Chapter 7

21.6K 570 20
                                    

Sandra POV

Matapos ang sangkot na nangyari kila Ken eh ni isang thank you wala akong natanggap. Psh.

'Lead. Sino iniisip mo?' mapanglokong tanong ni Kate.

'Ikaw.' nakangising sabi ko.

'Ayie. Bakit mo naman ako iniisip?' nakangiting tanong niya

'Pinagpaplanuhan ko kasi kung paano kita mapapatay.' inis kong sagot kaya bigla siyang tumakbo kay Charice na nagbabasa ng libro.

'Ano ba Kate? Di mo ba nakikita nagbabasa ako?' asar na sabi ni Charice.

'Nakikita ko! Anong tingin mo sa akin? Bulag? Alam mo ikaw habang tumatagal nagiging maarte ka na.' sabi ni Kate sabay irap kay Charice na napanguso na lang.

Napangiti na lang ako habang tinitignan sila dalawa. Mga isip bata tsk tsk.

'BES!!' napatingin ako kay Meij na patakbong lumapit sa akin.

'Oh bakit?' tanong ko ng makaupo siya sa tabi ko.

'Namiss kita syet!' sabi niya sabay yakap.

'Sus. Baka naman si Carl ang namimiss mo?' sarkastik kong tanong.

'Ikaw nga ang namiss ko saka isang linggo na kaming mag-kasama nun! At hanggang ngayon kinikilig pa rin ako yung parang hanggang ngayon nasa alapaap pa rin ako. Gosh.' sabay hampas niya sa balikat ko.

'Di nga halata eh! Ano wala bang babayaran dito sa bahay mo?' pagiiba ko ng usapan ang corny kapag lovelife ang topic kaya napaisip naman siya.

'Bakit? Maghahati-hati tayong apat sa mga bayarin?' tanong niya.

'Oo. Nakikitira na nga lang kami dito libre pagkain at tulugan kaya baka may maitulong kami sa pagbabayad ng kuryente at tubig?' tanong ko kaya ngumiti siya.

'Di na kailangan ano ka ba. Di na kayo iba sa akin kaya kahit kailan niyo gusto tumira dito okay lang ng wala kahit ano bayad. Basta walang masisirang gamit dito okay na yun.' sabi niya sabay kindat.

'Salamat.' sabi ko at niyakap siya.

'Wala yun. Ikaw pa malakas ka sa akin.' sagot ni Meij.

'Ay Lead bago ko makalimutan bukas pala may laban sa underground.' sabi ni Kate habang nagbabasa ng magazine.

'Sige.' sabi ko.

Naeexcite na akong mapalaban uli. At ramdam ko ang kaba sa muli naming pagkikita. 

Ken POV

Tinignan ko sa salamin yung gilid ng labi ko. May sugat pa rin. Tsss bawas pogi points badtrip. Napatingin ako kay Dave na puro sugat pa rin yung mukha. Talagang mukha niya ang tinarget ng mga gangster na yun.

'Dave!' tawag ko at napatingin siya sa akin.

'Bakit?' tanong niya.

'Masakit pa ba mukha mo?' tanong ko sabay upo sa sofa.

'Hindi naman masyado. Sabi kasi ng doctor ni Mommy sa derma eh ilang days lang matutuyo na yung mga sugat at hindi daw magkakaroon ng peklat.' sabi niya kaya napatango na lang ako.

'Ken.... Ano kaya kung lagi tayong sumama kila Sandra?' tanong ni Edward na ikinakunot ng noo ko.

'Anong ibig mong sabihin?' inis kong tanong.

'Kasi para safe tayo. Imbis na tayo ang masasaktan sila na lang.' nakangiting sabi niya.

'Huh? Gago ka ba? Kahit gangter yung mga yun babae pa rin sila.' sagot ko sa kanya.

The Gangster Is A Nerd? (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon