Hindi ko alam na aabot tayo sa ganito
Yung ganitong okay naman tayo
Masaya naman tayo noon
Pero ngayon nasasaktan dahil sayo
Nadudurog ang puso ko ngayon
Pero sayo, ang laki ng hanga ko sayo
Dahil ngayon, masaya ka na agad
Masaya kana agad sa bago moPasensya ha?
Pasensya kung may pagkukulang ako sayo
Kaya siguro iniwan mo din ako
Dahil sakaniya mo nahanap ang mga pagkukulang ko
Na niminsan ka nakuntentoMinahal kita ng sobra pa sa sobra
Pero para sayo ay kulang na kulang pa
At hinanap mo sa iba
At ngayon wala kang pakialam
Sa taong ngayo'y nasasaktan mo naYung taong sinabihan mo noon na "akin ka nalang"
Mga salitang "hindi kita iiwan" at "mahal na mahal kita"
Ay ngayong nagsasabing malaya ka naAlam kong may mahal ka ng iba
Pero ngayon tanggap ko na
Dahil ayoko ng masaktan
Huling tawag ko na sayo ng salitang mahal
Mahal...
Malaya ka na.