Para sa pinakamamahal kong lalaki.
Naaalala mo pa ba? Ang araw na tayo’y nagkakilala?
Naaalala mo pa ba? Kung paanong ang mga ngiti mo ang siyang nakapagpapasaya ng mga araw ko?
Na sa tuwing ika’y nakakasama, tila ba’y tayo lang ang tao sa mundong ito.
Naaalala mo pa ba? Ang araw na ika’y aking sinagot,
labis labis ang sayang nadarama, napawi nito ang iyong pagkabagot.
Naaalala mo pa ba? Yung mga araw na tayo’y magkasama?
Sabay tayong nangarap, umiyak at tumawa.
Naaala mo pa ba? Ang iyong mga pangako?
Mga pangako na siyang nagpawi ng takot sa aking puso.
Naaalala mo pa ba? Ang ating matatamis na yakap at halik?
Yung mga panahong alam nating pareho na maaaring hindi na maibabalik.Mahal… Naaalala mo pa ba ang ating masasayang alaala?
Mga alaalang nakapagpabago sa ating dalawa.
Mga alaalang nagpasaya at nagpaiyak,
na sa tuwing aki’y maaalala, tila ba ang puso’y tinatadtad ng saksak.
Mga alaalang nagturo sa atin na ang lahat ay may katapusan,
ngunit hindi dapat nating pagsisihan sapagkat ito ang nagdulot sa atin ng kasiyahan.Naaalala mo pa ba? Kung paano mo ako sinaktan?
Kung ano ang naging dahilan ng iyong paglisan?
Naaalala mo pa ba? Kung paanong ako ay nagmakaawa sa iyo?
Kung paanong ako ay lumuha sa iyong harapan,
ngunit sa huli ay mas pinili mo paring lumisan.Mahal, sana ako’y naaalala mo.
Ngayong ika’y aking pinalaya,
ang tanging hiling ko lamang ay ika’y maging maligaya.
Isinumpa kong iibigin kita at paliligayahin,
at sa pagkakataong ito ay inuulit ko sa iyo ang sumpang iyon.
Sa kabila ng aking pagkalunod,
sa sakit na iyong idinulot,
sana ako’y makaahon.Mahal, lumaban ako.
Ngunit bakit nagawa mong sumuko?
Bakit hindi ka lumaban sa pagsubok na tayo dapat ang magkakampi?
Bakit hinayaan mong mapako ang iyong mga binitawang pangako?
Bakit hinayaan mong tayo’y masira?
Diba’t ika’y nangakong magkasama tayong tatanda?
Bakit nagawa mong ako’y ipagpalit?
Damdamin ko tuloy ngayon ay puno ng poot at galit.
Ang dami kong katanungan,
ngunit hanggang ngayon, ni isa hindi parin mabigyan ng kasagutan.Ilang beses kong hiniling at ipinagdasal na sana’y maayos pa.
Na sana’y ako ay iyong mahal at babalikan pa.
Umasa sa mga salitang “Mahal kita. Pangako, ikaw lang.”
Mga pangakong pinanghahawakan ko,
umaasang muling magiging tayo.
Sana. Sana maulit ang nakaraan.
Sana maulit ang ating nakasanayan.
Sana muling maulit.
Sana ako nalang ulit.
Sana sa huling pagkakataon ay madama mo kung gaano kita kamahal.
Pangakong hihintayin ang iyong pagbabalik, kahit gaano man ito katagal.Kaya ngayon, heto ako, umaasa, naghihintay sa pagbabalik mo.
Mahal, may halaga pa nga ba ako sa iyo?
May halaga pa ba sa iyo ang babaeng minsa’y pinangarap at minahal mo?
Ang mga lambingan, mga alaalang pinagsaluhan, mga pangako,
bakit tila ba bula na naglaho?
Hindi ka ba nanghihinayang?
Ang dalawang taon na ating pinagsamahan ay nasayang.
Hindi ka ba nagsisisi? Nakokonsensya?
Oo, masakit mang tanggapin, pero ikaw na mismo ang nagpasya.Siguro nga, tama sila.
Kailangan kong tanggapin na ang dating tayo, at ang dating ikaw ay wala na.
Kailangan kong magising sa katotohanang masaya ka na…
sa piling ng iba.Kailangan kong tanggapin, na ako ay bahagi nalamang ng iyong nakaraan.
Tanggapin na wala kang pakialam kahit na ako’y iyong nasasaktan.
Tanggapin na ang dating tayo na masaya…
Ay isa nalamang mapait na alaala.Written by Me :)