/Claire POV/

Its Saturday! Hoorayy! And sad to say malapit na mag end tong school year nato 2months to go and Babye highschool and hello College! Iniisip ko pa lang kinakabahan na ako! Hahahaha.

I check my clock and its 9:30 am I get up and dumerecho sa banyo para maligo! Hahaha. Well, excited ako ngayon! Why?! Kasi birthday ni Pia its January na kasi, this past Month we just celebrate christmas and new year sa bahay and went to my Lola and Lolo's place nong new year! Hehe. Di kami masyadong nag contact nila Kayce and others lalo na si Vince.

Well, about Pia its her birthday and she's gonna celebrate it sa bahay nila, I think ang daming dadalo, tumatawa kami nga nila Kayce kasi bigla lang kami binigyan ni Pia ng invitation card at kulay Pink pa ito. Hahahahaha. Sabi daw niya plinano to ng Parents niya at wala na siyang magagawa. Hahahahaha.

"Wherever I go, whatever I do stay by my side... Hmmmm... Lalalala~" kumakanta pa ako habang naliligo ako nang may kumatok sa pinto ng banyo.

"Claire nagtext si Vince na sunduin ka daw" si Ate. Agad ko naman binilisan ang pagliligo ko! Miss ko na kasi siya ilang buwan din di kami nagkita.

Naghanap ako ng susuotin ko, dinampot ko ang Dress ko na denim na may design na laces at sandals ko, humarap ako sa salamin at inayos ang buhok ko nilugay ko lang at nilagyan ko ng lace na ribbon sa likod. Okay na! Hahaha. Nag perfume ako at pulbos.

Nakarinig ako ng busina kaya nag mamadali akong bumaba dinampot ko ang bag ko at ang gift ko para kay Pia.

Kinakabahan ako makita si Vince, miss ko na siya at kasi di naman kami nagparamdam nong last month sa isa't isa natatakot ako baka wala na siyang feelings sakin! Ayaw ko nun!

Nagpaalam ako kay Mama at Papa at lumabas ng bahay. Nakita ko siya sa labas ng kotse niya at lumakas ang tibok ng puso ko nang tumingin siya sa akin at ngumiti! Leche! Di ko mapigilan sarili ko gusto kung magsisigaw sa kilig.

"Claire" sabi niya na nakalapit ako sa kaniya, dito pa lang amoy na amoy ko ang panglalaki nitong pabango. Hayyyy!

"Miss na kita" sabi niya at sabay yakap sa akin, di ko mapigilan ngumiti yinakap ko din siya pabalik at bumulong.

"Miss na rin kita" sabi ko sa tenga niya, bumitiw na kami sa pagyakap at napatawa na lang kami sa inasta namin.

Pinasakay niya ako sa kotse niya at sumakay na din siya, habang nagdadrive siya napansin ko na parang lumaki yung braso niya.

"Tumaba ka ba Vince?" Ako kaya tumawa naman siya ng mahina, anong nakakatawa dun? Ngumuso na lang ako.

"Di kaya! Muscles to" sabay pakita niya. Totoo nga at nagiging hot siya sa paningin ko. Bagay naman sa kaniya magka muscles pero yung okay lang.

"Ba't naman gusto mo magka muscles?" Ako.

"Para mapoprotektahan kita sa mga lalaking gusto kang agawin sa akin" cool niyang sabi napakilig naman ako. Pakshet! Hahahaha

/Pia POV/

Habang busy ang lahat sa kakaprepara sa birthday ko na hindi ko naman ginusto eto ako sa labas ng bahay naghihintay sa mga bisita. Ikaw ba naman nagpaplano na pala yung mga parents ko dati pa na magpaparty sa birthday ko, nakakatampo pero okay lang, pero leche pinasuot pa ako ng dress!

Ang handaan ginanap sa likod ng bahay malaki kasi dun ang space, malapit naman magsimula ang party kaya ako di mapakali, di pa dumadating sila Kayce, binigyan ko sila Kayce ng sampong invitation card at bahala na sila kung sino pa ang bigyan nila.

Pero kanina pa ako di mapakali pupunta kaya si Xavier? Kasi di maganda ang huli naming paguusap.

Nag walk-out na ako, ano pa ba kailangan kung makita?! Okay na yung nakita ko para masabi ko na kailngan ko ng tigilan ang pag iilusyon ko na pwede na maging kami ni Xavier! Gusto ko umiyak pero tanga lang umiiyak sa kaniya!

Papasok na ako ng SC office ng merong humablot sa braso ko at pinaharap ako.

"Pia yung nakita mo kanina ay isang pagkakamali"

"Oh?" Sarkastikong sabi ko.

"Pia naman wag naman ganyan oh, let me explain" bigla uminit ang ulo ko.

"Leche! Ano ba ang eexplain mo sakin, TAYO ba?! Xavier wala naman tayo ah at kung maka asta ka parang may relasyon tayo! Alam mo nagsisisi ako na pumayag ako sa kasunduan natin! Yung mga pagpapangap natin yung yung pinagsisihan ko! Sa huli talo pa rin ako eh! At wala kang dapat ipaliwanag naiitindihan ko naman pero sa ganitong sitwasyon nagmumukhang bobo na ako" sabi ko at pumasok na sa SC office at dun tumulo ang luha ko, Tanga ako! TANGA!

Napukaw ako sa pag-iisip ko ng sumulpot si Kayce, Rheya, Jamie, Christine at Dylan sa harap ko.

"Hoy birthday na birthday mo tulala ka!" Si Kayce kaya binatukan ko.

"Eto naman! Happy Birthday!" Sabi ni Kayce at bumati din sila, pumasok na kami sa loob ng bahay at pumwesto na sila sa kanilang lamesa na pinareserve ko.

Hinila ko si Kayce at dinala sa isang sulok na kami lang ang dalawa.

"Binigyan mo ba si Xavier?" Ako.

"Nang ano?" Hay mahahampas ko na talaga to si Kayce! Ang slow!

"Invitation card?!" Hayy.

"Ay oo naman! Bakit?" Siya, ayaw ko magduda si Kayce at makahanap pa to ng pangasar sakin.

"Wala, tara kain na lang tayo" ako kaya nagmadali naman tong si Kayce. Patay gutom talaga!

/Claire POV/

Andito na kami ni Vince sa bahay ni Pia, madami naman mga tao, pinapasok kami at dumerecho sa likod ng bahay ni Pia.

Nakita kami nila Jamie kaya kumaway sila samin, pumunta naman kami sa pwesto nila.

"Pia! Happy Birthday! Gift ko sayo oh" sabi ko at hinug ko rin siya.

"Happy Birthday" si Vince.

"Thanks sa inyong dalawa!" Sabi ni Pia at ngumiti.

Daming dumalo sa handa ni Pia, pero parang may hinahanap eh. Nakukulitan lang kami at nagkekwentuhan tungkol sa Christmas break namin.

"Na meet ko pa nga ang mga idol ko sa Korea! Shyt ang gwapo sabi ko nga kay Mama na magpaiwan na lang!" Si Rheya kung makapag kwento sigawan lang?! Hahahaha.

"Yun sakin nasa bahay bakasyonan lang kami ng mga pamilya ko sa Ilocos" si Christine.

"Ikaw Vince?" Si Kayce.

"Ha? Sa China" simpleng sagot niya, di ko yun alam ah! Tinignan ko lang siya pero may problema sa kaniya, may hindi siya sinasabi.

"Yun lang?! Ha! Wala kayo sakin sa bahay lang ako!" Taas noong sabi ni Kayce.

"Kasama yung hayop kung Ate!" Paghihirit niya kaya napatawa kami.

"Pia! May bisita ka" Mama ni Pia at may sumulpot sa likod nito at lumabas si Xavier.

Lahat nakatingin kay Pia at tulala lang ito, anong problema nilang dalawa? May hindi sila sinasabi ah.

Naging tahimik ang lahat habang kumakain, katabi kasi ni Pia si Xavier sa kanan at kaliwa naman si Kayce na katabi si Dylan sunod si Vince, ako, christine, rheya, at Jamie.

"Oy! Mag bestfriends talaga kayong tatlo, parehos kayo ng outfit!" Pagbabasag ng katahimikan ni Kayce, tinignan namin yung tatlong boys, pareho silang naka Polo Shirt, tokong shorts, at Vans, iba-ibang kulay lang sila.

"Oo nga no?!" Pagsasang ayon ni Jamie, pero ilang minuto din bumalik naman sa katahimikan.

"Teka muna, alis muna kami ni Claire" si Vince at hinila ako patayo, ano kayang plano nito? Kinakabahan ako.

Love in all ways: Strangers to LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon