Isasara Ko Na

11 1 0
                                    

“Isasara Ko Na”

Ngayon ay isasara ko na ang pinto.
Pagod na akong maniwala,
Ayoko nang umasa,
Ayoko nang masaktan.
Isasara ko na ang aking isipan sa mga panaginip kong darating ka
Sawa na akong maglakas sa daan na alam kong hindi mo naman sasabayan
Gusto ko nang makalaya sa kulungan ng “Baka may pag-asa pa.”
Bibitaw na ako sa pagkakahawak dahil pagod na aking mga kamay
Pagod na akong humawak sa mga bagay na kailanma’y hindi mo hinawakan.
Dahil tama na
Ayoko na
Ayoko nang tumingin sayo, tumingin sayo dahil kahit kailan ay hindi mo ako bibigyan ng atensyon.
Ayoko nang maghabol sayo dahil akhit kailan ay hindi ka titigil sa pagtakbo
Ayoko ng matakot, matakot na mawala ka dahil matagal ka nang naglaho
Ayoko nang mahalin ka dahil pagod na akong magmahal ng isang ilusyon
Isasara ko na ang pinto
Pinto na kailanma’y hindi ko naisara
Hindi ko naisara dahil umasa akong bubuksan mo ito
Na papasok ka at sasabihin mong mahal mo ako
Dahil araw-araw kong sinabi sa sarili ko na mahal kita
At tanging mahal mo din ako ang nais kong marinig na salita
Ngunit wala.
Lumipas ang maraming panahon at tila isa akong bingi na naghintay sa salita
Nagkalat ang katahimikan at naramdaman kong ako’y mag-isa.
Nanghina ako dahil alam kong umalis ka na
Iniwanan mo ako ng walang sasalo pababa
Pero naghintay ako
Pinilit kong inintindi na hindi ako susuko
Na lumipas man ang panahon ay papasok ka sa pinto
Na lumipas man ang panahon magkakaroon pa rin ng tayo
Na lumipas man ang panahon magkakaroon pa rin ng ikaw at ako
Ngayon ay isasara ko na ang pinto
Isususi at ikakandado
Hindi na ako maghihintay sa wala
Hindi na ako maghihintay ng sagot mo
Hindi na ako maghihintay na sabihin mong mahal mo din ako
Ayoko na, maglalakd na ako papalayo
Itatapon ko na ang susi patungo sa iyo
Dahil tapos na.
Wala na.
Nais kong malaman mo na hindi ako sumuko
Kailanma’y hindi ako sumuko
Dahil ngayon ko lang napagtanto
Simula nung iniwan mo ako, wala na akong ipinaglalaban.
Simula nung iniwan mo ako, ikaw na pala mismo ang nagsara ng pinto.

(c) Juan Miguel Severo

BrokenWhere stories live. Discover now