Chapter 19

9.4K 291 8
                                    

Sandra POV

Bumangon ako sa pagkakahiga ko at nakita ko si Meij na nakaupo sa kama.

‘Bes….Sorry.’ umiyak agad si Meij at niyakap ako.

‘Shhhh….’ Hinaplos-haplos ko yung buhok niya.

‘Sorry….Sorry dahil pinag-alala na naman kita.’ Naiiyak niyang sabi.

‘Wala kang kasalanan. Wala….Atska hindi naman ako galit sayo eh.’ Bulong ko at kumalas siya sa pagkakayakap ko.

‘Ayoko kasi na nakikita kitang nag-aalala eh. Feeling ko napakalapitin ko sa disgrasya…’ naiiyak niyang sabi at pinunasan niya yung pisngi niya.

‘Namukhaan mo ba yung dumukot sayo? Kilala mo ba sila?’ tanong ko.

‘Hi-hindi eh…Ang alam ko lang mga naka-maskara sila…Yung pinukpok ko yung salamin sa likod ng kotse at nawala ka na sa paningin ko pinatulog nila ako agad. Tapos ng magising ako nasa lumang bodega ako at ang daming lalaki..Wala naman silang ginawa sa akin. Biglang lumapit sa akin yung lalaki at may tinurok siya sa akin kaya nahilo ako. Tapos may dumating na babae at sinampal yung lalaki sumigaw yung babae na ‘Mali ang nadukot niyo’ Tapos nawalan na ako ng malay.’ Pagkwe-kwento niya. Kaya naman kumunot ang noo ko. Babae? May kaaway ba akong babae?

‘Tapos?’ tanong ko.

‘Tapos pag-gising ko nasa kwarto na ako at nandun sila Charice at Kate. Tapos andun din si Carl.’ Sagot niya.

‘Hmmmm…Okay ka na ba? Di ka na ba nahihilo?’ tanong ko at tumayo sa kama.

‘Hindi na.’ sagot ni Meij. Tinali ko yung buhok ko at pumunta sa banyo.

‘Maliligo na ako. May pasok pa tayo.’ Sigaw ko at narinig ko na lang yung pagsara ng pinto.

= = = = = = = = = = = = *

Habang naglalakad kami papunta sa room ang daming mga nakatingin sa amin pero hindi na namin yun pinansin pa.

‘Lead.’ Nilingon ko si Kate na seryosong nakatingin sa akin.

The Gangster Is A Nerd? (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon