij na natutulog. Lumapit agad si Sandra kay Meij.
‘Bes?....Bes gising.’ Tinapik-tapik ni Sandra yung mukha ni Meij.
‘Edward…’ napalingon ako kay Kate na hinalikan sa labi si Edward.
‘Buti naman at walang nangyaring masama sayo. Alalang-alala ako.’ Sabi ni Edward at niyakap si Kate.
BINABASA MO ANG
The Gangster Is A Nerd? (UNDER REVISION)
Teen FictionSandra Kang, ang babaeng gangster noon na gusto na lamang maging simpleng babae. Palaban at matapang noon ngunit naging iba na dahil sa pagkamatay ng Kuya niya. Pinilit niyang makamove-on pero bumabalik pa din sa kanyang alaala ang pangyayaring nama...