TPP : 38

54.5K 1.5K 138
                                    

The Powerful Princess
Chapter 38: We're back
__________________________________

Anica POV

Dalawang linggo na ang nakakalipas noong nahanap na namin ang crystal ni Delixean at ngayong araw ang aming balik sa Magica Academia.

"Tapos na ba kayo magligpit?" tanong ko sa tatlo.

"Oo tapos na" sagot ni Ella

Kinuha ko ang aking shoulder bag. Actually kahapon pa umalis ang mga Royalties. Ngayon lang namin talaga napagdesisyunan na umalis.

"Let's go?" tanong ni Ella dahilan tumango kami.

Lumabas na kami sa aming dorm at pumunta sa may gate. Pagkarating namin, nakita na naming may portal ng nakaabang saamin.

"Ready?" tanong ko sa kanila at binigyan lamang nila ako ng tango.

Kasama namin ni Ella sina Jessica at Cassandra dahil wala akong balak na iwan silang dalawa dito. Sabay kaming pumasok sa portal at inilabas kami nito sa harap ng gate ng Magica Academia.

"Ganito pala ang Magica Academia pero mas maganda pa rin ang Athena Academy" sabi ni Cassandra

"Oo nga, malaki rin naman ito pero mas malaki ang Athena Academy" sabi naman ni Jessica.

Naglakad na kaming apat at kusa namang bumukas ang gate ng maramdaman nito ang aura namin.

Class hour ngayon kaya wala kaming nakitang estudyanteng pagala gala. Pinagpatuloy lang namin ang aming paglalakad hanggang sa makarating kami sa HM Office. Kumatok muna kami bago pumasok sa loob.

"Oh! Welcome back Ms. Anica at Ms. Ella! Congratulations nagtagumpay kayo sa mission nyo!" masayang bati saamin ni HM na binigyan ko lamang ng tango habang nginitian lamang siya ni Ella.

"May nagbago sayo Ms. Anica. Mas naging violet ang buhok at mata mo pero kumikinang kinang ito " sabi ni HM.

Hindi ko napansin yun ah.

"HM, nais po namin na mag aaral po dito si Jessica Celestine at ang bunso rin po namin na si Cassandra Scientele" sabi ni Ella dahilan tumayo si Jessica at kinamayan si HM samantalang ngumiti lamang si Cassandra.

"Well, bukas ay sumabay na kayo sa kanila. Doon nalang kayo sa dorm nila. Kompleto na ang mga gamit doon at sana maging masaya kayo dito sa Magica Academia" sabi ni HM

Tumango lamang ang dalawa at nagpaalam na sila. Umalis na kami doon at pumunta saaming dorm. Nagligpit muna kami ng gamit bago magsi-upo.

"Itour muna namin kayo dito" biglang sabi ko.

Pumayag naman ang dalawa kaya tumayo na kami at lumabas ng dorm para magsimula ng maglibot. Mahigit dalawang oras ang nakalipas ng mapag-isipan naming pumunta muna kami sa dining hall dahil nagugutom na kami. Mabilis din naman kami natapos kaya't umalis din kami agad doon. Inaya ko silang bumalik muna sa dorm at pumunta saaking kwarto. Sinabi kong tumambay muna kami sa Fairies Garden.

***

Maghapon din kaming nagstay sa Fairies Garden at umalis din ng makitang magdidilim na. Kumain lang kami saglit at saka naisipan ng bumalik sa aming mga kwarto para matulog.

Panigurado, iba na kami bukas.

__________________________________

Someone POV (1)

"Kamahalan, bumalik na po sila sa Magica Academia" sabi nya sa akin.

"HAHAHA hayaan mo sila. Hahayaan ko munang icelebrate nila ang dapat na icelebrate at pagkatapos..." sabi ko at ngumisi.

Napangisi din sya dahil alam na nya ang susunod kong sasabihin

"Pagkatapos..babawiin natin ang kaligayahan nila HAHAHA!!"

Tumango lang sya at nagpaalam ng umalis. Tumayo ako at pumunta sa aking bintana na malapit lang saakin.

HAHAHA magpakasaya lang kayo.

__________________________________

Someone POV (4)

Sana matupad mo ang pinangako mo na babantayan mo sya.

May tiwala ako sa iyo na mababantayan mo sya at magagawa mo ang sinabi ko sa iyo. Anica.

The Powerful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon