Ken POV
Ngiting-ngiti ako habang naglalakad papunta sa room nila Sandra.
'Excited ka makita si Sandra ah.' natatawang sabi ni Edward habang nagtetext
'Oo naman first date eh.' nakangiting sagot ko. Nilapitan ko si Carl at inakbayan.
'Carl saan kayo nagdate ni Meij?' tanong ko at ngumit siya.
'Secret...' sagot niya at tinawanan ako.
'Wala kang kwentang kaibigan.' sigaw ko at naglakad ng mabilis. Napahinto ako sa room nila Sandra.
Napangiti ako kasi nakakunot ang noo niya habang nakikinig.
'Lakas ng tama mo kay Sandra ah.' napalingon ako kay Dave na kumindat kay Charice.
'Parang ikaw hindi ah?' sagot ko at ngumiti siya.
'Akalain mo yun no? Nagkagusto tayo sa mga strangers hahahaha. Joke.' napangisi na lang ako at tumingin kay Sandra.
Ang ganda niya pa rin kahit may mga sugat mukha niya. Naalala ko tuloy yung tungkol sa kuya niya na pinatay ng kalaban niya. Grabe ang hirap palang maging gangster pati mga mahal sa buhay mo nadadamay.
'HOY!!!' nagulat ako at napalingon sa gilid ko.
'Kanina pa kayo dismiss?' tanong ko kay Sandra na nakataas ang kilay.
'Oo at kanina pa kita tinatawag.' inis niyang sabi.
'Uuwi na ba kayo guys?' napalingon kami kay Ean.
'Ay may mga date pa kami eh. Una ka na Ean.' sagot ni Kate.
'Ahh sige.' sagot nito at tumingin pa sa akin bago umalis.
'Tss. problema niya patingin-tingin pa tse.' bulong ni Sandra.
'Hoy.' kinalabit ko siya.
'Ano?' inis niyang sagot habang naglalakad na kami.
'Problema mo?' tanong ko.
'Wala.' sagot niya. Habang naglalakad kami nagkakabungguan yung kamay namin kaya naman napakagat ako sa ibabang labi ko at hinawakan yung kamay ni Sandra.
'YUN OH DUMADAMOVES!!!' inis kong sinulyapan si Dave. Peste panira talaga ng moment.
Ramdam ko yung puso ko nagwawala na naman. Napatingin ako kay Sandra na kagat-kagat yung labi niya. Kinikilig din ba siya?
Sandra POV
Nagulat ako nang makarating kami sa Manila Bay.
'Bakit dito?' tanong ko kay Ken.
'Relax kasi dito. Tara.' yaya niya at nag-holding hands na naman kami mukhang mapapadalas na ito ah.
Habang naglalakad kami napatingin ako sa mga gilid. Syet parang kilala ko yung mga yun ah. Parang sila BLUE?
DAMN!!! Kasama ko si Ken hindi pwede to!!!
Kate POV
Matapos ako ihatid ni Edward ay pumasok na ako sa gate ng bahay ni Meij pero napatigil ako ng makita ko si Rex na nakangisi.
"Siya pala ang bago mo." sabi niya ng makalapit sa akin.
"Subukan mo, magkakapatayan tayo." nakangiti kong sagot sa kanya.
"Mukhang wala na akong laban sa bago mo." seryoso sabi ni Rex kaya napairap ako.
"Ano ba kailangan mo ha?" inis kong tanong.
"Papaalala ko lang na may laban sa Underground, hindi na naman umattend si Sandra sa meeting baka magulat na lang siya pagpunta niya sa Underground mababa na Rank niya." kumunot ang noo ko sa sinabi niya, oo nga may meeting ang Blackgroup at di na naman siya nakattend tsk.
"Yun lang." hindi ko na pinansin si Rex at pumasok na sa bahay. Nakita ko naman si Meij na naglalaptop at halatang kausap niya si Carl kaya hinayaan ko na. Nahiga ako sa kama at matutulog na sana ng tumunog ang phone ko kaya sinagot ko na lang agad.
"Hey, nakalimutan mo yung teddy bear na binigay ko dito sa kotse." napangiti ako ng marinig ang boses ni Edward. Gosh mahal na mahal ko talaga ang lalaking to.
"Sige bukas ko na kunin, wag ka na bumalik pa dito at delikado na." sabi ko.
"Okay, see you bukas. I love you." magsasabi sana ako ng I love you too kaso pinatay na niya yung tawag. Argh kainis naman!
"Kate!" napabalikwas ako ng tayo ng makita ko si Cha.
"Kailangan natin pumunta sa hideout!" natataranta niyang sabi.
"Ano bakit?!" tanong ko dahil patakbo na kami bumaba ng hagdanan.
"Saan kayo pupunta?" takang tanong ni Meij.
"Wag kang lalabas ng bahay, dito ka lang at huwag mong bubuksan basta basta yung pinto!" sabi ni Cha at hinatak na ako palabas ng bahay sumakay agad kami sa kotse.
"Cha may nangyari ba kay Lead?" tanong ko.
"Badtrip! Wala nangyari sa kanya at kasama niya si Ken. Ang problema yung mga tauhan natin duguan daw sa hideout!" hinampas ni Cha ang manibela kaya nataranta ako.
"Sino may gawa?" taka kong tanong.
"Mga tauhan daw ni Blue." inis na sagot ni Cha. Naikuyom ko tuloy ang kamao ko. Damn him kahit kailan hindi siya marunong lumabas ng patas!
--------*
VOTE AND COMMENT
BINABASA MO ANG
The Gangster Is A Nerd? (UNDER REVISION)
Teen FictionSandra Kang, ang babaeng gangster noon na gusto na lamang maging simpleng babae. Palaban at matapang noon ngunit naging iba na dahil sa pagkamatay ng Kuya niya. Pinilit niyang makamove-on pero bumabalik pa din sa kanyang alaala ang pangyayaring nama...