Pagsisisi

12 1 0
                                    

Isang buwan na ang nakalilipas. At ngayon, hindi ka makatulog.
Binabagabag ka ng utak mong pilit binabalikan ang mga alaalang labis na sakit ang handog.
Ngayon mo lang napagtanto,
Habang kasalukuyan mong tinitignan ang inyong mga litrato,
Kung gaano mo siya nasaktan at sinayang.
Ngayon, lumuluha ka dahil sa panghihinayang.
Pinagsisisihan mo ang lahat ng masasakit na salitang binitawan mo.
Lahat ng pang babale walang ginawa mo.

Ngayon, pinagsisisihan at pinagbabayaran mo ang labis na sakit na idinulot mo sakanya.
Nagsisisi ka kasi pinalaya mo yung taong minahal ka ng sobra.
Nagsisisi ka kasi hindi mo nakita ang halaga niya nung kayo pa.
Nagsisisi ka kasi yung taong handang gawin ang lahat,
ay tila naglaho na parang bula at nagiwan sa iyo ng malalim na sugat.
Napagtanto mo na kailanman ay hindi mo na maibabalik,
ang kanyang matatamis na yakap at halik.

Pinagpalit mo siya sa iyong panandaliang kalandian,
ni hindi mo inisip ang sakit na kanyang mararamdaman.
Ang iyong paglisan ang unti-unting bumago sakanya
at ang sakit na dulot nito ang nagpatibay lalo sa puso niyang wasak na.
Nagising siya sa katotohanang hindi ka karapat-dapat sa pagmamahal na ibinibigay niya sayo,
Tumigil na siya sa paghahabol sa taong hindi makita ang kanyang halaga,
Sa taong hindi nirerespeto ang kanyang pagkatao.
At ngayon babalik ka.
Ngayong naka move on na sya?
Ngayong natutunan niya nang mahalin ang sarili niya?

Sana malaman mo na kahit na magmakaawa kang bumalik siya
ay hindi muna maibabalik pa ang mga luhang pumatak sa mga mata niya nung kayo pa.
Ang masasabi ko lang sa iyo ngayon ay isa kang dakilang tanga,
dahil yung taong karapat dapat na nasa harapan muna,
ay iniwan, pinaglaruan at pinakawalan mo lang.
Ngayon, lumuluha at nagsisisi ka habang inaalala ang masaya niyong pagsasama,
na ngayon lahat ay tila ala-ala na lamang.
Nagsisisi ka dahil wala na siya.
Nagsisisi ka dahil alam mong kahit lumuha ka sa harap niya ay babalik siya pwes nagkakamali ka!
Ngayon mo sabihin sa sarili mo na wala kang kwenta,
kasi hindi muna maibabalik pa ang nawalang pagmamahal nya.

(c) Juan Miguel Severo

BrokenWhere stories live. Discover now