TPP : 46

49.8K 1.3K 21
                                    

The Powerful Princess
Chapter 46: Vacation
____________________________________

Anica POV

Nandito kami ngayon sa cafeteria. Kumakain at hinihintay ibigay saamin ang prize ng section namin.

Napabuntong hininga na lamang ako ng matapos na akong kumain. Tinanaw ko na lamang ang labas habang hinihintay ko silang matapos.

"Anica"

"Kailangan ko ng umalis. Bilang lang ang oras ko dito"

"Kailangan ko ng umalis Anica. Sana maintindihan mo ko"

"Hanggang sa muling pagkikita, mahal ko"

Napatingala na lang ako ng maramdaman kong babagsak ang luha ko.

Sean, hanggang kailan pa ba ako maghihintay sayo?

Humarap ako sa kanila at tumayo.

"Tara na" pilit na ngiting sabi ko at umalis na ng cafeteria.

Naramdaman ko naman silang sumunod saakin hanggang sa makarating kami sa R-room. Agad akong pumasok at dumeretso sa aking upuan. Napatingin kaming lahat sa harapan ng biglang lumitaw si Miss.

"Congratulations! Hindi ko na papatagalin pa, ang nakuha nyong prize ay may isang buwan kayong bakasyon! Sa katunayan, lahat ng estudyante ay may bakasyon din pero dahil kayo ang nanalo, isang buwan ang sainyo samantalang tatlong linggo lang ang sa kanila. Fair enough? Okay, kung sa Mortal World kayo magbabakasyon, sabihan niyo lamang si HM at siya na ang bahala sa inyo. Maliwanag ba? Now, mag-impake na kayo dahil ngayon din ang alis niyo! Hurry! Class dismiss!" derederetsong sabi ni Miss at nawala sa harapan namin.

Natuwa ang lahat at kanya kanya na kaming alis ng room.

Dumeretso kaming apat sa dorm at nagsimula ng maghanda.






____________________________________

Sean POV

"Kamahalan, may ipapagawa po ba kayo saakin?" tanong ko sa kanya.

"Puntahan mo ang mga bihag Sean. Tingnan mo kung buhay pa ang mga yun" nakangising sabi niya saakin.

Yumuko lamang ako sa kanya at tumalikod na. Paglabas ko sa kwarto niya, narinig ko ang usapan nila ng katiwala niya bago ko isara ang pinto.

"Dark King, kailan mo sya ipapasugod?"

Sinarado ko na ang pinto at nagsimula ng maglakad papunta sa underground kung saan nakakulong ang mga bihag.

Dahil sayo Dark King, kailangan kong maghirap ng ganito kahit kaya kitang patumbahin.







____________________________________

Someone POV (5) / Dark queen POV

Salamat sa iyo Lady Nicole at buhay pa ako ngayon.

Nandito ako ngayon sa isang lugar kung saan tagong tago at kasama ang aking mga kampon.

"Mahal na reyna, kailan po ba tayo aalis dito?" tanong ng isa sa mga kampon ko.

"Hindi ko pa alam, hihintayin muna natin ang kanyang hudyat" sabi ko sa kanya.

Tumango naman sya at bumalik sa kanyang pamilya.

Humanda ka at magkikita rin tayo ulit, Dark.


____________________________________

Anica POV

Nandito na kaming lahat sa harapan ng gate. Nakapila kami habang papasok sa portal. Pumila kaming tatlo sa dulo dahil kami ang huli.

Hindi nagtagal at kami na ang papasok sa portal. Unang pumasok sina Ella at Jessica.

"Pumasok na kayo" nakangiting sabi ni HM.

Tumingin ako sa kanya.

"Bantayan nyo ang Magica Academia HM dahil may pagkakataon na lusubin kayo ni Dark King" sabi ni Cassandra at pumasok sa loob.

Napailing nalamang ako habang nagtataka si HM pero tumango pa rin kahit wala na si Cassandra.

"Nasa paligid lang sya" sabi ko sa kanya dahilan magtaka rin siya saakin.

Hindi ko na hinintay pang magsalita si HM dahil pumasok na ako sa portal at inilabas sa loob ng gubat.

Pinagmasdan ni Cassandra ang paligid saka siya ng okay sign saakin kaya gumawa ako ng panibagong portal.

Pumasok kami at iniluwa kami sa totoong bahay namin. Hindi ako tumitira dito dahil gaya ng sabi ko ng una, may bahay akong tinitirhan na nakita ko lamang. Dumadalaw lang ako dito kapag may kailangang ipagawa saakin. Aaminin kong sinabi kong lonely ako nung una kahit may mga pwede naman akong kasama kaso kinailangan ko lang lumayo kaya ganun.

Kung hindi niyo na itatanong, isa kami sa mga mayayaman dito sa buong mundo. Dito namamalagi si Cassandra noong wala siyang balak pumasok sa Athena para asikasuhin ang mga papeles na dapat ako ang gumagawa pero dahil hindi nga ako nagparamdam sa kanya kaya no choice siya.

Isinarado ko na ang portal at pumunta sa kwarto para iligpit ang aking mga gamit na unti lang naman. Matapos iyon nagbihis ako at bumaba na.

Sa totoo lang, ang mga maids namin dito ay mga kauri rin naming white magicians. Kaya hindi kami nahihirapan magpaliwanag kapag mawawala kami bigla.

"Manang, tinapay nga po" sabi ko pagdating sa kusina.

Tinanggap ko ang tinapay na bigay ni manang at kinain ito papunta sa sala. Nagpaluto din ako ng popcorn at nagsimulang manood ng movie.

***

"Ate Anica, labas tayo?"

Napatingin ako kay Cassandra ng umupo siya sa tabi ko.

"Saan naman?" tanong ko at nanood muli.

"Mall...?" di siguradong sabi niya.

"Bukas nalang, pagod ako" sabi ko sa kanya at tumingin.

Tumango lang sya saakin at pumunta ng kusina. Tumayo na ako at pinatay ang T.V pagkatapos sumunod ako sa kanya sa kusina.

"Kumain na kayo" sabi ni manang dahilan tumango ako at umupo sa kabisera.

Mabilis lang namin tinapos ni Cassandra ang pagkain at umakyat na kami sa taas saka dumeretso sa aming kwarto.

The Powerful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon