[Vince POV]

Di ko alam ba't yinakap ko siya pero I feel guilty nung mga ginawa ko sa kaniya, di siya yumakap pabalik sa akin pero hinigpitan ko ang yakap ko sa kaniya ilang segundo rin kaming ganun, bumitaw ako nang nakaramdam ako ng awkward atmosphere.

"A-ah p-pasok na t-tayo" sabi niya na nakayuko at pautal-utal na sabi.

Nagkamot na lang ako sa batok at hinawakan ang kamay niya, at bakas naman sa kaniya ang pagkagulat.

"Don't mind if I do this?" sabi ko sa kaniya at tumango na lang siya pero ngayun ang pula ng mga pisngi niya, ang Cute.

Naglakad kami papasok ng simbahan ng nakaHolding hands sa totoo lang kinikilig rin ako, pero di ko masasabi na gusto ko na siya at wala akong gusto sa kaniya.

Umupo kami sa pinakalikod na parte ng Simbahan marami ng mga tao at halos di ko makita si Venice ang alam ko kasi magsisimba sila with Mom and Dad.

Di kami nagkibuan ni Claire at parang ilang siya sa akin, kaya parang dumestansya ako sa kaniya, pero lumingon siya sa akin na merong pagtataka.

"Bakit?" tanong ko.

"A-ah Wala" sabi niya at humarap na siya sa altar pero parang meron siyang hinahanap.

Nagsimula na ang Missa at halatang nakafocus si Claire sa sinasabi ng Pari, natapos rin ang Missa at lumabas na kami ni Claire kasi maraming tao sa Exit.

"So, Sinong susundo sayo?" tanong ko, nakaupo kami ngayun sa compartment ng kotse ko.

"Si Papa, andito sila kasi ngayun" sabi niya na nakahawak sa bag niya.

"Hindi mo pa sila pupuntahan?" tanong ko.

"Ah di pa sila tapos, kasi after magsimba nagsisindi yun sila ng kandila" sabi niya na nakangiti, ang sarap niyang tignan kapag ganun.

Di na ako sumagot at tumingin na lang ako sa kawalan.

[Claire POV]

Gusto ko sumigaw sa kilig ngayun! Di ko alam anong gagawin ko kasi di na siya kumibo.

Maya't maya nag text si Mama na naghihintay sila sa tapat ng simbahan, ayaw ko pa sanang umalis, pero kailangan eh.

"Ah Vince, kailangan ko ng umalis" sabi ko at tumalon sa kinaupuan ko.

"Sige, mag ingat ka" sabi niya na wala namang bakas na kahit anong emosyon sa mukha niya.

Nakita ko sa harap ng simbahan si Mama at Papa na naghaharutan, Tsk!

"Ma! Pa! Tigilan niyo nga yan" sabi ko na nakanguso.

"Minsan nga lang to anak eh" sabi ni Papa.

"Tsk! Sa bahay niyo na lang yan gawin" sabi ko at tumawa naman silang dalawa.

"Tara na nga at baka tumandang dalaga ang ating anak" sabi ni Mama at inakbayan niya ako.

"Anong konek dun Ma?!" sabi ko at tumawa naman siya.

"Basta anak mala---"Tumigil si Mama at pati rin kami ni Papa ng nagtama ang paningin namin ni Vince.

"Uhmm... Claire nakalimutan mo pala" sabi ni Vince at pansin ko parang nahihiya siya ang Cute niya.

"Ahhh... Salamat" sabi ko at kinuha ang mga Pinang bili ko kanina sa Mall.

"Anak di mo ma lang ba kami ipapakilala sa Boyfriend mo?" sabi ni Mama at bakas sa Mukha niya ang pang-asar.

"Ma! Di ko siya Boyfriend" Turo ko kay Vince.

"Anak wag naman masyadong halata,

Iho ano ang Pangalan mo?" tanong ni Papa na ngisi pa rin, baliw talaga to.

Love in all ways: Strangers to LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon