The Powerful Princess
Chapter 09: Poison Forest
___________________________________Anica POV
Ngayon ang pagpapatuloy ng aming paglalakbay. Magsisimula na sana silang maglakad ng pigilan ko sila. Inilabas ko mula sa aking bag ang apat na garapon.
"Bakit?" tanong ni lyra
"May nahanap nga pala akong lunas. Lunas sya na kapag pinahid mo sa katawan mo ay hindi ka aatakihin ng mga attack poison sa Poison Forest" paliwanag ko.
"Dahil maliit ang apat na ito ay dalawa lang ang gagamit sa isang garapon" dagdag ko pa.
"Christian at Maxenne kayong dalawa ang maghahati sa isang garapon, Lyra at Stevan kayong dalawa. Sabelle at Arron kayong dalawa at Delixean at ako ang maghahati sa isang garapon"
Inabot ko sa kanila ang tatlong garapon.
"Waaah! bakit ang baho ng amoy?" tanong ni Lyra.
Tiningnan ko siyang nandidiri sa garapong hawak. Siguro dahil sa pagbukas niya ng garapon, umalingasaw ang amoy nito.
"Mabaho talaga yan sa una pero kapag pinahid mo na ito sa katawan mo ay magiging mabango na ito" paliwanag ko at pinahid sa katawan ko.
Nawala naman ang mabahong amoy at napalitan ng mabangong amoy dahilan para gawin na din nila.
"Let's go"
Nagsimula na kaming maglakad habang nangunguna si Delixean. Hindi pa malayo ang aming nilakad nang biglang umatake ang mga lason dito. Nung una, naglabas pa sila ng mga sandata pero noong tatama na ito saamin, biglang naglaho. Naalala nilang may ipinahid sila sa katawan nila. Ipinagpatuloy nalang namin ang aming paglalakbay.
Habang naglalakad kami, patuloy pa rin ang atake dito sa gubat. Iba't ibang uri ng klase nga lang ng lason ang umaatake dito sa gubat. Hindi nalang namin pinansin ang mga atakeng iyon.
Ano na kaya ang nangyayari sa Academia? Siguro sinusugod sila o hindi?
Hindi ko nalang iyon inalala pa at pinagmasdan na lang ang paligid habang naglalakad kami. Nahagip ng mata ko ang isang bulaklak na mala rainbow ang kulay. Napapalibutan ito ng mga iba't ibang uri ng posion.
Natigil ako sa paglalakad ng mapansin kong huminto sila Delixean. Nakita kong nakatingin sila sa isang bulalak na kanina ko lang tinitignan. Tiningnan ko ulit ang bulaklak at ngayon ko lang napansin na parang pamilyar sa akin ito.
"Teka ano nga ulit yan?" tanong ni Christian habang tinuturo ang bulaklak.
"Potion Rainwer" sabi ni Delixean
Tama, naalala kong Rainwer o Potion Rainwer ang tawag sa bulaklak na iyon. May kakayahan itong bumuhay ng patay pero isang beses lamang. Kaya rin nitong magpagaling sa mga may lubhang sakit at kaya rin nitong bumawi ng mga buhay kapag nararamdaman niyang may mga masasamang magicians malapit sa kanya. Sa aking pagkakaalala, wala pang nakakakuha at nakakakita sa bulaklak na ito dahil walang nakakaalam kung nasaan ito. Kaya ang swerte namin dahil kami ang unang nakakita nito.
"Tara kunin natin, malaki ang chance na makatulong ito sa digmaan kung sakali mang meron, at magpagaling ng mga magicians" sabi ni Maxenne.
Nagpresinta si Christian na siya nalang ang kukuha ngunit sa kanyang paghawak, nakuryente siya dahilan para magkaroon siya ng sugat sa kamay.
"Sh*t may proteksyon! hindi ko makuha!" inis na sabi ni Christian
"Sino ba ang pwedeng makakuha nyan?" nag iisip na tanong ni Arron
"What if si Delixean ang pakuhain natin? malay natin, ang pinakamalakas ang pwedeng kumuha nyan" suggest na sabi ni Sabelle na sinang ayunan ng lahat.
Lumapit na si Delixean at kukunin na ang Rainwer pero tulad ng kay Christian, nakuryente din siya pero hindi siya nagkaroon ng sugat.
"D*mn!" bulalas ni Delixean
"Ay hindi rin tsk. Hayaan nalang natin. Wala namang makakakuha nyan" naghihinayang na sabi ni Lyra.
Pinagpatuloy nalang namin ang aming paglalakad. Lumapit ako kay Delixean
"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya
"Yeah, I'm fine" sabi nya at nangunang maglakad.
Sa huling pagkakataon, tiningnan ko ulit ang Rainwer.
Makukuha ka rin, sa tamang panahon.
***
"Malayo pa ba?" inis na tanong ni Lyra
Kanina pa ako naririndi sa boses ni Lyra. Kanina pa kasi siya nagrereklamo. Almost, 3 hrs na rin kasi kami naglalakad.
"Tsk. Tumahimik ka nga sungit! Nakakarindi sa tenga yang panget na boses mo!" inis na sabi ni Stevan kay Lyra
"Aba't baboy ka! FYI, maganda ang boses ko! Hindi katulad sayo na piyok ng piyok!" sigaw na sabi naman ni Lyra kay Stevan at doon na nagsimula ang kanilang bangayan.
Saan kaya patutunguhan tong dalawa? I'm sure na magkakatuluyan tong dalawa.
Napailing na lamang ako dahil sa inasta ng dalawang ito.
"Shut up!" galit na sita ni Delixean sa dalawa dahilan para mapatigil sila.
Natawa na lamang sila Sabelle dahil sa pagtahimik ng dalawa.
"Fine! 30 minutes!" inis na sabi ni Delixean
Tumigil na kami sa paglalakad at umupo sa may gilid ng puno. Hindi ko akalain na makakatabi ko si Delixean.
Dahil pagod na rin ako, matutulog muna ako. Alam kong gigisingin naman nila ako kapag magsisimula na kaming maglakbay.______________________________
Third Person POV
Natutulog ng mahimbing si Anica samantalang ang mga Royalties ay nakatingin habang nakapalibot sa kanya.
"Parang kilala ko na sya ngunit hindi ko lang maalala kung saan o kailan" tila naguguluhang sabi ni Sabelle
"Oo ganun din ako. Kapag kasama natin sya, ang gaan sa pakiramdam" sabi ni Maxenne
"Tama kayo pero hindi natin alam kung bakit pamilyar sya saatin. Parang my something na ang hirap hulaan!" sabi ni Stevan
"Tama para syang isang puzzle na ang hirap buuin para lang makilala o malaman" komento ni Christian
"Hindi kaya sy--nevermind pero pwe--ayyss nevermind ulit. Bakit ganun? ang laki ng epekto nya sa atin? Parang ang tagal na natin syang kasama" sabi ni Arron
"Yeah, napakamisteryosa niya at nararamdaman ko na matagal na natin syang kasama at kilala" sabi ni Delixean
Marami ang bumabagabag na mga katanungan ang meron sa mga isipan ng mga Royalties. Parang nakakulong sila sa isang lugar na kung saan may isang laro na kinakailangan nilang malaman ang mga sagot nito.
"Tsk. Bumalik na kayo sa pinaghingaan nyo baka magising pa siya" sabi ni Sabelle
Sinunod naman nila ang sinabi ni Sabelle samantalang si Delixean ay nanatili lamang sa tabi ni Anica.
Who are you Anica?
BINABASA MO ANG
The Powerful Princess
Fantasy>You can find it on Dreame App and also on Moboreader app, still ongoing since it's an English version of my story< Athena Nicole Cassandra Celestine. Long name right? Pero hindi lang sa pangalan niya ang mahaba, pati ang buhay niya. She's a nerd...