The Powerful Princess
Chapter 56: King Luis
__________________________________Anica POV
Isang linggo na ang nakakalipas ng maganap ang paligsahang Challenges. Maraming mga estudyante ang nagtatanong kung sino ang dalawang binigyan ng parangal ngunit walang sumasagot sa kanilang mga tanong hanggang sa tuluyan na nilang makalimutan ang tungkol doon.
Nandito kami ngayon sa loob ng classroom, hinihintay ang aming guro na dumating galing sa meeting.
Nakapalibot kaming apat habang nag-uusap.
"May balak pa po kaya silang mag-ensayo? Ngayong buwan na po ang digmaan, hindi po ba tayo maghahanda?" tanong ni Cassandra
"Baka iyon ang pinag-uusapan nila" sabi ni Ella
"Sya nga po pala, habang maaga pa magpapaalam na po ako sa inyo"
Napatingin kami kay Jessica ng magsalita siya.
"Ano yun?" tanong ni Ella
"Kinailangan ko po kasing umalis dito sa Academia bago po ang digmaan dahil hindi po pwedeng wala po ako roon sa araw na iyon" sabi niya
"Ano po bang meron ate Jessica?" tanong ni Cassandra
"Ah 12th Death Anniversary kasi iyon ng Tito, Tita at ng pinsan ko saka birthday din ni Ate Athena" malungkot na sabi niya
"Ganun ba? Oh sige, ano ba pangalan nila?" tanong ko.
"Ah, si Tito A---"
Hindi na natapos ang sasabihin ni Jessica ng bumakas ang pinto dahilan mapaayos kaming lahat.
Andyan na si Miss
"Mamaya mo nalang sabihin" bulong ko kay Jessica na ikinatango niya.
"Pasensya na at natagalan ako. Well wala na kayong klase simula ngayon" panimula ni Miss.
Nagsihiyawan naman ang lahat.
"Quiet!!"
Biglang tumahimik ang paligid.
"Kailangan nyong pumunta ngayon sa Gym"
Nagsitayuan na kaming lahat at lumabas ng room.
Walang paalam-alam na basta labas agad.
Mabilis naman kami nakarating sa Gym.
Ano nanaman kaya ito?
Tiningnan ko ang mga nasa stage.
Teachers, councilors, Royalties, HM at mga reyna at hari....so ano meron?
Umupo kami sa harapan dahil doon naka assign ang section namin umupo.
"Attention! Pinapapunta ko kayong lahat dahil may mahalaga kaming sasabihin pero bago iyon, mag- bigay galang mo na tayong lahat sa ating mahal na reyna at mahal na hari" sabi ni HM
Tumayo kaming lahat at nagsiyukuan upang magbigay galang. Sinilip ko ang hari ng Elemental Kingdom at nakita kong may tinitingnan siya. Iniwas ko na lamang ang tingin ko dahil kilala ko kung sino ang tinitingnan niya.
Matapos yumuko, umayos na kami ng tayo at muling umupo.
"Alam kong sinabihan na kayo ng mga guro nyo na walang klase dahil simula ngayon magsisimula na ang training para sa darating na digmaan. Pero sa ngayon, hindi naman kayong lahat ang lalaban dahil ang lahat na hindi sasama sa pakikipaglaban ay pwede ng umuwi ngayon" anunsyo ni HM
![](https://img.wattpad.com/cover/94733008-288-k14492.jpg)
BINABASA MO ANG
The Powerful Princess
Fantasy>You can find it on Dreame App and also on Moboreader app, still ongoing since it's an English version of my story< Athena Nicole Cassandra Celestine. Long name right? Pero hindi lang sa pangalan niya ang mahaba, pati ang buhay niya. She's a nerd...