Nakakapagod na. Ayoko na ng ganito. Ayoko nang gumising pa sa umaga na puro problema nalang ang kahaharapin ko.
Ayoko nang gumising sa umaga na alam kong hindi nanaman ako magiging masaya, na hindi nanaman ako pagbibigyan ng tadhana.
Ayoko nang gumising ng puro hinanakit at inggit ang nararamdaman ko.
Ayoko nang gumising sa katotohanang hindi ako sapat. Palagi nalang may kulang kahit alam ko sa sarili ko na ginawa ko naman ang lahat.
Ayoko nang gumising pa sa katotohanang hindi ko kailan man matatanggap na may iba na syang mahal.
Ayoko nang gumising at maramdaman na para akong sinasakal.
Ayoko ng gumising sa katotohanang wala na siya.
Ayoko na syang makita.
Ayoko nang masaktan,
Ayoko na syang mahalin kasi nakakapagod na.
Pagod na pagod na yung puso ko sa pagmamahal sa isang lalaking hindi na makita yung halaga ko.
Pagod na pagod na yung utak kong umaasa at nagiisip na sana'y pwede pa.
Pwede ba? Kung pwede lang sana hayaan na ako nung tadhana na magpahinga. Yung puso ko kasi wasak na wasak na eh. Hindi lang puso kundi buong pagkatao ko. Pagod na ako.
Tadhana? Kailan mo ba ako tatantanan? Please lang wag mo na akong paglaruan. Gusto ko na maging masaya. Yun lang, please ibigay mo na.-written by me