Chapter 5

21K 657 29
                                    

Charice POV

DAMN IT!! DAMN IT!!

Inis akong lumabas ng clinic at pumunta sa garden ng school.

'Bwisit!' inis kong usal at nagbuntong-hininga.

'CHA!!' napatingin ako sa likod ko si Kate.

'Oh?' kunot-noo ko siyang tinignan.

'Bakit mo iniwan si Lead dun?' inis kong sabi ng makaupo siya sa tabi ko.

'Eh sabi niya lumabas na rin ako! Meaning puntahan kita duh!' sabay irap niya.

Napangisi na lang ako at pinikit yung mata ko.

'Miss ko na si Lead.' bulong ko.

'Ako rin. Miss ko na yung dating siya.' sabi ni Kate. Dinilat ko yung mata ko at nakangiti akong napatingin sa kanya.

'Yung paninigarilyo niya. Yung pagmo-motor niya. At ang the best ang pakikipag-laban sa ibang gangster. Miss na miss ko na siya. Yung dating siya.' sabi ni Kate.

'Ako din naman eh.' sabi ko at inakbayan si Kate.

'Kelan ba siya babalik? Alam mo bang parang hindi siya yung Lead natin?' naiiyak niyang sabi.

Para naman tong tanga. Feeling ko tuloy patay na si Lead nakakaloka.

'Antayin na lang natin yung panahon. Yung panahon na babalik siya sa dati.' sabi ko habang hinihimas yung likod niya. Umiiyak na kasi siya.

'Tumayo kayong dalawa diyan.' nanlaki mata ko. Tumingin sa akin si Kate at gulat siya nakatingin sa likod ko.

Unti-unti akong lumingon.

'Hi Lead.' nakangiting sabi ko sabay kaway sa kanya.

'Shut up Charice!' sigaw niya bigla. Napayuko tuloy ako.

'Di niyo ba narinig yung sinabi ko?' inis niyang sabi.

'Ano ba sinabi mo Lead?' tanong ni Kate.

'Ang sabi ko tumayo kayo dyan.' sabi niya kaya naman agad kaming napatayo ni Kate.

'Sumunod kayo sa akin.' utos niya at nagsimula na siyang naglakad.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Kate.

'Narinig kaya niya tayo?' bulong ko kay Kate.

'Siguro. Lagot ka!' sabi ni Kate kaya naman napanguso na lang ako. Mayayare na naman ako. Hays.

Lumabas kami ng school.

'May yosi ka?' tanong ni Lead na ikinabigla ko.

'Ha?' usal ko at taka siyang tinignan.

'Ang sabi ko. May yosi ka?' seryoso niyang sabi.

Kinapa ko agad yung bulsa ko.

'Wala?' tanong niya. Napailing na lang yung ulo ko.

'Kate. Bumili ka nga dun.' sabi ni Lead sabay nguso sa may tindahan.

'Sure ka?' tanong ni Kate.

'Muka ba akong nagbibiro? Bilisan mo.' sabi niya kaya naman patakbong pumunta si Kate sa tindahan.

'Lead.. Sorry kanina.' sabi ko habang nakatingin sa kanya.

Tumango lang siya.

'Samahan niyo ko mamaya sa Derma. Papatanggal ko tong mga blackheads sa ilong ko. Pupunta rin ako sa salon para magpagupit.' sabi niya.

The Gangster Is A Nerd? (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon