The Powerful Princess
Chapter 15: Mysterious
__________________________________Someone POV (1)
HaH!
Humanda ka ngayon!
Alam ko na kung saang lungga ka nagtatago!
This is gonna be fun!
"Mamayang gabi, pupuntahan natin sya HAHAHAHAHA!" tuwang tuwang sabi ko sa aking mga kampon.
HAHAHAHA!
MAGKIKITA NA RIN TAYO!
HUMANDA KA AT SISIGURADUHIN KONG HINDI KANA MAKAKATAKAS O MABUBUHAY PA HAHAHA!
______________________________
Anica POV
What a surprise!
Right now, nandito ako sa isang lugar. Sa pagkakatanda ko, Tsuyoidesu World ang tawag dito. Bihira lamang ako pinapapunta dito kapag may importanteng pag-uusapan.
"Bakit niyo ako pinapatawag?" tanong ko sa kanila.
To be exact, nandito ako, kami sa isang kwarto kung saan laging nagaganap ang ganitong meeting. Hindi ko pa nasasabi sainyo na mga Gods at Goddesses ang aking mga kasama.
"Mamayang gabi, may magaganap na hindi kaaya-aya. Susugod siya ngayong gabi sa kanya at kailangan mo siyang tulungan laban sa kanya. Hanggat maaari, huwag mong ipakita ang iyong tunay na anyo. Magkunwari kang kampon niya" sabi ni Goddess Tallia, ang Diyosa ng mga Elements.
"Copy" sabi ko
"Mamayang gabi, gawin muna ang balak mong gawin. Magdidilim ang langit hudyat na nagkita na sila" sabi naman ni God Fire, ang Diyos ng mga Apoy.
Tumango lamang ako at nagpaalam na sa kanila. Pumikit na ako at sa aking pagdilat, bumalik na ako sa aking kwarto. Tiningnan ko ang aking orasan at napag-alaman kong 6:00 am na. 8:00 am pa naman ang pasok ko at wala rin akong balak pumasok ngayon. Nagsimula na akong gawin ang aking routine. Isinuot ko ngayong araw ang dress na ibinili ng mga Royalties sa Cassiopeia Land. Kinuha ko ang aking magical shoulder bag at tinago ito sa kapa ng aking dress. Inasikaso ko muna ang aking buhok at gawin ang hairstyle na gusto ko.
Isinuot ko na ang aking E-Glasses na ngayong kulay violet na. Mabilis ko lang nilinis ang aking kwarto bago lumabas. Pinagmasdan ko muna ang aking sala at nakikita ko namang malinis. Napagdesisyunan ko nang lumabas ng dorm at ilock ito.
Sinimulan ko na ang aking paglalakad. Habang ako'y naglalakad, hindi maiwasang tingnan ako ng mga estudyanteng nakakasalubong ko at hindi mawawala ang kanilang bulungan. Masasabi kong nagtataka sila kung bakit nakabihis ako na pang-alis kahit na may klase ngayong araw. Wala silang ideya sa nangyari kahapon kaya mga clueless sila ngayon. Hindi ko na lamang sila pinansin at pinagpatuloy lang ang aking paglalakad. Hindi rin nagtagal, nakarating na rin ako sa harapan ng HeadMaster Office. Kakatok na sana ako ng makarinig akong may nag-uusap sa loob.
"HM, gusto sana naming isuspende nyo po si Anica dahil sa ginawa nyang pananakit kay Trisha" rinig kong sabi ni Lyra.
BINABASA MO ANG
The Powerful Princess
Fantasy>You can find it on Dreame App and also on Moboreader app, still ongoing since it's an English version of my story< Athena Nicole Cassandra Celestine. Long name right? Pero hindi lang sa pangalan niya ang mahaba, pati ang buhay niya. She's a nerd...