Chapter 8

19.1K 553 13
                                    

Sandra POV

-KRINGGGGGG-

'Sa wakas!!!' gulat akong napatingin kay Kate na sumigaw at nagtata-talon pa.

'HOY!!' sabay bato ko sa kanya ng notebook ni Meij.

'Aray hindi naman masyado masakit unfairness.' Sarkastik na sabi ni Kate sabay himas sa ulo niya.

'Hala! Bes notebook ko yun eh!' sabi ni Meij sabay pulot sa notebook niya na nasa sahig.

'Yan! Bad.' sabi ni Kate sa akin sabay nguso.

'Lagot ka sa akin mamaya!' inis kong sabi kaya napanganga siya sabay irap.

Tumayo ako at kinuha yung bag kong sobrang bigat dahil sa libro.

'LEAD!!' napalingon ako kay Charice na tumatakbo kasama si Kate at Meij.

'Excited much makita si Ken?' nang-aasar na sabi ni Kate.

Nginisian ko lang siya at takang tumingin kay Meij.

'Meij?' tawag ko sa kanya pero nakatingin lang siya sa likod ko.

Taka namang tumingin si Charice at Kate kay Meij na nakatulalang nakatingin sa likod ko.

Na-curious ako kaya napatingin ako sa likod ko. Maraming student na naglalabasan sa kanya-kanyang room.

'Hoy Meij?' tawag ko at nilapitan si Meij.

'H-ha? A-ano nga ulit yun?' utal-utal niyang tanong at tumingin na naman sa likod ko.

'Sino bang tinitignan mo dun?' tanong ko at tumingin ulit sa likod ko.

'W-wala.' nakangiting sabi niya at naunang lumakad. Weird.

'Hindi kaya nakakita siya ng multo? Syet ang scary naman.' sabi ni Kate sabay kapit sa braso ni Cha.

'Hapon may multo? tanga ka ba sa gabi sila lumalabas!' inis na sabi ni Charice.

'Tara na.' yaya ko sa dalawa at sinundan si Meij.

'Hi Meij!' pasigaw na bati ni Carl sabay yakap kay Meij.

'Hello.' bati naman ni Meij.

Napatingin ako kay Carl bakit siya lang? Asan si Ken at yung dalawang kumag?

'Hoy!' napatingin sa akin si Carl dahil hinoy ko siya.

'Nasa parking lot na sila. Tara.' sabi niya kaya naman sumunod kami sa kanya.

Nang makarating na kami sa parking lot. Nakasandal si Ken sa kotse niya halatang feeling cool ang peg niya pwe.

Si Edward naman nakangiting nakatingin kay Kate. Kadiri.

At si Dave? Ayun may kasamang babae. Napatingin ako kay Charice na nakasimangot.

Si Carl naman sinakay na si Meij sa kotse niya.

Nilapitan ko si Ken.

'OH!' sabay bato ko ng bag sa kanya buti nasalo niya.

'Makabato ka ha! Anong gagawin ko dito? Itatapon ko na?' tanong niya.

'Hindi. Iuwi mo yan sa bahay ni Meij.' sabi ko at pumunta sa kotse ko.

'SANDALI!!!!!' sigaw niya at patakbong lumapit sa akin.

'Bakit?' takang tanong ko.

'At bakit ko to dadalhin sa bahay ni Meij?' tanong niya.

The Gangster Is A Nerd? (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon