TPP : 08

70.5K 2K 81
                                    

The Powerful Princess
Chapter 08: Illusion Forest
__________________________________

Dark Queen POV

Isang buhay na ayokong maranasan. Nandito ako ngayon nakaupo sa aking trono. Hinihintay kong dumating ang aking kanang kamay galing sa pinag-utos ko. Habang hinihintay ko siyang dumating, tinatanaw ko muna dito sa aking bintana ang Magica Academia. Hindi maipagkakailang napakaganda ng Academiang ito.

Kailan kaya matatapos ang gulong ito?

Tok tok tok...

Bigla akong napatingin sa pintuan at napabusangot na lamang ako. Dumating na rin sa wakas ang hinihintay ko. Kumatok pa siya kung nasa loob na rin naman siya.

"Mahal na reyna, may mission ang mga Royalties kasama ang isang transferee" magalang na sabi nya

"Nasaan na sila? Saan naman sila paparoon?" tanong ko

"Nasa Winter Forest na po sila, mahal na reyna. Sila'y patungo sa Cassiopeia Land. Pasensya na po kung nahuli po ako" sabi nya

"Okay lang, bumalik ka na dun at magsama ka pa ng ibang dark magicians" sabi ko na may pahabol pang utos sa kanya.

Agad naman siyang sumunod saakin dahilan mawala na siya sa aking paningin.

______________________________

Anica POV

Pangalawang araw para sa aming paglalakbay.

Nagsisimula na kaming mag-ayos para makapagsimula na kami sa aming paglalakbay. Hindi naman matagal ang aming pag-aayos kaya sinimulan na naming maglakbay.

Nakarating na kami ngayon sa Illusion Forest at ngayong nasa harapan namin ito. Hindi mo maiiwasang mabighani sa gubat na ito dahil napakaganda itong pagmasdan. Hindi mo maiisip na isa lamang itong illusion.

"Always remember, Illusion Forest ito" paalala ni Delixean sa amin.

Nagsipagtanguan kaming pito. Nagsimula na kaming maglakad sa loob ng Illusion Forest. Hindi pa malayo ang aming nilalakbay ng makarinig kami ng kaluskos dahilan para mapahinto kami.

"Ready yourselves!" sigaw saamin ni Delixean.

Sinummon ko ang aking Slirewod (Slyre-wod), ang pangalawa sa paborito kong sandata. Tumingin ako sa mga Royalties at nakita kong gulat silang nakatingin sa hawak kong sandata. Hindi na ako magtataka na sila'y magugulat dahil sino ba naman ang hindi magugulat kung makikita mong hawak hawak ko ang pangalawang pinakamalakas na sandata para sa kanila?

Sa pagkakaalam ko, SkyBlad ang pinakamalakas na sandata para sa kanila. Ang SkyBlad at Slirewod ay may pagkakatulad sa Bysclader (Bis-clay-der) ko. May kakayahan ding magbagong anyo ang mga ito. Kung ang Bysclader ay kayang maging tulad ang lahat ng sandata, ang SkyBlad at Slirewod naman ay may limitadong kayang maging sandata. Sa aking pagkakaalam, 20 lang ang merong uri ng sandata ang meron dito sa mundo namin hindi na kasama doon ang mga tulad ng baril. Kung 20 lang ang uri ng sandatang pwedeng maging anyo ng Bysclader, ibig sabihin, 10 lamang na uri ng sandata ang pwedeng maging anyo ng SkyBlad at limang uri ng sandata naman ang pwedeng maging anyo ng Slirewod.

Ngayong may kanya kanya na kaming hawak ng sandata, hinanda na namin ang aming mga sarili baka sakaling sumugod agad ang aming magiging kalaban. Sa sobrang tagal naming naghintay na lumabas ang aming mga kalaban, mabuti na lamang at naisipan na nilang lumabas ngayon. Tanging mga creatures lang ang lumabas. Akala kasi namin noong una, mga dark magicians na naman.

The Powerful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon