TPP : 17

62.5K 1.8K 57
                                    

The Powerful Princess
Chapter 17: The Battle
__________________________________

Someone POV (2)

Malapit na.

Malapit narin at magkikita na tayo.

Sana mapatawad mo ako kung bakit ako biglang nawala.

Sana mapatawad at matanggap mo ako kung bakit sa kanila ako kumampi at sumama.

At sana maintindihan mo kung bakit kong piniling matago.

Sana mapatawad mo ako...
.
.
.
.
.
.
aking mahal



______________________________

Anonymous POV

What a surprise. Right now, I'm here inside her room. Mukhang nagulat din siya saaking pagdating.

"Lady Nicole" gulat na sabi nya

That's right. My name is Nicole.

"Yeah. It's me" sabi ko at umupo sa isa sa mga upuan niya.

"Ano po ang inyong sadya at naparito po kayo sa aking kwarto? Lalo na pong alam nya na po kung nasaan po ako ngayon at lulusubin nya po ako mamaya" nagtatakang tanong nya

"Obviously, I'm here to help you" sabi ko

Mukhang hindi niya inaasahan ang aking sinabi. Lumapit siya saakin.

"Salamat po pero kapag kami na po ang magkaharap, paki-usap po ibigay nyo po saakin ang pagkakataon na kami lang po ang maglalaban" naiiyak na sabi nya.

Tumango lang ako bilang pagsang-ayon sa kanya. Pinunasan naman nya ang kanyang luha. Napatigil kami sa biglang pagbukas ng pinto.

"Pasensya na po sa abala, ngunit malapit na po syang makarating" sabi ng kawal.

"Humanda kayo at tayo ay lalaban!" sabi nya

Tumango ang kawal at na unang umalis na. Tumayo na ako at humarap sa kanya.

"Ready?" tanong ko

Tumango naman sya. Sabay kaming lumakad palabas. Nakarating kami ngayon sa labas ng palasyo. Nakaready na ang lahat kaya nag-invisible na ako dahilan mag-isa lang siya pumunta sa harapan.

"HUMANDA KAYO DAHIL NGAYON, HINDI NATIN SYA UURUNGAN! IPAKITA NATIN NA KAHIT WALA SILA AY KAYA NATING LUMABAN!" sigaw nya na naging dahilan ng paghiyawan ng mga kampon nya.

Booooogsh...

Nagkaroon ng pagsabog dahilan para mapatakip ng mata ang lahat. Nang tuluyang mawala na ang usok, nagpakita na rin ang kanyang kalaban.

"NAGKITA NARIN TAYO MAHAL KO!!" sigaw nya

"WAG MO AKONG TAWAGIN NA MAHAL! TRAYDOR KONG ASAWA!" sigaw naman nya

Tumawa ng malakas ang traydor nyang asawa.

"Well, nandito ako para ipatikim sa iyo ang bangis ko. HAHAHAHA! Humanda ka ngayon! SUGOD!" sigaw ng traydor nyang asawa at nagsisuguran ang mga kampon nya.

Finally, nagsisimula na ang laban. May lumapit sa aking pwesto dahilan para agad kong patayin. Tiningnan ko siya at nakita kong nakatayo lamang siyang nakikipagtitigan sa traydor niyang asawa.

So boring..

Naglakad na lamang ako at naghanap ng makakalaban ko. Ayoko namang nanonood lang sakanila. Ayokong mabored noh.

Lumipas ang mga ilang oras. Naglalaban pa rin ngayon ang magkabilang panig. Marami ang namatay sa kampon nya pati na rin sa kampon ng traydor nyang asawa. Sugatan na ang lahat pero pinapagaling ko naman ang mga kampon nya kahit nagtataka sila bakit nawawala ang mga sugat nila. Bahala silang mag-isip dyan. Tatayo na dapat ang mga kampon niya ng magsalita ako.

"Huwag nyong subukang tumayo at tulungan sya, nakatakdang sya ang lalaban sa traydor nyang asawa" sabi ko sa kanila.

Nakita kong nagulat sila dahil may nagsasalita na hindi nila nakikita.

"Lady Nicole!" di makapaniwalang sabi ng isa.

Oh right! I forgot, kilala ako ng lahat dito. Yeah, being a Lady Nicole is kinda boring. I am a Goddess here that's why they know me pero sa mga nakakataas lang ako nagpapakita at nakikipag usap kaya nagugulat sila.

Iniwan ko na lamang sila doon at pumunta sa kanya na ngayong nag-uusap sila ng kanyang traydor na asawa.

"Well well well, matapang ka parin mahal ko" sabi ng traydor nyang asawa

"Wag mo sabing tawagin akong mahal! Dahil simula palang hindi kita minahal. Alam naman nating sino ang mahal natin pero wala na tayong pagpipilian at ngayon ay ayoko ng sumama sa iyo, KAPATID! " galit na sabi nya

"HAHAHA kapatid? Nagkakamali ka! Ampon ka lang kaya hindi kita kapatid!" sabi ng traydor nyang asawa.

Hindi na sya nakasagot dahil nilusob sya ng traydor nyang asawa. Tunog ng espada lamang ang maririnig mo ngayon. Napakabigat ng atmosphere dito dahil sa galit ng dalawa.

May balak pa sanang tulungan ng mga kampon ang kanilang pinuno ngunit pinipigilan ko sila. Walang sinuman ang pwedeng humadlang sa kanila.

Napahinto kaming lahat ng masaksak sya ng kanyang traydor na asawa

"HAHAHA NGAYON TAPOS KA NA!" sigaw na sabi ng kanyang traydor na asawa.

" *cough* pagbabayaran mo *cough* ang lahat *cough* na ginawa mo *cough* --" hindi na natapos ang sasabihin nya dahil na pahiga na sya o nalagutan na ng hininga.

"HAHAHA WALA NARIN ANG SAGABAL SA PLANO KO!! HUMANDA KAYONG MGA WHITE MAGICIAN AT KAYO ANG ISUSUNOD KO!! HUMANDA LANG KAYO HAHAHA!" sigaw ng traydor na asawa.

"HALINA KAYO! IWAN NANATIN SILA DAHIL WALA NARIN ANG PINUNO NILA HAHAHA! MGA WALANG SILBI NA ANG MGA YAN HAHAHAHAA!" dugtong pa nya at tuluyan na silang nawala.

Napatingin ako sa katawan nya at lumapit. Tinanggal ko na rin ang aking invisible. Hahawakan ko na dapat sya nang may naramdaman akong presensya ng isang magician. Napatingin ako kung nasaan ito at isang lalake na familiar sa akin ang aking nakita. Bigla akong napatayo.

No way!

Huminga ako ng malalim at pinikit ang aking mga mata. Matapos iyon ay binuksan ko ulit ang aking mga mata at tiningnan ulit ang lalakeng nakita ko. Nakahinga ako ng malalim ng makita kong wala naman.

Siguro guni-guni ko lamang iyon. Imposibleng makita ko siya.

Ibinaling ko na lamang ang aking tingin sa katawan nya at ginawa na ang dapat gawin.

Huwag kang mag-alala, ako na ang bahala sa mga kampon mo... sa ngayon.

The Powerful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon