Ayoko Na, Suko Na Ako

31 2 0
                                        

Oo, mahal kita.
Oo, minahal kita at mamahalin pa rin kita.
Minahal kita ng hindi ko alam ang dahilan basta isang araw, nagising nalang ako na mahal na kita.

Yung buhay kong tahimik? Ayun, biglang gumulo.
Biglang gumulo nang dumating ka sa buhay ko.
Buhay kong walang sigla pero bigla nalang nagkaroon ng mga pagbabago nang dahil sayo.

Oo, Ikaw.
Ikaw ang dahilan ng bawat ngiti at tawa ko.
Sobrang gaan pala sa pakiramdam kapag masaya ka sa taong minahamahal mo.
Yung tipong hindi mo na siyang kayang pakawalan.
Yung tipong siya na yung taong gusto mong makasama at pakasalan.

Pero bakit ganon? Lahat ng saya at tuwa ay biglang nagbago.
Bakit ganon? Bakit lahat ng iyon ay unti unting kumukupas at naglalaho?
Nagsawa ka na ba? Naumay?

Nakakatawa tuloy isipin na sa kabila ng saya at tawa ko, may kapalit pala.
Lahat ng mga nangyari ay may kapalit na magsisilbing trahedya.

Hindi ko akalain na ikaw din pala mismo ang magiging dahilan ng pagpatak ng aking mga luha mula sa aking mga mata.
Hindi ko akalain na ikaw na pinapahalagahan at minamahal ko ay siyang makakasakit at dudurog ng aking puso.

Napaka sakit. Sobrang sakit.
Sobrang sakit sa pakiramdam na ang taong minahal at minamahal mo ay siya ring unti unting wawasak ng puso mo.

Alam mo ba? Na kahit durog na durog na ako, ay gusto ko pa ring lumaban?
Gusto ko paring ipaglaban ang mga bagay na dapat nasa akin pa.
Gusto ko pang ipaglaban kasi alam kong mahal kita.

Pero ano pang silbi ng pag laban at pag kapit ko, kung ang ipinaglalaban ko ay wala na? Sumuko na.

Kaya eto ako ngayon, palihim na nasasaktan at umaasa.
Palihim na umaasa na pwede pang maibalik ang mga nakaraan.
Palihim na umaasa sa mga bagay na hindi na maibabalik kailanman.

Sana nga tama ang iyong naging desisyon.
Sana nga maging masaya ka sa mga bagay na mas pinili mo.

Ito lang ang tanging tandaan mo, mahal ko.
Nandito parin ako, minamahal ka ng buong buo.

Lumipas ang ilang buwan at taon, hindi ka parin nawawala sa aking puso.
Hindi ko alam kung bakit ganon. Hirap na hirap parin ako.

Oo, sobrang nahihirapan pa ako.
Pero ano pa bang magagawa ko? Wala na. Lahat ng bagay ay sadyang nagbabago.

Oo, lahat ng bagay nagbabago at naglalaho.
Wala talagang permanente sa mundong ito.

Kaya simula noong nasaktan ako, hindi na ako nagmahal pa ng bago. Alam mo kung bakit? Kasi natatakot ako na baka siya rin ay sumuko.

Oo, takot na takot na ako.
Takot na akong maiwan.
Takot na akong masaktan.
Takot na akong mangyari nanaman ang mga naranasan ko noong nakaraan.

Ngayon, kahit ako'y lubusan pa ring nasasaktan, lahat aking kinakaya. Lahat aking ginagawa makalimutan ka lamang.

Pero wala akong magawa kasi ako'y lubos pa ring nahihirapan.
Siguro nga ito na yun.
Siguro nga ito na talaga ang katapusan.
Siguro nga wala na talagang pag asang maibalik ang nakaraan.

Kaya eto na ako, nagbabakasakaling makalimot.
Nagbabakasakaling humilom pa ang lahat ng sakit at poot.

Eto na ako, kusang sumusuko.
Kusang sumusuko at pinapatatag ang sarili ko kasi pagod na pagod na ako.

Ayoko na. Ayoko na magmahal ng totoo.

BrokenWhere stories live. Discover now