TPP : 19

62.5K 1.8K 143
                                    

The Powerful Princess
Chapter 19: Valentine's Day
__________________________________

Third person POV

Sa Magical World, abalang nag hahanda ang lahat para sa death anniversary nina Princess Elizabeth Laine Luis Anika Smith, King Luis, King Romus, Queen Sera, Queen Rexenne, Queen Stephanie, King Sean, King Ronie at King Christopher.

Napakabusy nila dahil mahalaga ang araw na ito. Habang ang mga Royalties ay nasa kanilang mga dorm kasama na si Trisha.

"Nakakapagtaka at hanggang ngayon ay wala parin si Anica" takang sabi ni Sabelle

"Duh hayaan nyo na ang bruha na yun. May kasalanan pa sakin yun!" mataray na sabi ni Trisha

"Shut up Trisha!" inis na sabi ni Delixean.

Nanahimik naman si Trisha.

"Yeah at kakaiba ang kanyang mahika. Napakalakas nito" sabi ni Arron.

Malalim ang iniisip nila ngayon dahil marami narin ang nangyari nung pumasok si Anica. Wala pang nagaganap na leveling battle kaya hanggang ngayon si Delixean parin ang malakas sa Magica Academia.

______________________________

Someone Pov (2)


Malapit na.

Hindi na ako makapaghintay pa na magkita tayo.

Konting tiis nalang.

Matatapos ko na rin ito.

Hanggang ngayon ay sinusundan pa rin kita.
.
.
.
.
.
.
Mahal ko



______________________________

Anica POV

Maraming araw na ang lumipas. Halos dalawang buwan na ako dito sa Mortal World. Ngayong araw ay napakaspecial saakin. Feb. 14, ang araw na sinagot ko siya at ang pagkawala niya.

"Hmm Anica, panyo oh" biglang sabi ni Ella at binigay saakin ang panyo.

Nagtatakang tumingin ako sa kanya. Tinuro nya ang aking mukha kaya napahawak ako dito at napagtanto kong umiiyak ako. Ngumiti ako sa kanya at tinanggap ang panyo nya.

Ginamit ko naman itong pangpunas sa aking mukha.

"Salamat" sabi ko at umupo sa sofa.

Linggo ngayon at walang pasok kaya nasa dorm lang kami ni Ella. Tumabi sya sa akin

"Hmmm ate, ano nga pala meron ngayon at bakit ka umiiyak ngayong araw?" curious na tanong ni Ella.

Humarap ako sa kanya at ngumiti.

"Feb, 14. Araw ng mga puso" stating the fact na sabi ko.

Napasimangot naman sya. Natawa nalang ako.

"Araw na kung kailan s-sinagot ko na s-sya at araw na n-nawala s-sya" sabi ko na nagcrack pa ang boses ko.

Nagsimula nanaman lumabas ang mga taksil kong luha .

"Sorry ate. Kung nasaan man sya ay binabantayan ka nya kaya wag ka nang umiyak baka sisihin pa nya ang sarili nya dahil sya ang dahilan ng pag iyak mo" sabi ni Ella.

Ngumiti ako sa kanya at pinunasan ang aking mga luha.

"Salamat lil sis" pangangasar na sabi ko dahilan para mapasimangot siya.

Tsk. Kapag tatawagin ko kasi syang lil sis, napapasimangot sya pero pumapayag naman sya.

Arte no? HAHAHA parang ako, hindi eh.

"Ate naman eh! Pwede namang sis lang!" nakasimangot na sabi ni Ella.

"Sige, sis" sabi ko dahilan para mapangiti sya.

"Tara ate ,mall tayo!" masayang aya nya.

Tumango lang ako at nagbihis kami. Bored din naman kasi dito kung tatambay lang kami.

"Tara na ate" masayang aya ni Ella

Ngumiti ako at tumango.

Lumabas na kami sa aming dorm at nagsimula ng maglakad palabas ng aming school. Mabilis naman kaming nakalabas ng school at ngayon, nasa loob na kami ng kotse ni Ella. Habang nasa byahe kami, napapansin ko na may nagmamasid saamin or saakin? Hindi ko na lamang pinansin pa.

Nakarating naman kami ng maayos sa mall. Pagkapasok pa lang namin sa mall, agad kaming dumeretso sa National Books Store. Binili lang namin ang mga kinakailangang libro at mga wattpad books. Mahilig din kasi kami sa wattpad. Mystery, fantasy at action books lang ang binili naming wattpad books dahil iyon ang paborito naming genre. Matapos namin sa NBS, pinuntahan naman namin ang mga tindahan ng mga damit. Kung ano man ang magustuhan naming damit, binibili namin. Mabilis naman kami natapos at naisipan naming pumunta ng Jollibee dahil nagugutom na kami.

"Grabe, ang saya ngayong araw! Pero nakakabitter dahil marami ang nagdadate" sabi ni Ella at pinagmasdan ang paligid.

Hindi na rin naman bago iyan. Aasahan mo nang maraming mga couple ang pakalat kalat ngayon dahil nga, special sa kanila ang araw ngayon. Araw-araw nga, may mga couple na nagdadate eh.

Matapos naming kumain, tumayo na kami at nagsimula na kaming maglakad. Habang kami ay naglalakad, nahagip ng dalawang mata ko ang dalawang pendants. Huminto kami sa paglalakad at nilapitan iyon.

"Sis, bilhin natin ito" sabi ko kay Ella na tinanguan naman niya.

Binili namin ang dalawang pendants at isinuot ito. Pabilog ang itsura ng aking pendant. Kulay violet ang loob nito habang ang kay Ella ay parang pabilog din pero kulay pink ang kulay ng kanya. Pagkasuot namin ng aming pendants, nakaramdam kami ng enerhiya. Mukhang naligaw ang mga ganitong uri ng pendants dito sa Mortal World.

"Lets go?" aya ni Ella

Tumango lang ako sa kanya at pinagpatuloy nanamin ang aming paglalakad papunta sa kotse para makauwi na kami.

Nakarating naman agad kami sa aming dorm. Pagod na pagod kami pagkarating namin dito.

Bago ako magpahinga, inilapag ko muna ang aking mga binili sa aking kama at pumunta sa kusina para magluto. Mabilis naman ako natapos magluto dahilan para ihain ko na ang mga ito sa lamesa at magtimpla ng juice. Pinuntahan ko si Ella sa kanyang kwarto.

*Tok tok tok*

"Ella, kakain na" tawag ko sa kanya.

Gabi na rin kasi kaya kakain na kami.

Bumukas naman ang pinto at lumabas na si Ella. Pumunta na kami sa lamesa at kumain. Matapos namin kumain ay iniligpit ko na ang mga pinggan namin at hinugasan. Matapos iyon, pumunta ako sa sala kung saan nakita ko si Ella na nakaupo sa sofa. Tumabi ako sa kanya na nanonood ng Encantadia. Itong Encantadia ay meron din sa Magical World. Parang katulad lang naman ng Mortal World ang Magical World ang pinagkaiba, nag eexist ang mahika sa Magical World. Matapos namin manood, pinatay ni Ella ang TV at humarap saakin.

"Ate Anica, kailan po pala tayo pupunta doon?" tanong ni Ella

"Gusto mo na ba?" tanong ko

"Hindi naman ate. Tinatanong ko lang po para maging ready na po ako" sabi nya nang nakangiti.

"Hmm balak ko kasi na mag isang taon dito at hindi na ako magdadalawang taon" sabi ko na tinanguan niya lamang.

"Sige ate, susulitin ko na ang isang taon dito. Sige ate, good night" sabi nya at tumayo.

Tiningnan ko lang sya naglalakad papunta sa kanyang kwarto hanggang sa siya ay makapasok na sa kwarto niya. Tumayo narin ako at pumasok din sa aking kwarto

The Powerful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon