Kulang

1.3K 27 4
                                    

Chapter 16

Kulang


Palakpakan ang narinig ko pagkatapos ng aking presentation. Napahinga ako ng malalim nang maisip na matiwasay kong natapos ang presentation. Nakita kong tumango-tango si Daddy at napakagat ako ng aking pang-ibabang labi.

The meeting was adjourned right after I walk towards my Dad's direction, katabi niya ang kanyang mga kaibigan na stockholders ng kumpanya namin. The faces of the people here somehow lighten up the heavy feeling I am carrying since this morning.

Masyado akong kabadao sa presentation na ito, I did my best to every little detail. Buong araw ng Linggo akong nagkulong sa aking condo para lang mapolish ang kabuoang presentation ko ngayon. I can say it is worth it based on the people faces, amused and satisfied with everything I presented.

Actually what matter to me is my Dad's reaction dahil first time kong magpresent sa buong board of directors ng kumpanya. He told me to do my best with this one and I think I did not fail him.

Tinapik ni Kuya Ashton ang aking balikat kaya binalingan ko siya ng tingin. His smile is wide that I can even see proudness in it!

"Damn it, Ezekiel. You are really a Zamorra, I can't wait 'til you finally manages this company," aniya at napangiti ako roon.

"Matagal pa iyon, Kuya..." not unless he wanted to leave our company as soon as possible and settle on making Cabana Resort a leader of his possible chain resorts around the country.

Umiling siya na para bang kalkulado na niya ang mga mangyayari, "Malapit na at base sa pinakita mo ngayon ay muhkang mapapalapit lalo ang pamamahala mo rito, Dad's pretty happy with your presentation."

Napanguso nalang ako at bumaling kay Daddy na nakatayo na at kausap ang kanyang mga kaibigan. Pagkatapos ng iilang puri at pasalamat ay tuluyan na kaming lumabas ng conference room. Dad invited me and Kuya Ash to join them with his friend for lunch but I declined.

"May trabaho ka pa ba, Ezekiel?" seryosong tanong ni Daddy at marahan akong tumango.

"I'll just eat on my office, Dad," rason ko. Nagpasalamat ako nang hindi na siya sumagot pa. Kuya Ashton eyed me like I'm going to make some trouble, nginusuan ko lang siya at napangiti.

Nang tinalikuran na nila akong dalawa ay agad kong kinuha ang aking phone. Pero bago ko pa ito maunlock ay halos mabuwal na ako sa aking kinatatayuan nang marinig ko ang boses ng aking sekretarya.

"Magpapaakyat na po ba ako ng lunch, Sir?" tanong ni Mark, I raised my brow at him.

"D-diba po sabi niyo sa opisina kayo kakain?" nagtataka niyang tanong.

I licked my lips and waved slightly my right hand that is holding my phone.

"I'm going to eat with Blair, Mark. I just made an excuse para hindi makasama sa lunch nila," sagot ko sa aking sekretarya at napatango nalang siya.

Before dialing Blair's number ay binalingan ko siya, "You can now eat your lunch, Mark."

Nagpaalam siya at naglakad na ako papunta sa aking opisina habang hinihintay na sagutin ni Blair ang aking tawag. I creased my forehead when the familiar operator ringed my ear. Bakit out of reach?

Umupo ako sa aking upuan at inihilig ang aking likod at ulo sa backrest. I dialed Blair's number again but it's out of reach again! Damn it! Bakit hindi ko siya macontact?

Inis kong inilapag ang aking phone sa lamesa. I held on to the side of my office table and pulled myself together with the chair towards the table. Inabot ko ang telepono at dinial ang opisina ni Blair. Damn it, I could feel how I become anxious with this. Naalala ko na hindi pala kami nagkausap kahapon dahil masyado akong nakatuon sa presentation ko.

Fixing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon