Meij POV
Isang linggo! 1 linggo ko ng iniiwasan si Carl!
'KYAAAA!!' nabalikwas ako ng tayo sa kama at tumingin sa salamin.
'Ako? sabay turo sa sarili ko. Liligawan ni Carl?' napailing na lang ako.
Totoo ba talaga yung narinig ko mula sa kanya na liligawan niya ako? Shit talaga hindi ako makapaniwala! Napahawak ako sa magkabilang pisngi ko.
-KNOCK KNOCK-
'Come in.' sigaw ko at lumingon sa pintuan, napataas kilay ko ng pumasok si Sandra at masyadong seryoso ang mukha niya.
'Uy musta.' Bati ko sa kanya at sinundan ng tingin ko si Sandra na umupo sa kama ko.
Kaya naman lumapit ako at tumabi sa kanya.
'Teka nga pala akala ko may pupuntahan kayo nila Charice at Kate ngayon?' tanong ko sa kanya.
'Meron nga. Nagbibihis pa sila eh.' sabi niya habang pinaglalaruan yung maliit na kutsilyo sa pagitan ng mga daliri niya at ang angas niya panoorin.
'May problema ka ba?' tanong ko at napatingin siya sa akin.
'Malaki.... Si Papa alam na niyang bumalik ako sa pagiging gangster.' sagot niya na ikinagulat ko.
'Seryoso?' Gulat kong sabi. Malaki ngang problema to. Tsk tsk.
'Yup.... Ayun galit na galit sa akin. Ayaw na daw niya akong makita pa ulit.' malungkot na sabi niya habang nakayuko.
Kaya naman niyakap ko siya agad.
'Meij.' tawag niya sa pangalan ko.
'Andito lang ako Bes...' bulong ko at humigpit yung pagkakayakap niya sa akin.
'B-bakit ganun? Ang hirap hirap na nitong pinagdadaanan ko.... Akala ko magagawa kong gawing normal ang buhay ko... Bakit parang lalong lumalala?...' naiiyak niyang tanong.
'May mga bagay kasi tayong bigla-biglang desisyon sa buhay naten. Ang nangyayari sa atin ay isang pagsubok ng diyos. Katulad ng sa iyo. Kaya wag ka agad susuko.' sabi ko at hinaplos ang buhok niya.
'LEAD!!' biglang tumayo si Sandra at tumalikod sa pintuan sabay punas ng luha sa pisngi niya.
'Bakit?' tanong ni Sandra sabay harap sa pintuan.
'Tara na aalis na tayo!' nagtatalong sabi ni Kate.
'Saan kayo pupunta?' tanong ko.
'Makikipaglaban..Sama ka?' sagot ni Charice na nakasandal sa pintuan.
'Hindi na. Ingat kayo huh.' sabi ko at nag-tanguan lang sila.
'Bes.' tawag ko kay Sandra at lumingon siya sa akin.
'Ingat huh?' nakangiting sabi ko at nginitian niya lang rin ako bago sila lumabas ng kwarto ko.
-YEAH!! UH HUH YOU KNOW WHAT IT IS?
BLACK AND YELLOW , BLACK AND YELLOW-
Agad kong kinuha yung cellphone ko sa ilalim ng unan.
-CARL CALLING <3.....-
Ay syet! Sasagutin ko ba o hindi?
Tinitigan ko lang yung screen ng cellphone ko...
Hindi ko na siya matitiis pa. Ang baby babe ko.
'Hello?' bigla akong napatakip sa bibig ko ng marinig ang boses ni Carl, napahawak pa ako sa dibdib ko ang lakas ng tama ko sa lalaking to.
BINABASA MO ANG
The Gangster Is A Nerd? (UNDER REVISION)
Teen FictionSandra Kang, ang babaeng gangster noon na gusto na lamang maging simpleng babae. Palaban at matapang noon ngunit naging iba na dahil sa pagkamatay ng Kuya niya. Pinilit niyang makamove-on pero bumabalik pa din sa kanyang alaala ang pangyayaring nama...