The Powerful Princess
Chapter 18 : Luis Academy
___________________________________Anica POV
What a nice day.
Heto ako ngayon, naglalakad habang shoulder bag lang ang dala. Suot suot ko na ngayon ang uniporme ko. Hindi magpakakaila na maganda ang uniform nila. Komportable naman ako papaano kahit maikli ang palda.
Patuloy lamang akong naglalakad dito sa hallway. Saka nga pala, Luis Academy ang pangalan ng school na papasukan ko.
Habang ako'y naglalakad, pinagtitinginan ako ng mga estudyante dito. Hindi ko na lamang pinansin ang mga bulungan ng mga babae at pagpito ng mga lalake. Pinagpatuloy ko na lamang ang aking paglalakad papunta sa Principal Office.
Mabilis naman ako nakarating kaya ngayon, nandito na ako sa harapan ng Office. Kumatok muna ako sa pinto bago pumasok. Nakita ko naman si Ella na kanina papala ako hinihintay kasi nakaupo lang sya at nakangiti sa akin.
Hanep, wala syang ginagawa -_-
"Mabuti nalamang at dumating ka na. Halika at sasamahan kita saiyong magiging dorm para makapasok na tayo" sabi nya.
Kahit na siya ay pansamantalang principal, hindi pa rin mababago na isa pa rin siyang estudyante dito kaya kinakailangan niya ring pumasok.
Tumango lang ako sa kanya at sabay kami lumabas ng Office.
Habang naglalakad kami, sinasabi nya saakin ang lahat ng meron at tungkol dito sa school. Minsan nga nagbibiro sya. Kapag tatawa sya, ngumingiti na lamang ako para hindi masabing baliw ang kasama ko dahil walang karamay.
Mabilis naman kami nakarating sa magiging dorm ko. Ang ipinagtataka ko lamang ay naiiba ang aking dorm kumpara sa ibang estudyante.
"Alam kong nagtataka ka kung bakit naiiba ang dorm mo dahil...magka dorm tayo! Sa dorm ko na ikaw magdodorm!" masayang sabi nya at pumasok.
Weirdo...
Pumasok na lang din ako.
"Dito yung kusina" sabi nya at itinuro ang kusina na nasa left side
"Dito naman ang sala"
Turo nya sa right side.
"Dito naman ang kwarto natin. Isa pa, may banyo na sa loob ng kwarto natin" sabi nya habang umaakyat at tinuro ang kwarto ko at kanya .
Bale nasa itaas ang kwarto namin.
"Sa iyo iyang violet na pinto at akin naman itong pink na pinto" sabi nya dahilan para tumango lang ako.
Pumasok na ako sa magiging kwarto ko at pinagmasdan ito.
Hindi na rin masama.
Maayos naman ang loob. Mabuti na lamang at kompleto na ang mga gamit dito.
Sya nga pala, hindi ko pa nasasabi na may pagkaparehas kami ni Ella. Katulad ko, mayroon din siyang bangs na patagilid ang gupit. May suot din siyang salamin na hindi naman malaki at may dala-dala ring shoulder bag. May pinagkaiba nga lang kaming dalawa, iyon ay ang kulay. Kulay violet ang akin samantalang kulay pink naman ang kanya.
Lumabas na ako sa aking kwarto at nadatnan ko sya na kakalabas lang din ng kanyang kwarto. Nakita ko namang nakauniporme na rin siya.
"Tara na?" aya nya saakin na tinanguan ko lamang.
Lumabas na kami sa aming dorm.
"Oo nga pala, ito ang susi ng dorm natin at parehas lang tayo ng sched" sabi nya at binigay saakin ang extra key na kinuha ko naman.
BINABASA MO ANG
The Powerful Princess
Fantasy>You can find it on Dreame App and also on Moboreader app, still ongoing since it's an English version of my story< Athena Nicole Cassandra Celestine. Long name right? Pero hindi lang sa pangalan niya ang mahaba, pati ang buhay niya. She's a nerd...