[Kayce POV]

Bakit di ako pinapansin nitong katabi ko, kanina ko pa kinakausap pero kay Claire naman yung Atensyon niya, I smell something FOOD akala niyo kung ano no? Gutom kasi ako.

"Rheya labas na tayo Recess na!" sigaw ko kay Rheya

[Claire POV]

Recess na at parang iniwan ako ng Dalawa kung Bestfriend! Walangya talaga sila, pero itong katabi ko eh parang walang planong mag recess, tatayo na sana ako papuntang Canteen pero nagsalita si Vince.

"Uhmm... Pwede magpasama sa Canteen?"sabay kamot sa batok, eto naman yung mga paro-paro sa Tiyan ko, baka gutom lang to.

"Ahh-Sige" at tumayo na siya at sabay kami papuntang Canteen, pero awkward ng atmosphere namin kasi lahat ng mga Estudyante eh tumitingin sa amin lalo na sa katabi ko.

"CLAIIIIIRRRREE!" meron palapit sa dereksyon namin at sa tingin ko si Venice ito.

"Venice!" at naghug siya sa akin.

"Ang ganda mo sa Uniform" sabi ko pero nakangiti pa rin siya sa akin, nawala ang ngiti niya na nakatitig sa kanang gawi ko kung nasan si Vince.

"Ikaw?! Bakit mo kasama si Claire?!" sabi niya kay Vince na nakaturo sa mukha niya.

"Magkakilala kayo?" tanong ko, kasi nakakalito kaya.

"I'm sorry Claire, Well, naunahan na ako ng Kuya ko na magpakilala siya sayo, well again this is my Kuya Vince" sabi niya nakangiti at ako nasa Shocking mood pa, oo nga nu medyo kapareho ang mukha pero iba lang siguro yung lips.

"And since na matanda ka sa akin tatawagin na kita na Ate Claire, okay?" sabi ni Venice. Wow sarili ko ngang kapatid di ako tinatawag na Ate, maganda lang pakingan kasi first time na merong tumawag sa akin na Ate.

"And to you My unprecious Brother, may kasalanan ka pa!" V-___-V sabi niya kay Vince.

"Okay fine, aalis na kami nagugutom na ako no" at naglakad na si Vince at kami na iwan pero sumunod naman.

"Ate pwede bang sasama ako sa inyo kasi wala pa akong Friends but meron akong Enemy" sabi niya na naka Pokerface. HAHAHAHA ang cute niya.

"Sige kasama ko ulit yung Friends ko" sabi ko pero si Vince naman napatingin sa akin pero umiwas agad siya.

"Gusto ko yan Ate! Pero kasama ba si Kuya?" tanong ni Venice.

"Ewan ko sa kaniya" sabi ko at tumingin sa kaniya pero siya nakasimangot pa rin.

"Kuya! sasama ka sa amin?" tanong ni Venice kay Vince.

"Anong sa tingin mo?" poker face na sabi niya, ang gwapo pa rin niya.

"Ba't ang sungit mo Kuya! Meron ka ba ngayun?" parang mabibingi ako sa dalawa kasi ako sa gitna nila at si Venice nakahawak sa braso ko sa kaliwa.

"Psh, tumahimik ka nga" wow sungit talaga nito, pero kanina sa akin di naman.

"Heh! So Ate Claire, libre ka ba mamaya, Shopping tayo" sabi niya, tinignan ko ang phone ko kung merong nakalista na gagawin ko para mamayang hapon pero sad to say eh meron akong schedule.

"Sorry, di siguro kasi I have to meet my Dentist para pa change ng Braces ko, siguro sa susunod muna" sabi ko at nakarating na kami sa Canteen at nakita ko ang mga kaibigan ko nagtatawan, ano kaya ang pinagtatawanan nila, tumakbo agad si Venice papunta sa table nila Pia at dun sumali na rin siya sa kakatawa. Lumakad ako papuntang bilihan ng mga Foods at pumili, naka sunod pa pala si Vince.

"Hey anong sayo? Libre ko" sabi ko, mabait kasi ako, Weh?

"No, ako na lang magbabayad ng akin" sabi niya at kumuha ng tray at binigyan niya rin ako, kinikilig na ako sa kunting kilos niya, OMAGAD!

Love in all ways: Strangers to LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon