/Pia POV/

Nasa labas kami ng bahay ni Xavier naglilibot sa Subdivision, leche ba't kasama ko to?! May feeling ako may nagplano nito, kasi after nung umalis nila Claire at Vince ay sumunod naman sila Kayce at Dylan at yung tatlo eh nagkaraoke!

"Uhmmm Happy birthday nga pala" nakayukong sabi niya habang naka pamulsa, kung hindi ako galit sa kaniya kanina ko pa siya nasabihan ang cute niya. Pero bwiset siya.

"Thanks" sabi ko, wala ng humirit at tahimik lang kami naglalakad.

"Pia? Okay ba tayo?" Siya kaya napa tingin ako sakanya na nakatingin na pala sakin.

Ano ba meaning ng TAYO niya?! Tinignan ko siya ng matagal.

"Ah I-I mean tayo? Yung pagkakaibigan natin?" Siya, parang may gumuhit na sakit sa puso ko! Pakshet! Kaibigan lang ba talaga?

"May mali ba sa atin?" Ako, napasinghap na lang siya.

"Ewan ko" sabi niya at meron pa siyang binubulong.

"May binubulong ka?" Ako kaya napailing siya.

"Pia yun nangyari pala doon----" pagpuputol ko

"Alam mo kalimutan mo na yan kasi kinalimutan ko naman kasi tong nararamdaman ko para sayo" makahulugan kung sabi, slow na lang ang hindi maka gets.

"Ha?" Siya kaya lumakad na lang ako at napahilamos ang kamay ko sa mukha ko! Nakalimutan ko pala slow yung kausap ko.

/Claire POV/

"Ba't di mo sinabi sakin umuwi ka pala sa China?" Ako, andito kami sa Garahe nila Pia, tanaw ko naman sila Kayce at Dylan kasama yung tatlo na kumakanta.

"Yun ba, busy kasi ako meron kasi akong isinikaso doon" siya, nararamdaman ko naman parang may mali eh.

"May problema ba?" Ako.

Ngumiti lang siya ng pilit at yinakap ako at sa pagyakap niya naramdaman ko ang bulong niya na naka pahina ng sistema ko.

"Mahal kita Claire at kahit anong mangyari wag mo akong iiwan dapat dito ka lang sa tabi ko" sabi niya.

"Mahal rin kita" ako, alam ko matagal ko nato pinagiisipan kaya siguro tama na sagutin ko na siya ngayon, humiwalay siya sa yakap at yung mga chinito niyang mga mata ay lumaki at parang di makapaniwala.

"Totoo ba yung sinabi mo? Mahal mo ako? So tayo na ba?" Siya, ako naman parang tanga tumatango, di ko mapigilan mapangiti, parang sira naman si Vince kasi panay ang ngiti niya at di mapakali, sinasarili niya lang ang kasiyahan niya at cute niya panay din ang pagsasabi niya ng 'Yes'.

"Wala ng bawian yan ha!" Siya at yinakap ako ulit.

"Masaya talaga ako Claire, salamat sayo, Promise! Ay di pala, gagawin ko ang makakaya ko na pasiyahin ang prinsesa ko at hinding-hindi paiiyakin! I love you Clarrise Gail Tan-Yu" sabi niya at hinigpitan ang pagyakap sakin.

"Oo na dapat lang gawin mo yun at bilang prinsipe ko aalagaan kita at itataboy lahat ng mag tangkang agawin ka sakin" tumawa lang siya sa sinabi ko napanguso ako.

"Ang possessive ng Girlfriend ko, pero dapat galingan mo kasi gwapo yung boyfriend mo at lapitin ng babae" hinampas ko siya sa braso ng mahina kaya napatawa siya.

"Kapal mo". Sabi ko at tumawa.

"Mahal mo naman" sabi niya at kiniss pa ako sa pisngi feel ko ang pula na ng mukha ko. Hahahaha

"Hoy tama na yan linalanggam na kami dito! Kayo naman ang kumanta!" Sigaw ni Kayce at nakita ko naman ang iba kinukunan kami ng litrato. Shyt! Kahiya!

Love in all ways: Strangers to LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon