Charice POV
Palakad-lakad lang ako sa loob ng kwarto at inaantay dumating si Lead.
‘Kate…..Gumising ka na please..’ napalingon ako kay Meij na umiiyak. Kaya naman nilapitan ko siya hinagod yung likod niya. Si Carl at Dave bumili ng makakain tapos si Edward kausap yung mga police na nag-iimbestiga ng pagsabog sa school.
‘Cha….Magigising siya diba?’ tanong ni Meij.
‘Hmm…Yan pa..’ sagot ko at tinignan si Kate na nakahiga sa kama na puro benda ang buong katawan maski ang mukha.
‘Kaen na muna tayo.’ Napalingon ako sa pintuan. Si Dave at Carl may dalang pagkain. Lumapit si Carl at niyakap si Meij. Ako naman pumunta na sa may lamesa at nagsimulang kumain. PRIVATE ROOM ang kinuha namin para kay Kate.
‘Okay ka lang?’ tanong ni Dave habang pinapapak yung manok.
‘Hmmmm.’ Sagot ko at humigop ng softdrinks.
‘Si Sandra…Pupunta ba siya dito?’ tanong niya.
Hindi na ako sumagot at nag-kibit balikat na lang ako.
‘Dave.’ Lumingon kami kay Edward na sumandal sa pintuan.
‘Anong sabi ng police?’ tanong ni Dave.
‘May naglagay daw ng bomba sa canteen. At sigurado daw na planado lahat ng suspek.’ Sagot niya.
‘Hindi daw aksidente ang nangyari.’ Dagdag pa niya. Lumapit siya kay Kate at hinawakan ang kamay nito.
‘First GF niya yang si Kate..’ napatingin ako kay Dave na nakatingin kay Edward.
‘At First time niyang mag-seryoso.Mahal na mahal niya si Kate.’ Dagdag pa niya. Yumuko na lang ako at tinitigan yung pagkain ko.
Third Person POV
Pagkarating ni Sandra sa hospital pinagtitinginan siya ng mga tao.
BINABASA MO ANG
The Gangster Is A Nerd? (UNDER REVISION)
Teen FictionSandra Kang, ang babaeng gangster noon na gusto na lamang maging simpleng babae. Palaban at matapang noon ngunit naging iba na dahil sa pagkamatay ng Kuya niya. Pinilit niyang makamove-on pero bumabalik pa din sa kanyang alaala ang pangyayaring nama...