The Powerful Princess
Chapter 02 : Creatures
______________________________________Anica POV
Isang panibagong araw para sa aking buhay. Katatapos ko lang kumain at maligo kaya ngayon, nandito ako sa aking kwarto, naghahanap ng aking isusuot. Kinuha ko na lamang ang aking pantalon at isang t-shirt na may tatak na DEATH sa likod at ito'y isinuot.
Kinuha ko ang aking salamin at ito'y isinuot. Isang salamin na tanging ako ang gumawa. Tinatawag ko itong M-Glasses dahil may kakayahan itong itago ang aking buhok at mata na may kulay lila. Hindi lamang iyan ang kayang gawin ng M-Glasses, kaya rin nitong makita ang ano mang bagay na nasa loob na parang X-ray. Kaya rin nitong magrecord sa pamamagitan ng pagpindot sa may bandang dulo ng salamin at kaya rin nitong alamin ang totoong bagay na hinahanap mo, gaano man ito kaliit at kalaki.
Inayos ko ang aking mahabang buhok na nakalugay at ang aking bangs. Kinuha ko ang aking shoulder bag at malalim na huminga habang nakaharap sa malaking salamin. Handa na akong lumabas sa ganitong ayos. Hindi ko rin masisisi ang mga tao sa labas dahil totoong ang weird ko talaga. May malaking salamin akong suot pero may bangs naman akong nagtatakip sa aking salamin.
Napagdesisyunan ko ng lumabas ng bahay. Hindi ko rin naman alam kung saan ako pupunta basta makalabas lang ako.
Sa aking paglalakad, mahigpit kong hinahawakan ang aking bag. Hindi ko talaga maiwasang mag-isip dahil sa mga tingin na pinapakita saakin ng mga taong nakakakita saakin.
Hindi ba sila sanay na makita akong ganito? Para naman silang hindi tao kung makatingin saakin na animo'y nandidiri at natatakot. Wala naman akong ginagawa sakanila '-_-'
Naalala ko palang may bully ako. Queenie, sana hindi kita makasalubong. Isang mortal na bully ko si Queenie. Isa siyang babaeng may tinatagong baho, malandi, mataray at mapang-api. Sa tuwing nakakasalubong ko sya, palagi niya akong inaapi. Hindi ko siya magawang labanan dahil ayokong magkaroon ng gulo kaya minabuti ko nalamang na umiiwas sa kanya.
Dating gawi, hindi ko nalang pinansin ang mga tingin nila. Mabuti nang wag pansinin dahil wala namang magagawa ang mga tingin nila saakin.
Nakarating din ako sa hantungan ko, ang parke. Umupo ako sa isa sa mga upuan dito at tahimik na pinagmamasdan ang paligid. May pamilyang masayang sama-sama, mga batang masayang naglalaro ang mga nakikita ko dito. Bukod sa upuan, damo, palaruan at ano pang bagay basta hindi tao.
Sa ganitong senaryo, tanging pag-iwas nalang ng tingin ang kaya kong gawin. Hindi ko kayang pagmasdan ang ganitong sitwasyon. Hindi naman ako magluluksa dito kung may kasama ako pero dahil nga tanging mag-isa nalamang ako, wala na akong magagawa.
Nakakalungkot dahil mag-isa nalamang ako, wala akong magagawa kung ganun ang buhay na itinadhana saakin. Matagal na akong nag-iisa simula noong ako'y pitong taong gulang. Maagang nawala ang aking mga magulang saakin dahil sila ay pinatay.
Napailing na ako dahil sa mga iniisip ko. Nandito ako para mabuhay ng tahimik hindi para alalahanin ang madilim na nakaraan.
Naisipan ko nang tumayo at maglakadlakad dito sa parke. Nakarating ako sa isang malawak na lugar kung saan sa tingin ko'y may laban na nagaganap. Dahil sa curiosity ko, nakipagsiksikan ako sa mga tao para makita ko kung ano ang nangyayari. Dalawang tao ang naglalaban habang may mga gloves sa kanilang dalawang kamay. Napailing na lamang ako dahil sa nakikita ko at naririnig kong nagtatayaan ang mga tao dito. Sa aking pagkakaalam, bawal iyan dito.
Pinagmasdan ko ang paligid hanggang sa makuha ng aking atensyon ang isang taong halos itim na lahat ang kanyang kulay, maliban sa kulay pula nyang mata. Nakatayo lamang sya habang nanonood ng laban tulad ng ibang tao.
BINABASA MO ANG
The Powerful Princess
Fantasy>You can find it on Dreame App and also on Moboreader app, still ongoing since it's an English version of my story< Athena Nicole Cassandra Celestine. Long name right? Pero hindi lang sa pangalan niya ang mahaba, pati ang buhay niya. She's a nerd...