TPP : 33

55K 1.6K 52
                                    

The Powerful Princess
Chapter 33: Fivio
__________________________________

Anica POV

Saaking pagteleport, agad kong iniangat ang aking kamay na parang pipigilan ang mga mahikang umaatake saamin, at ng ito ay lumapat saaking kamay naging dahilan iyon para magkaroon ng pagsabog. Puno ng usok ang paligid dahilan hindi kami mapansin ng mga magicians pati na rin ang mga Royalties ng A.A.

Mula sa aming pwesto, rinig ko ang tawanan ng mga Royalties. Rinig kong nag-uusap sila na keso walang binatbat, mga weak at kung anu-ano pa. Hindi na ako nag-effort na tanggalin ang usok kundi hinayaan ko na ito mawala.

Hindi naman matagal nawala ang usok dahilan makita ko ang gulat sa mga mukha ng mga estudyanteng nandito ng makita nila kami.

Ano sa tingin nila? Na mamatay nalamang sina Ella at Jessica, sa ganung atake? Dapat nga hindi na ako mangengealam kaso hindi ko hahayaang magalusan silang dalawa.

Hindi pa rin nila napapansin ang aming presensya pero napansin nila ang tingin ng mga estudyante dahilan tumingin sila saamin.

"Woah, what we have here? I thought you were the only two? Oh well, hindi pa rin magbabago na mga weak kayo!" nakangising sabi ni Gabriela.

Muli siyang gumawa ng fire ball sa kanyang mga kamay at ibinato saakin dahilan itaas ko ang aking kamay at lumabas doon ang aking mahika na apoy na kulay lila na naging dahilan para magkaroon ng pagsabog dahil ang mahika ko ay tumama sa mahikang ibinato niya. Hindi lamang iyon dahil pati sila Gabriela ay muntikan na matamaan kung hindi sila umilag.

Gulat ang kanilang mga mukha dahil sa kanilang nakita.

"Anong klaseng mahika yun?" tanong ni Min.

"Fivio" simpleng sabi ko.

"HAHAHA kahit ganyan pa ang mahika mo, weak ka parin!" mayabang na sabi ni Gabriela.

"Nagkataon lang na fire ball ang itinira ko at hindi iyon malakas kaya nakachamba ka lang! Pero heto, hindi niyo na mapipigilan!" dagdag niya pa at mabilis na gumawa ng malaking fire ball at saka ito itinira saakin.

Tiningnan ko lamang siya at itinaas muli ang aking kamay, mula saaking palad, lumabas doon ang aking mahika na parang nagblast patungo sa fire ball na ginawa ni Gabriela. Aaminin ko, medyo malakas ang mahika niya kaya kinakailangan kong humakbang dahilan maitulak ko ang fire ball niya patungo sa kanila.

Humakbang pa ako muli ng makita kong masisira ko na ang kanyang fire ball. Sa pangatlong hakbang ko ay tuluyan ng nasira ang kanyang fire ball dahilan gumawa siya ng shield niya para hindi siya matamaan dahil tumagos ang aking mahika patungo sa kanya.

Malakas pero rinig namin ang pagcrack ng shield ni Gabriela ng tumama ang aking mahika sa kanyang shield, na ikinagulat ng lahat. Patuloy ito sa pagcrack hanggang sa ito ay mabasag dahilan siya ay matamaan ng aking mahika at mapatalsik na naging dahilan para mawalan siya ng malay.

Gulat ang lahat pero kumilos agad ang ibang Royalties para daluhan siya at mabilis silang umalis para dalhin siya sa clinic. Hindi na sila nag-atubila pang harapin kami dahil mas importante sa kanila ang buhay ni Gabriela. 

Gulat pa rin ang lahat dahil hindi nila inaasahan na matatalo si Gabriela.

"Tara na sa table, baka malamig na yang pagkain natin" sabi ko sa dalawa at bumalik sa aming table dahilan maramdaman ko ang kanilang pagsunod.

Mabilis naming tinapos ang aming pagkain at hindi na pinansin pa ang paligid. Alam kong pati si Jessica ay nagulat sa mga nangyari pero hindi siya nagtangkang magtanong saakin ukol dun.

The Powerful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon