TPP : 24

59.1K 1.7K 55
                                    

The Powerful Princess
Chapter 24 : Transferees
_____________________________________

Someone POV (1)

"Maghanda kana dahil mag aaral ka na sa Magica Academia bukas" sabi ko

"Huwag po kayong mag alala, nakahanda na po kami at pinapangako ko po na aayusin namin ang pag-iispy" sabi nya dahilan para tumawa ako ng malademonyo.

"Maaasahan ko iyan, aking anak" sabi ko at mas lalong lumakas ang aking tawa na sinabayan naman ng anak ko.

HAHAHAHAHA!

KAHIT ANO GAWIN NYO!

MALALAMAN

AT

MALALAMAN KO RIN ANG MGA PLANO NIYO!



______________________________

Anica POV

I hope that this is a nice day.

Right now, kakalabas lang namin ni Ella sa aming dorm. Sa aming paglalakad, may nakasalubong kaming dalawang babae at dalawang lalake. Pinagmasdan ko sila at isa sa kanila ang nakikilala ko sa mukha at alam kong sa Luis Academy ko siya nakita. Lumapit saamin ang isang babae.

"Miss, pwede ba magtanong?" tanong nya saamin.

Tiningnan ko lang siya habang tumango naman si Ella.

"Bago lang kasi kami dito. Gusto sana naming magtanong kung nasaan ang Headmaster Office?" tanong nya

"Sumunod kayo saamin" sabi ni Ella.

Nauna na ako maglakad dahilan para maramdaman ko ang pagsunod nila. Naramdaman ko namang sumabay saakin si Ella.

"Magpapakilala muna kami. Ako nga pala si Mikaela Tadem" rinig kong sabi ng babaeng nagtanong saamin kanina.

"Jericho Tadem, kapatid ni Mikaela" rinig kong sabi naman ng lalake na alam kong katabi ni Mikaela

"Paul West at ito naman si Nicole West, kapatid ko" sabi ng isa pang lalake.

Naramdaman kong tinarayan kami ni Nicole.

"Kilala na namin si Nicole. Queen Bee ng Luis Academy at fake cousin ko sya sa side ng mama-mamahan ko" sabi ni Ella

"Ako nga pala si Ella Scientele may true name at siya naman ang ate ko, si Anica Scientele" dugtong na sabi ni Ella.

Naramdaman kong medyo nagulat si Nicole pero nawala rin.

Tuloy tuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa kami ay makarating sa Headmaster Office. Tiningnan lang namin silang pumasok. Nang kami na lamang ni Ella ang natira, bigla siyang nagsalita.

"Kakaiba ang nararamdaman ko sa kanila, parang ayoko sa kanila" sabi ni Ella

Tiningnan ko lang siya at sumandal sa pader.

Kung alam mo lang Ella.

Aalis na dapat kami ng biglang bumukas ang pinto dahilan para makita namin ang nasa loob ng HM Office. Nakita kami ni HM at sinabihan na isabay namin sila sa pagpasok dahil sa Royalties room din sila papasok. Mataas daw kasi ang level nila gamit ang detector ayun kay HM.

The Powerful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon