Karapatan

1.6K 33 8
                                    

Chapter 15

Karapatan


Nagising ako dahil sa malakas na alarm, I groaned and immediately reach out for my phone to stop the annoying ringing it makes. Napapikit ulit ako nang maramdaman pa ang antok sa talukap ng aking mga mata. I could feel how soft and fluffy my pillow is.

Halos madaling araw na rin akong nakatulog kanina dahil nag over time ako sa trabaho, I prepared the details of my report para polishing nalang ang gagawin ko this weekend. I was scheduled to report it on Monday so tinapos ko na ng tuluyan kaninang madaling araw para hindi na ako mastress this weekend and besides... may lakad ako ngayon.

It's Earl's birthday today. Elisha notified me that the party will start at 11 am and so on. I opened my eyes and checked the time, I alarmed my phone at exactly 10 o'clock. Hindi ko namalayan na lumipas na pala ang sampung minuto matapos ang alas diez. Napaungol nalang ako nilabanan ang katamaran, tumayo na ako mula sa kama at kinalikot ang aking phone.

I scribbled to the keypad to type a Good morning text to Blair. Being with her for almost 3 weeks after that Signayan trip kept me sane. Lalong lalo na pagkatapos namin magusap ni Christen sa Secret Paradise. Blair held my hand after that.

Akala ko ay wala nang masisira pa sa akin pero pagkatapos naming magusap ni Christen ay nalaman kong sinira niya ulit ako. My broken pieces were shattered again into more defined and brittle pieces. Ang pagkatao ko ay parang gumuho ulit. She held a big part on me. So it is damn impossible not to be hurt by her simple words. Mabuti nalang ay nandiyan si Blair para hawakan at tulungan akong ayusin ulit ang aking sarili.

I know she's hurting, I know she's bleeding by just picking up the pieces that Christen broke but she never left me, she stayed by my side. Our relationship went well even when we went back to Manila. Kahit na may sari-sarili kaming buhay at trabaho ay hindi namin nakakalimutan magkaroon ng oras para sa isa't isa. God knows how much thankful I am for Blair. I am beyond thankful, really...

Nilock ko ang aking phone, I did not mind waiting for Blair's reply, siguro nga ay tulog pa iyon. For weeks I have been with her, nalaman ko na totoo ang sinabi ng kanyang Daddy na si Mr. Limjoco na sobrang work freak si Blair. She really is. Tipong siya nalang ang natitira sa kumpanya at nakauwi na ang lahat ng empleyado habang siya ay nagtatrabaho pa rin. She's not the Executive Manager for nothing.

I went straight to the bathroom na may pagmamadali dahil malayo-layo pa ang village nila Elisha dito. And also, excited na akong makita ang mag-ina ulit.

I locked my Maserati right after I went out. I looked at my own reflection on my car. Mabilis kong inilagay sa aking bulsa ang susi ng kotse at inayos ang aking buhok. My left hand is holding my gift for Earl, may kalakihan pero kaya naman buhatin ng isa kong kamay.

For one last time, pinasadahan ko ng tingin ang aking suot. I wore a plain black button down and khaki pants, sa init ng panahon ay tinupi ko ang cuffs hanggang sa aking siko at isang butones ng aking pang itaas ay nakabukas. The sun shines magnificently that also made me crinkle my nose because of too much heat.

Hindi na ako nagtagal pang titigan ang aking sarili at naglakad na papasok ng clubhouse ng village na ito. I was welcomed by usual party music that I hear everywhere, may iilan pang batang nakacostume ng pirata na nakasalubong kong nagtatakbuhan at naghaharutan. Their yayas helplessly chased them around pero hindi nakatakas sa aking mata ang pagtingin nila sa akin.

Umikot ang mata ko sa buong lugar at hinanap kaagad si Elisha pero bago ko pa siya mahanap ay narinig ko na ang pamilyar na boses ni Earl. Napangiti ako.

Fixing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon