Mahal, simula nung nakilala kita, ang daming nagbago sa akin.
Ang sarap pala sa pakiramdam na ang taong gusto mo'y gusto ka rin.Mahal, simula nung naging tayo, wala na akong ibang hiniling pa kundi ang makasama ka habang buhay.
Pakiramdam ko kapag wala ka, ang buhay ko'y walang saysay.Mahal, sa loob ng dalawang taong pinagsamahan natin, marami akong natutunan.
Natuto akong maging matatag, natuto akong magpahalaga.
Wala na kong ibang nararamdaman kundi kasiyahan.
Grabe pala tayo kung magmahalan.
Nangako tayo sa isa't isa na tayo lang.
Na magpapakatatag tayo.
Na kakayanin natin ang bawat pagsubok na darating sa atin.
Nangako ka sa akin na ako lang ang iyong mamahalin.
Nagawa kong suwayin ang mga magulang ko.
Nagawa kong magsinungaling at magtago.Mahal, sobrang minahal kita.
Ibinigay ko ang lahat, ginawa ko lahat para maipaglaban ka.
Kumapit ako kahit alam kong ang taong ipinaglalaban ko ay tuluyan nang sumuko.
Hindi ko akalaing magagawa mo sa akin ito, mahal ko.Mahal, bakit mo ako iniwan?
Bakit hindi mo ako magawang ipaglaban?Mahal, kahit masakit, pinalaya kita.
Hinayaan kita sa desisyon mo dahil sabi mo ito ang mas makabubuti sa atin.
Dahil sabi mo, kahit labag sa loob mo, kailangan mo itong gawin.Mahal, Nagtiwala ako sayo.
Pero bakit nalaman ko nalang na ikaw pala'y may bago?
Sabi mo ako lang ang iyong mahal.
Bakit hindi mo manlang pinatagal?Mahal, sana alam mong nasasaktan ako.
Sana alam mong ika'y mahal na mahal ko.
Bakit kailangan mo akong ipagpalit?
Kaya ka ba nakipaghiwalay para humanap ng akin kapalit?
Bakit?
Sawa ka na ba sa paglalambing ko?
Sawa ka na ba sa pagmamahal ko?
Bakit, paano, ang dami kong katarungan.
Sa sobrang sakit, gusto ko nalang kalimutan.Mahal, nangako ka.
Sabi mo ako'y mahalaga.
Sabi mo hindi mo ako iiwan.
Sabi mo hindi mo ako sasaktan.Mahal, pasensya ka na.
Pero, sobra na.
Ilang balde na ng luha ang iniyak ko.
Pero asan ang paki mo?
Asan ang iyong mga pangako?
Tuluyan na palang napako.Mahal, susuko na ako.
Ngayong alam kong wala akong mapapala sayo.
Hindi na ako aasa.
Hindi ko na ipagpipilitan na sana'y pwede pa.Mahal, masakit na.
Pasensya na pero ako'y bibitaw na.Written by me :)
![](https://img.wattpad.com/cover/69567038-288-k25395.jpg)