Ikaw yung tipo ng taong ang hirap hirap bitawan.
Ikaw yung tipong pagmamahal na hahanap hanapin kahit saan.
Ikaw yung tipong pagkakamali na nanaisin kong gawing muli.
Ikaw yung tipo ng pagmamahal na wala mang kasiguraduhan, wala mang paanyaya, walang sapat na dahilan, pero ikaw, ikaw ang gusto kong makasama.At ako?
Ako yung tipo na ang dali dali kung iyong bitawan.
Ako yung tipo na di mo handang isugal sa lahat ng iyong mga baraha. Kasi ganon naman talaga hindi ba? Ikaw, at ikaw pa rin yung bida sa kwento na ito.
Ikaw ang kalangitan para sa lahat.Pero ako?
Ako ang kadiliman sa gabing tulog na ang mga ulap.
Nais kong panghawakan ang salitang "Tayo", ngunit sa bawat sambit nito ay isinisigaw mo ang salitang "Tapos na tayo".Bakit ka bumitaw na parang ikaw lang ang nakakapit?
Bakit ka naglayag sa madilim na karagatan na parang ikaw lang ang lulan sa barko ng ating pagmamahalan?
Paano naman ako?
Saan nga ba ang lugar ko sa puso mo?
O mas tamang itanong kung may lugar nga ba ako diyan sa puso mo.Ang hirap mahalin ng iba ang aksyon sa ibinubuka ng bibig.
Ang hirap mahalin ng taong ginawa mong sentro ng iyong mundo pero para sa kanya, isa ka lang sa kontinente nito.Bakit nga ba nabuo ang salitang "Tayo"? Kasi gulong gulo na ako.
Totoo ngang mas lamang ang ikaw sa ako.
Kasi kinalimutan ko ang sarili ko mailagay ka lamang sa tuktok ng buhay ko.
Nawala ang ako at kung hindi mo pa rin pansin, ikaw at ako ay hindi na nga magtatagpo.(c): Anne Kayle Cruz
