Sandra POV
-SPLAAASSSSSSSSSSSSHHHHHHH-
Dahan-dahan kong minulat yung mata ko. Ang sakit ng ulo ko damang-dama ko yung pag-agos ng dugo ko. Inangat ko yung ulo ko dahil nahihilo na ako.
‘LEAD!!!!!’ para akong bangag na lumingon sa gilid ko. Si Charice na umiiyak na nakatingin sa akin.
‘LEAD!!!! LEAD!!! NARIRINIG MO BA AKO?!’ sigaw niya. Gusto kong sumagot pero hindi ko kaya. Feeling ko sasabog na ang ulo ko sa sobrang sakit.
‘LEAD!!!’ sigaw niya. Ngumiti na lang ako bilang sagot. Pero halata sa kanya na nag-aalala siya.
‘Kamusta Sandra?’ napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko.
O.O
>.>
‘KEN?’ di makapaniwalang sabi ni Charice.
‘Ako nga….Surprise.’ nakangiting sabi ni Ken kay Charice na gulat na gulat.
‘A-anong ibig sabihin nito?’ takang tanong ni Charice.
‘Hindi ba dapat si Sandra ang magtatanong niyan at hindi ikaw?’ sarkastik na sabi ni Ken at tumingin siya sa akin. Napatingin ako sa madilim na parte may dalawang anino na magkatabi at sigurado akong dito sila sa gawi ko nakatingin.
‘Hi….Namiss mo ba ako?’ nakangiting tanong niya.
‘T-totoo p-pala.’ Nauutal kong sabi at tumawa siya.
BINABASA MO ANG
The Gangster Is A Nerd? (UNDER REVISION)
Teen FictionSandra Kang, ang babaeng gangster noon na gusto na lamang maging simpleng babae. Palaban at matapang noon ngunit naging iba na dahil sa pagkamatay ng Kuya niya. Pinilit niyang makamove-on pero bumabalik pa din sa kanyang alaala ang pangyayaring nama...