/Claire POV/

Andito kaming lahat sa Dinning Table maliban kay Venice na umalis.

Maingay silang lahat maliban sa amin ni Vince sumasakay kami sa trip nila minsan o sa mga kwento nila.

"Babe eto kumain ka pa! Para di ka pumayat" kanina pa si Xavier na pinagtiTripan si Pia, kanina lang Tanda ang tawag niya dito pero ngayun Babe na.

"Teka nga ano gusto mung iparating na Mataba ako?!" si Pia at kami nagtatawanan na pero mas malakas kay Xavier.

"Teka di naman sa ganun yung intention ko pero kung na offend ka okay lang sa akin" sarap mang asar si Xavier, kaya di naka timpi si Pia binato niya nito ng Tinidor at agad naman umiwas si Xavier.

Andito kasi kami sa mahabang Table at ganito yung Posistion namin.

Ang nasa Right side Si Dylan, Kayce,Pia at Jamie

At kami naman sa Left side nauna si Rheya na kapantay si Dylan sunod si Christine, Xavier, Ako at si Vince.

Gusto daw makatabi ni Xavier yung babe niya pero pinagsisipa ni Pia ito kaya sabi niya kahit kaharap niya lang ito kaya no Choice ako makakatabi ko si Vince.

"Babe naman gusto mo ba masira yung mukha ko?" sabi ni Xavier na nakanguso.

"Hoy! Ispasol ka tigilan mo nga ako at di mo ako madadaan sa papacute mo at kung may pagkakataon man akong sirain yang mukha mo eh aba di sana tinidor lang inihagis ko sayo Pati plato ko na lang sana" sabi ni Pia sabay subo ng Cake, dessert na namin kasi.

Pansin ko meron silang sariling mundo si Pia at Xavier kasi nagkukulitan kasama si Jamie at sila naman Christine at Rheya inaasar si Kayce kasi bagay sila ni Dylan kaya ayun todo Pamumula ng Pisngi niya.

Kami, kailan kaya kami magkakaroon ng sariling mundo ni Vince! NakikiDrama si Ate oh!

Isusubo ko sana ang huling piraso ng aking Cake na hinila ako ni Vince papuntang Labas, kaya nagpatianod na lang ako sa hila niya, napansin kung palabas kami ng Gate.

"Teka muna ang bilis mo naman lumakad, Hiningal pa ako" sabi ko sa kaniya kasi ang laki ng hakbang niya.

"Sorry" sabi niya at sabay kamot ng batok niya, napakagat na lang ako sa labi ko ang hot niya kasi at Plus pa yung sout niya na Polo Shirt na pula at Denim shorts.

Tumingin ako sa mata niya pero umiwas siya agad! Anyare dito?!

"P-Punta tayong Park, Gusto mo?" tanong niya na hindi makatingin sa mata ko.

"Sige ba" sabi ko at naglakad kami, di naman kalayuan yung park nila at mabuti na yun kasi di ko na kaya ang katahimikan namin atsaka ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Nakakita ako ng Swing kaya umupo ako agad at sumunod rin siya, di naman masyadong mainit kasi merong malaking puno na nakaharang sa likod namin.

Ang ganda pala ng View dito, ang sarap ng simoy ng hangin. Naputol ang pag huhumaling ko sa Lugar ng nagsalita si Vince.

"Claire...." kinabahan ako ng tinawag niya ang pangalan ko.

"Ano yun?" lumingon ako sa kaniya pero nakayuko siya at namumula ang tenga.

"Eh kasi ganito-----wag na lang nakakahiya" ang cute niya sa ginagawa niya, yung parang bata na nagmanaktol.

"Wag ka ng mahiya, makikinig na-------" naputol ang sasabihin ko ng merong tumawag sa pangalan ni Vince

"Vince!!!!" bumaba ang isang magandang babae at parang namumukhaan ko ito, saan ko ba to nakita.

Yun nga doon sa Mall yung Blonde girl na nakaaway ko, pero napansin ko hindi na siya Blonde naging shade na ng Brown at Red ang buhok niya at mas bagay sa kaniya ang ganitong buhok, pero ba't kilala niya si Vince siya ba tong Girlfriend niya?

Love in all ways: Strangers to LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon