[Vince POV]

Pumunta na ako ng Classroom at nagsaksak ng earphone, badtrip yung babae sa Canteen sarap piktusan sa mukha na parang coloring book, sasampalin ba naman si Claire eh siya nga yun di tumitingin sa dinadaanan, Tsk! Badtrip.

Ewan ko lang ha, bakit comportable ako kay Claire pero awkward lang kasi di ako marunong magcommunicate sa mga Tao, marami na siyang kwenento sa akin at ang saya niyang kausap di ko mapigilang ngumiti.

Ilang minuto na rin ako dito at dumating naman sila hinintay ko si Claire pumasok nagpahuli pala siya, umupo siya sa tabi ko at tumingin sa akin at ako naman automatic napatingin sa kaniya, bakit ganito parang kumikislap siya! Ano ba?! Baka alikabok lang yun, umiling muna ako kasi parang tanga ako kasi napakunot siya ng kilay.

"A-ah V-Vince alam kung gutom ka binilhan kita ng Munchers" binigay niya sa akin yung Munchers ako naman napatingin sa kamay niya, kukunin ko ba? Hayy kinuha ko na lang baka manlumo siya pagtinangihan ko.

Binuksan ko naman ito at unti unting kumain ang sarap nito bago sa panglasa ko wala kasi sa China.

"Salamat pala kanina" sabi niya habang nagsusulat.

"It's okay, tanga naman kasi yung babae" sabi ko at ang sarap talaga ng kinakain ko.

"At Salamat rin pala sa Pagkain na binigay mo sa akin at saka Sorry nagutom ka tuloy" nahihiya niyang sabi pero natigilan ako ng ang pula-pula ng pisngi niya, eto naman yung puso ko.

"Walang anuman" pa cool kung sabi at yung katabi ko naman if I know na si Kayce eh panay kulbit niya sakin, tumingin ako sa kaniya at ngumiti ng malapad.

"Pwede pahingi" sabi niya at ngumiti naman, tumango na lang ako at dumating na rin yung teacher namin.

Kunting introduction tungkol sa subject at Activities! Boring.

Lunch Break

Kasama ko si Dylan at Xavier na maglunch, andito kami sa Field, dito rin pala sila nag aaral pero iba lang ang Section namin pero same level.

"Pre kamusta First day?" tanong ni Dylan.

"Eto okay naman" sabi ko habang kinuha yung Apple sa bag ko Diet kasi.

"Marami bang Chicks?" sabi ni Dylan agad naman pumasok sa utak ko si Claire ano ba yan. Tsk.

"Ewan ko sayo" at kumagat ako sa Apple.

"Ikaw Xav, kamusta first day?" tanong ni Dylan.

"Tsk! Badtrip" sabi niya na Pokerface.

"Bakit naman?" tanong ko.

"Basta..." tumahimik na lang ako pero eto si Dylan walang tigil ang bunganga katulad ng kaibigan ni Claire na si Kayce.

[Claire POV]

Dismissal na at ako naman naghihintay ng sasakyan namin, tagal naman nun para makuha yung boredome ko eh nasaksak na lang ako ng Music at umupo sa Bench sa.harap ng Information namin, ilang minuto na wala pa rin si Manong at sa sobrang tagal Chinito na yung tumugtog sa akin at ako naman automatic kilig, kasi nga Chinito si Vince na pa pikit na lang ako pero ilang sandali eh nag Vibrate ang phone ko galing sa Driver namin at sabi doon matatagalan kasi nga na Flatan siya. Tsk! nag text na lang ako sa kaniya na Mag commute lang ako at lalakad na sana ako palabas pero merong humawak sa kamay ko...

"V-Vince?" Shyt! Pigilan niyo ako!

"Meron bang susundo sayo?" tanong niya sa akin.

"Wala kasi na Flat tire si Manong so Magcocomute ako" nakakailang kasi nakahawak pa rin siya sa kamay ko! Pramis ang lakas ng Pintig ng Puso ko.

"Hatid na kita" alok niya sa akin at binitawan niya naman ang kamay ko.

"Wag na baka maistorbo kita" sabi ko.

"Sumabay ka na sa akin, marami diyang mga loko-loko sa daan baka mapahamak ka, Tara na" Wow ngayun ko lang siya narinig na ang haba ng sinabi niya at pumunta na kami sa Parking lot at pumasok na siya sa Driver seat ako naman pinag buksan ang sarili, ang gentleman ko noh?!

"San ba sa inyo?" tanong niya at sinabi ko naman yung Address.

"Gutom ka ba? Gusto mo Drive tru?" sabi niya.

"Wag na, Okay lang ako" sabi ko na nakatingin sa labas ng bintana, naiilang kasi ako at nagdrive na siya.

Pano niya nalaman ang mga daan dito eh bago lanh siya dito ah.

"Pwede magtanong?" tanong ko pero ngayun nakatingin ako sa lap ko.

"Nagtatanong ka na" pilosopo ah!

"Tss, Pano mo nalaman ang mga daan dito?" tanong ko.

"Uso ang GPS" tss! Bipolar talaga to! kanina lang ang bait ngayun naman Pilosopo!

Nanahimik na lang ako, kainis medyo eh! matino naman yung tanong ko, kainis, namalayan ko na lang nasa loob na kami ng Subdivision namin.

"Dito na lang ako" sabi ko, hindi na ako nagpahatid sa tapat ng bahay namin ayaw ko ng Chismis kasi.

Nagpreno naman siya at ako naman lumabas at palakad na papunta sa bahay di na ako nag paalam kasi ng naiinis ako pero di pa ako nakalayo, merong humatak sa akin at parang huminto ang lahat ng halikan niya ako sa Pisngi.

"B-bye" sabi ni Vince at sumakay na sa sasakyan niya, ako naman hinawakan ang pisngi ko, at ang puso ko naman parang lalabas na sa kakatibok! Nawala yung inis ko at napalitan ng Kilig! Walangya talagang lalaki kung di lang siya Gwapo binato ko na yun pero sa totoo kinikilig ako! Shemay!

Tinignan ko lang ang papaalis niyang sasakyan at ako naman bumalik sa realidad pero di talaga mawala ang kilig ko! Pumasok ako sa bahay at nagmano kay Mama at Papa at umakyat.

"Nakita ko yun" salubong ni Ate pero pinsan ko siya tawag ko lang yan sa kaniya.

"Ang alin?" tanong ko habang liniligpit an kalat ng Kwarto ko.

"Yung hinalikan ka sa pisngi" sabi niya at todo ngiti.

"Shhhh! tumahimik ka nga baka marini ni Mama at mapagalitan ako" sabi ko pero ngayun nakaharap na ako sakaniya.

"Kayo na ba nun?" nagulat ako sa tanong ni Ate.

"Di Noh!" sabi ko.

"Ikaw ha! May paganun ganun ka na! bata ka pa at marami ka pang Gatas na iinumin!" sabi niya na tumatawa.

"Oo na po! Pero atin lang yun ha!" sabi ko.

"Okay~HAHAHAHAHA!" Tumatawa pa siyang lumabas sa Kwarto ko! Hayy bukas magkikita naman kami.

===================================================

Hello there Earthlings! eto yung update ko ngayun di muna ako naguupdate next week cause Exam na! Aral naman ang atupagin! Don't Forget to Vote^^

Sa Bestfriend ko! ayan na sana kiligin ka ng husto!

Love in all ways: Strangers to LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon