[Claire POV]

Monday ngayun at palakad-lakad ako sa Hallway papuntang room ko na meron akong nasagi na Magandang Babae at kasing Height ko lang, uso pa nga ang Simple Beauty.

"Sorry Miss, nagmamadali kasi ako, kailangan kung pumunta sa Guidance pero nawawala ako" ang cute niya kasi naka Pout siya.

"Gusto mong hatid kita sa Guidance" pag aalok ko.

"Baka late ka na" siya.

"Ang aga pa kaya, Tara na medyo malayo kasi ang Guidance dito" at naglakad kami papuntang Guidance.

"Thanks pala! By the way I'm Venice" ang cute ng name.

"I'm Clarrise, Claire for short. Bago ka lang ba dito?" tanong ko.

"Yup. Pupunta nga ako sa Guidance para kunin ang Schedule namin" sabi niya na nakangiti.

"Dito ka na pala mag-aaral, ano na bang Grade level mo?" tanong ko.

"Well, Grade 9 na ako, eh ikaw?" di ko talaga masisi ang mga lalaki dito kasi panay ang tingin sa kasama ko.

"Grade 10 na ako, so yung sinabi mung kami?" curios lang ako no.

"Well, I refer to my Kuya who will be studying here too and I think mag ka batch kayo" so kuya niya pala.

"So, kailan kayo papasok?"

"I think next week kasi bago lang kami nakadating dito sa Pilipinas" siya

"Saan ba kayo talaga nakatira?" maylahing akong Chismosa! HAHA

"Well sa China kami nakatira but my Mother told us na dito magtatapos si Kuya and again babalik kami sa China ulit"

"Wow! Ba't ang galing mo mag Tagalog! So one year lang kayo dito?"

"Aha, pero it's nice na nakahanap ako ng First friend dito"

"Sino yung first Friend mo?" tumawa siya, anong nakakatawa sa sinabi ko.

"Ikaw yun no, so Friends?!" masigla niyang sabi.

"Friends! andito na pala tayo" sabi ko na nakaharap sa pinto ng Guidance.

"Wait, pwede ko bang hingiin ang phone number mo?" sabi niya at nilabas ang iphone niya at ganun rin ako.

"09123456789" at ilang saglit nakatanggap ako ng text sa unknown number.

"Save mo yang number ko, text kita! BYE!" at pumasok na siya sa Guidance.

Papunta na ako ulit sa Room ko maaga pa naman, at alam ko wala pa yung dalawa doon, si Rheya palagi yung late si Kayce naman on time, pano ko nalaman ako kasi ang Attendance Officer.

"CLAIRE!" eto naman tayo, humarap ako sa tumawag sa akin at nakita ko naman ang mukha ng nakakabwiset na lalaki sa mundo, edi si Gie Michael Sy

"ANO NAMAN!" parati na lang kasi ako nito kinukulit.

"Claire naman eh, alam mo naman na ikaw lang ang buhay ko, bakit di mo na ako sagutin!' sabi nito at hawak-hawak ang kamay ko, pero tinangal ko.

"Tigilan mo ako! patayin kita para wala ka ng buhay! gusto mo?!" nakakastress talaga, si Gie eh Grade 9 palang yan ewan ko bakit nagustuhan niya ako, ilang months pa lang siya nangliligaw sa akin pero sinasabi ko naman na bawal mangligaw, hindi sa gusto ko pero, di ko siya type, Gwapo siya at sikat sa Grade level nila, pero di ko talaga gusto.

"Claire naman, hihintayin kita at gagawa ako ng paraan na magustuhan mo ako" sabi niya na seryoso.

"Ewan ko sayo! kadramahan mund di naman effective!" sabi ko at umalis na, akala ko wala na siya pero nakasunod pa rin siya sa akin.

"Ako na ang magdadala ng bag mo Claire" di pa ako pumayag eh kinuha niya na ang bag ko, pero kinuha ko sa kaniya.

"Binigay ang mga kamay para magdala ng sariling bag, kung wala kang bag bumili ka!" sabi ko at tumakbo sa Room ko, at umupo sa upuan ko.

"Hi Claire!" sabi ni Rheya!

"Anong nakain mo at ang aga mo?" totoo naman eh, di ko inasahan na maaga siya.

"Edi Kanin at Itlog!" at tumawa na lang ako, pero ilang saglit eh pumasok si Kayce na umiiyak.

"Uy Kayce! ba't ka umiiyak?" sabi ni Freya habang inaalayan si Kayce na umupo.

"Eh kasi nahulog yung sandwich ko!" at ngumiti ng peke.

"Hindi mo kami maloloko, si Francis ba?" sabi ko. Tumahimik lang si Kayce, pero alam namin tungkol kay Francis naman yung iniemote niya. Hindi na lang namin siya kinulit, kakausapin lang namin yung lalaki na yun na nag paiyak kay Kayce.

Lunch break na at pumunta kami sa Favorite place namin, sa likod ng School, dun kasi merong malaking field na pwede ka mag lunch doon.

"Alam niyo ba nung Sabado, meron akong nameet na Gwapo" sabi ko na kinikilig, kwenento ko sa mga kaibigan ko ang naganap nung sabado.

"Sino yung guy?" tanong ni Pia na kinikilig.

"Di ko alam, kasi bigla naman umalis, pagkatapos akong tulungan" sabi ko.

"KYAHHH! sana hinabol mo! sayang" sabi ni Jamie.

"Lokaret ka rin no! mahiya naman kayo"

"Di na uso yung hiya! pakapalan na yan!" sabi ni Kayce.

"Hindi ako katulad sayo, makapal ang mukha, di marunong mahiya" sabi ko, at tumawa kaming lahat, at sa gitna ng tawanan namin, meron akong natanggap na text at galing kay Venice.

From: Venice

Hey Claire, libre ba yung schedule mo mamaya after dismissal? wanna Hang-out pwede ka magsama ng Friends^^

Kahit sa text ang bait niya.

"Hey Girls, punta tayo mamaya sa Tea house, there's someone I want to meet you all" sabi ko sa kanila.

"Basta libre mo?" sabi ni Rheya.

"Psh, wala akong pera!" sabi ko

"Maniwala nga?" sabi ni Jamie.

"Sige na nga" at sabay naman sialng napa 'YES'

================================================================================

Hello pabitin for the moment, Please Vote and Comment! Thanks again

Love in all ways: Strangers to LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon