[Vince POV]

Second Quarter na ng pasukan at naging mahirap ang mga Discussion, katabi ko pa rin si Claire at lalong tumatagal eh parang nag-iiba ang nararamdaman ko sa kaniya.

Alam kung biglaan yun pero di ko mapigilan kasi, nung nakaraan eh parati ko siyang kasama kahit week ends nagkikita kami, palagi niya akong pinapasaya at nalulungkot ako pag di ko nakikita ang presensya niya.

And I think etong nararamdaman ko ay lalalim pa ito.

Tuesday ngayon at papasok na ako sa Room namin, nakita ko wala si Claire sa inuupuan niya kaya ginala ko ang mata ko pero wala talaga siya andun naman yung bag niya.

Saan kaya yun nagpunta? Andito naman si Kayce at Rheya pero wala siya.

"Good Morning!" bati sa akin ni Kayce kaya ngitian ko lang siya.

"Hey Hello Vince!" sabi naman ni Rheya.

At ganun rin ngitian ko lang siya, matanong nga baka alam nila kung nasaan si Claire.

"Uhmmm... Hey nakita niyo ba si Claire?" nahiya pa ako nung sabihin ko yun, pero nagulat ako ng ngumiti silang pareho, Okay! Ang creepy ha!

"Namiss mo na siya noh?!" pang-aasar ni Kayce sa akin.

"Psh! Di noh!" pagtatangi ko.

"Weh? Denial ka pa eh! Aminin mo na kasi na may pagtinggin ka kay Claire" Shyt! Halata ba talaga di naman totally nagusto ko siya pero parang ganun na nga.

Kahit sino wala pa akong sinabihan ng feelings ko at kung meron man eh yung Babae nagpapatibok ng puso ko ang unang makakaalam.

Di ko na lang sila kinausap baka mabuko pa ako nito masisira tuloy yung diskarte ko.

Ilang minuto ay pumasok na si Claire, at di talaga mawawala ang mga mapupulang pisngi niya kahit di na kailangan ng Make up maganda na siya sa paningin ko! Psh! Kabaklaan!

"Hoy! Tameme ka sa Beauty ng bestfriend ko noh!" Pang-asar ni Kayce. Nahiya naman ako, pati ba yun napansin niya.

Nakalapit na si Claire at dating gawi ay binati ko siya.

"Good Morning Claire" sabi ko ng nakangiti at ayan naman siya nakatulala! Kasalan ko ba bakit pinanganak akong Gwapo! Tsk!

[Claire POV]

Stress ako ngayun! Ikaw ba naman bibigyan ng overload na gawain, pinatawag kasi ako ni Ma'am Macalaglag! Psh! Pero lahat napawi nung nakita ko na ang mukha ng aking Destiny! Ang Corny! HAHAHAHAHAHA

Di ko alam pero lalong tumatagal lalo akong nainlove dito sa katabi ko, at eto ako umaasa kahit wala namang mapapala.

Naging sweet siya sa akin this pass Few days at ngayun ganun pa rin siya tahimik siya pero kung magbabanat eh lalag ang panty mo.

Nagkulitan muna kami at kasama yung mga kaibigan ko. Kung tutuusin kami ang maingay sa likuran.

"Alam mo ba nung namasyal kami nito at nila Pia eh pinagtripan nila ako pero alam mo sino ang napagtripan?!" Tawa sila ng tawa hindi ba nakasagot si Kayce pero tumatawa pa rin sila kaya nakisama na lang ako.

"Si Rheya! HAHAHAHAHAHAHAHA! Nadapa sa sahig ng Mall! HAHAHAHAHAHAHA" at ayun na nga tumawa talaga kami si Rheya naman pinagtawanan ang sarili!

"Stop me!" sabi ni Kayce na humahawak sa tiyan niya habang tawa ng tawa pa rin kahit ako sumasakit na ang tiyan ko.

Si Vince tumatawa pa rin ang unique ng tawa niya ang Manly!

Pero nagulat ako ng tumingin siya sa akin! Nakakahiya!

Love in all ways: Strangers to LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon