Masaya ka, Masaya ako

63 1 0
                                    

Dear ex,
Alam kong masaya ka na. Kitang kita ko naman sa mukha mo sa tuwing magkasama kayo eh. Oo, masakit pa rin. Pero wag kang mag alala. Masaya na rin ako. Tulad mo, may iba na ring nagpapasaya sa akin. Sa tuwing nakakasama ko siya, nababawasan yung sakit na nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko kayo nung bago mo.

Tanggap ko na. Pero hindi ibig sabihin non, hindi na ako nasasaktan. Hindi ibig sabihin non, hindi na kita mahal. Nandito pa rin ako, nakatingin sa inyo sa malayo. Kahit masaya kayo, at nasasaktan ako.

Okay lang. Masaya ako na masaya ka. Kahit masakit. Kahit mahirap. Kailangang tanggapin. Pero ganun pa man, gusto ko paring isipin na ako parin yung nasa puso mo. Gusto ko paring umasa na maibabalik ang lahat sa dati. Na ikaw at ako parin sa huli.

Inaamin ko, mahal na mahal pa rin kita. Pero kailangan kong isuko ang pagmamahal na iyon para maging masaya ako.

Pinalaya natin ang isa't isa. Malaya ka na, malaya na ako. Pero bakit pakiramdam ko nakakulong pa rin ako? Nandito pa rin ako, umiiyak, nasasaktan, nangangapa sa dilim. Hindi alam kung paano makakalabas. Hindi alam kung nasaan ang liwanag.

Mahal, sa huling pagkakataon gusto kong sabihin sa iyo na mahal kita. Na mahal pa rin kita. Nahihirapan akong tanggapin ang mga pagbabago. Pero ito ang gusto ng tadhana. Siguro nga ipinagtagpo lang tayo at hindi talaga para sa isa't isa.

Siguro sa paglipas ng panahon, mawawala rin itong sakit na nararamdaman ko. Sana. Sana mawala na ang sakit. At sa pagkawala ng sakit na iyon ay alunin na rin ang pagmamahal ko sayo. Kasi pagod na ako. Pagod na akong mahalin ka dahil para saan pa nga ba ang pagmamahal na iyon kung puro sakit lang ang isinusukli sa akin?

Tama na siguro ito. Hahayaan ko nalang ang tadhana ang magdesisyon. Hahayaan ko nalang na ganito ang ating sitwasyon. Na kung saan masaya ka, at masaya din ako. Hindi nga lang sa isa't isa.

Written by Me :)

BrokenWhere stories live. Discover now