Dalawang taon. Sa loob ng mga taon na iyon, ikaw ang naging dahilan ng bawat ngiti ko. Sabay tayong nangarap, at sa isa't isa'y nangako.
Sabi mo, hindi mo ako iiwan.
Sabi mo, ako lang.
Sabi mo, mahal na mahal mo ako. Nagtiwala ako sa sinabi mo. Pero ano? Sa huli, nagawa mo akong iwan.
Sa huli, nagawa mong maghanap ng iba.
Sa huli, napagtanto kong...hindi mo pala ako mahal.Hindi mo ako mahal. Dahil kung oo, hindi mo hahayaang masira tayo. Kung oo, hindi mo hahayaang masaktan ako, at umiyak sa harapan mo.
Hindi mo ako mahal. Dahil kung oo, hindi ka sana nang iwan. Hindi mo sana ako sinaktan.
Hindi mo ako mahal. Dahil kung oo, hindi mo magagawang magsinungaling sa akin. Hindi mo magagawang ako'y limutin.
Hindi mo ako mahal. Dahil kung talagang mahal mo ako, ipaglalaban mo ako. Hanggang sa huli, ako'y mamahalin mo.
Hindi mo ako mahal. Dahil kung oo, hindi mo ako magagawang ipagpalit.
Ngayon ko lang napagtanto. Ang sakit. Nagpakatanga ako sa isang gagong tulad mo.Mahal, salamat sa lahat.
Mahal, ginawa ko naman ang lahat, pero bakit hindi parin sapat?
Mahal, pasensya ka na. Tulad mo'y pagod na rin ako. Dalawang taon na ating pinagsamahan ay susukuan na.Tutal, wala na naman akong ipinaglalaban, wala nang saysay para mga pangako mo'y panghawakan.
Kakalimutan na kita. Hindi na ako aasa pa sa mga binitawan mong pangako.At sa tuwing ako'y aasa, ipapaalala ko sa sarili ko na...
Hindi mo ako mahal. Pero ako, mahal kita. Mahal na mahal.
Written by: Me
