TPP : 49

46K 1.3K 13
                                    

The Powerful Princess
Chapter 49: Beauty Pageant
____________________________________

Anica POV

Ilang linggo na ang lumipas at ngayong friday ay may magaganap na event at iyon ay ang Beauty Pageant. Ngayon na ang araw na balak namin magpakilala ni Cassandra. Tapos na kaming mag-ayos at simple lang naman ang aming suot.

"Tara na?" pag-aya ni Cassandra.

Tumango ako sa kanya at kinuha na ang aking itim na shoulderbag. For now, kulay itim muna.

Pumunta na kami ng parking lot at sumakay na sa aking kotse. Agad ko naman ito pinaandar at mabilis kaming nakarating sa school.

Masyado pa kaming maaga bago magsimula ang Beauty Pageant. Tiningnan ko ang gate at mukhang kanina pa ito bukas dahil marami rami narin ang narito. Open kasi ito sa lahat. Kaya kahit outsider ka, pwede kang pumasok.

Nagsimula na kaming maglakad ni Cassandra at dumeretso sa field. Doon kasi gaganapin para malawak at kasya ang mga tao.

Dumeretso kami sa likod ng stage at doon namin nakita ang mga contestants.

Agad naman nila kaming napansin ng lumapit sa amin ang isa sa mga staff.

"Miss, nakaready na po ang lahat" sabi niya.

"Good" sabi ko at humarap sa mga contestants at ngumiti.

Nakita kong nagtaka sila.

"Hindi ba sila yung nakikita natin sa cafeteria?" rinig kong bulong ng isa sa mga contestants sa isa pa na tumango lang sa kanya.

"Good luck sa inyo" sabi ko at tumalikod na.

Inaya ko na si Cassandra pumunta sa harapan at doon sinalubong kami ng mga teachers. Kanya kanyang bati ang ginawa namin.

Lumapit saakin ang isang guro.

"Miss, 5 mins. nalang po at magsisimula na ang event" sabi niya na ikinatango ko.

Umupo na kami. Kasali kasi kami ni Cassandra sa mga judges. Dati rin kasi kaming model at anytime, pwede kami bumalik. Actually, lima kaming judges dito.

Ako ang nasa gitna habang nasa kanan ko si Cassandra at nasa kaliwa ko naman si Mrs. Santos, ang ina nina Colin at Sandra. Then, ang dalawa pang judges ay mga guro na dito.

Napatingin kaming lahat ng tumunog ang mic, hudyat na magsisimula na.

"Good Morning everyone! Ngayon ay sisimulan na natin ang Beauty Pageant!" masayang sabi ng MC.

Nagpalakpakan kaming lahat. Sinimulan na namin ang opening.

***

"Now! The awaiting event! Can't wait to see the beautiful ladies?! Oh yes! Pero bago yan, ipakilala muna natin ang ating mga judges!" masayang sabi ng MC.

Nagsihiyawan at nagpalakpakan naman kami.

"A lady with a softheart and beautiful face is on your right side, Mrs. Wilford!"

Tumayo si Mrs. Wilford at kumaway sa mga tao dahilan magpalakpakan ang lahat.

"A handsome man who's strict but kind and polite is on your left side, Mr. Wilson!"

Gaya ni Mrs. Wilford, ganoon din ang ginawa ni Mr. Wilson at syempre, hindi mawawala ang palakpakan.

"A lady who's lovely and kind to her children is on your left side, Mrs. Santos!" nagpalakpakan naman ang mga tao ng tumayo at kumaway si Mrs. Santos.

"A young lady with a cute face and perfect body who's the owner of Clioné University and the younger sister of the owner of this school also she was a model is on you right side, Ms. Cassandra!"

Tumayo si Cassandra at kumaway na may kasamang ngiti. Nagpalakpakan naman ang lahat.

"And last! The most important person! A young lady with a perfect face and body who's the owner of this school and known as one of the richest in the world also like her sister, she was a model! She is the one who sit in the middle! Ms. Anica!"

Tumayo ako at nakangiting tumango sa kanila. Nagpalakpakan naman sila.

"Maaari ko bang maaya si Ms. Anica dito sa stage?" sabi ng MC.

Ngumiti ako at pumunta sa stage. Nag-iwan lang ako ng kaunti speech at agad bumalik sa upuan.

Nagsimula na ang contest.

Habang nagsisimula ang event, hindi ko maiwasang ngumiti habang pinapanood rumampa ang mga naggagandahang dalagita sa harapan ko kaya minsan nahihirapan din ako magbigay ng score ko sa kanila.

Napailing na lamang ako at inaliw ang sarili sa contest na ito.

***

Nasa kalagitnaan na kami ng event ng mapansin kong dumidilim na ang paligid. Hindi naman ako nag-aalala kung sakaling umulan man dahil pinalagyan ko ng bubong ang field ngayon dahil kailangan ready kapag dumating ang ganitong panahon.

Hindi ko muna ito pinansin pero ng malapit na matapos ang event, mas lalong dumilim ang paligid. Hindi pa naman gabi dahil sa katunayan, 4 pm palang kaya nakakapagtaka at sobrang dilim. Hindi naman umulan.

Tumayo kami ni Cassandra dahil isa lang ang ibig sabihin nito. Lumapit saakin ang mga teachers.

"Pauwian na muna silang lahat dahil hindi maganda ang panahon" sabi ko sa kanila na sinunod naman nila.

Tulong tulong kaming inalalayan ang mga tao na makalabas ng school na walang na aaksidente. Marami mang tao, nagawa pa rin naming isaayos sila palabas.

Nang magsi-uwian na ang lahat at kaming dalawa na lamang ni Cassandra ang natira, isinarado ko na ang gate ng school ko at saka kami umalis.

Sinundan namin ang itim na hangin na pakalat kalat sa paligid.

Idinala kami nito sa isang parke. Napaseryoso na lamang ako ng mapansing maraming mga mortal ang namatay dito. Tiningnan ko ang paligid at nagtaka ako ng makitang walang mga nilalang.

Nagpalit kami ng suot ni Cassandra at ito ay naging armor. Bumalik din ang kulay ng buhok namin. Inilabas ko ang aking Slirewod.

Napatakip kami ng mata ng mas lalong lumakas ang hangin. Tumingin kami sa itaas at doon namin nakita ang itim na portal.

Mukhang alam ko na ang mangyayari.

Let's see kung mag-eenjoy ako.

The Powerful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon