/Kayce POV/

Andito kami sa Living Room nag Papraktis para sa aming mini Concert mamaya sa Party ni Venice! Kasi itong babae na to kinukulit kami na tumugtog sa Birthday niya, kaya eto kami ni Pia ang mag guGuitara at sila naman apat eh kakanta.

Pero di pa bumababa si Claire ano kaya nangyari dun sa kanila, sana makapag-usap na sila.

Ilang minuto eh bumaba si Vince pero di kasama si Claire, ano kaya nangyari?

"Kuya san si Claire?" tanong Venice kay Vince na papunta sa Kitchen nila, na amaze ako kasi kahit malaki yung bahay nila naririnig pa rin nila ang isa't isa! Isn't it Amazing?!

"Andon" tipid naman nitong Chinito nato!

"Venice matanong nga may Room ba kayo na tawag na Andon?!" Magjo Joke muna ako.

"Push mo yan Kayce, puntahan nalang natin si Claire sa taas at dun na lang tayo magPraktis" sabi ni Pia.

Tumayo na kami at umakyat na, kapansin-pansin na rin ang mga dekorasyon na nilalagay sa bahay nila Venice para mamaya, naexcite na tuloy ako.

Pumasok na kami sa Room kung saan si Claire, di ko kasi to Room sa kabila kami kasama ko si Pia at si Rheya.

Nakita namin si Claire na tulala habang nakaupo sa kama, di pa siguro kami na pansin kasi nakatalikod siya, sumenyas si Jamie na tumahimik raw kami, hinay-hinay na lumapit si Jamie at ginulat.

"AAYYYY KABUNDUKAN!" sigaw ni Claire kaya natawa kami, hindi sa mukha niya don sa sinabi niya.

"Teh Ano naman yung kabundukan na iniisip mo diyan?" pang-aasar ni Rheya habang kami tawa ng tawa pa rin.

"Psh! Wala noh! At saka tama na nga baka mamatay kayo sa kakatawa" sabi niya at huminto na rin kami.

"Guys maiwan ko muna kayo dito may aasikasuhin muna ako sa baba" sabi ni Venice at nag paalam sa amin.

"Sige" sabi ni Christine.

"Practice na tayo, para mamaya" sabi ni Pia.

Maganda talaga boses nitong apat nato pero sa saklap ng kapalaran eh ako di nabigyan ng magandang boses, si Pia medyo lang, marunong lang talaga ako magGuitara, si Claire marunong din magGuitara

Nagsimula na yung so Called practice namin para sa Mini concert namin daw, feeling mga Pro noh?!

/Vince POV/

Andito ako sa Kitchen, wala pa si Mom meron siguro yun pinuntahan, at saka itong party ni Venice ay exclusive lang talaga sa mga schoolmates namin at mga kaibigan niya, so in short walang mga Adults.

Andito ako sa Counter table tumitinggin lang sa mga pagkain na niluluto ng mga Chef na hinare ni Mom.

Ewan ko kinakabahan ako mamaya sa mangyayari, sa totoo lang nabigla ako sa sinabi ko kay Claire kanina pero no Choice ako baka maunahan pa ako ng iba, plano ko sana na aamin na ako sa kaniya, pero kinakabahan ako sa mangyayari mamaya.

Kanina pa nag tetext sila Dylan at Xavier, ngayun daw sila pupunta, kaya inabangan ko na lang sila sa labas, chineck ko yung relo ko at 12:40 am pa lang siguro di pa sila naglaLunch.

Pumasok muna ako kasi sasabihan ko si Manang na magpahanda muna ng Lunch para sa kaibigan ni Venice.

Lumabas ako at nadatnan ko si Dylan at Xavier na kakapark pa lang ng Kotse nila.

"Hey Bro, nasaan na yung kapatid mo?" tanong ni Dylan pagpasok nila.

"May pinuntahan sandali, nakakain na kayo?" sabi ko sa kanila.

"Nice question bro! Saan na ba yung foods gutom na ako!" si Dylan! Psh! PG talaga!

Pagpasok namin sa Living room eh agad naman luminga-linga si Xavier, anyare sa kaniya?

"May hinahanap ka?" tanong ko kay Xavier, di naman sa nangingi-alam ng buhay niya pero parang natatae siya sa ginagawa niya eh.

"Ah wala" sabi niya, Isa pa tong tahimik nato, gaya-gaya sa akin.

"Yan ang sabi mo eh" sabi ko para maasar. Inismiran niya lang ako, bading!

"Binsoy! Kakain na ako! Bilis!" kung makautos naman tong Si Dylan parang boy ako sa sariling pamamahay ko!

"Andyan na po! Tawagin mo na sila Kayce sa taas!" sabi ko kay Dylan pero parang mabilis pa sa hangin si Xavier tumayo.

"Samahan nakita Dylan!" pagbubulontaryo nito, Psh! deny pa tong Bipolar na to!

"Bilisan niyo na at naghihintay na ang pagkain sa Dinning Area" sabi ko.

/Pia POV/

Hay, ang aming Practice eh nauwi sa kulitan at pag haharutan.

Andito kami tawa ng tawa sa aming mga Joke, tapos naman kami mag Practice kaya nagharutan na lang kami ayaw naman namin makaistorbo sa ilalim.

Nang nasa kalagitnaan ng aminh paghaharutan eh merong pumasok, di man lang kumatok.

At sa minamalas nga naman agad bumungad ang Ispasol na to sa harap ko.

"Oh Tanda andito ka pala!" nang-aasar naman kaya di ko nanpinatulan.

"Hey Beautiful ladies kain na tayo sa baba!" sabi ni Dylan na umupo sa tabi ni Kayce.

"Teka muna, magliligpit muna kami" sabi ni Claire kaya sumunod naman si Christine at Kayce na magligpit, tinatamad ako kaya nagstay ako sa kama, pero tumabi yung ispasol sa akin.

"Tanda paupo ako ha!" sabi niya na nakangisi, di talaga ako tantanan nito.

"May magagawa pa ba ako eh nakaupo ka na eh" sabi ko at umusog kaunti para di makatabi tong ispasol na to, pero trip niya yata asarin ako ngayun.

Tuwing Uusog ako eh uusog rin siya.

"Talagang isa pa papatulan na kita" sabi ko at umusog pero sa kamalasan eh na sa dulo na ako ng kama kaya mahuhulog na ako.

"Ayyyyyyy----" muntik na ako talaga mahulog ng hilain ako ni Xavier pabalik.

"Ano yan?!" nakangising sabi ni Kayce kaya tinignan ko lang siya ng masama.

Ngayun ko lang napansin na takatawa pala silang lahat at pati tong ispasol na to panay Bungisngis.

"Anong tinatawa niyo diyan?" nginguso ni Christine yung posistion ko at talaga ngayun ko lang napansin na nakadapa ako sa mga Hita ni Xavier at ngayun ko lang naramdaman ang hiya.

Tumayo ako at inayos ang sarili ko at binatukan si Xavier! Yung hard para dama! Pero Tumawa lang siya imbis na umaray.

"Gutom na ako! Tara na!" hinila ko si Kayce palabas ng Room pero ramdam ko pa rin ang pamumula ng mga Pisngi ko. Shyt kang Ispasol ka sana madapa ka!

----------------------------------

Hello po! Please Vote and Read ng Story ko thank you!

Love in all ways: Strangers to LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon