/Vince POV/

Kahit labag sa kalooban ko na iwan si Claire at ihatid si Nina ay wala akong magawa pero babawi ako kay Claire.

NagdaDrive ako papuntang Hotel kung saan nagstaStay si Nina, di pa daw alam ng magulang niya na andito siya.

"Vince yung tungkol sa atin----" I cut her off.

"No need to worry, Naka Move-on na ako" sabi ko sa kaniya, di ko siya tinignan at nagconcentrate nalang ako sa pagdrive.

"Pero ako hindi pa nakaMove-on" sabi niya at napakapit ako ng mahigpit sa manibela ng kotse ko.

"Di ko na kayang mahalin ka Nina, tinapos mo na dati kung anong meron tayo kaya pinilit kung limutin ka" sabi ko. Ano naman ba ang kalokohan ang sumapi kay Nina.

"Please Vince, alam kung nasaktan kita kasi ginamit kita pero I realize way back then na mahal na kita" gusto ko siyang sigawan! Kalokohan ang pinagsasabi niya. Di na ako umimik at ayaw ko ng pakingan ang mga paliwanag niya.

Di talaga ako umimik hanggang nasa harap na kami ng hotel na tinutuluyan niya.

"Vince Please! Let's talk About us" sabi niya, pero dinedma ko lang siya at bumaba sa kotse para pagbuksan siya.

Pagbaba niya sa kotse ay niyakap niya ako ng mahigpit pero kumawala ako sa yakap niya.

"Sige alis na ako" sabi ko at tumalikod.

"Siya ba yung babae na sa parking lot na pinalit mo sa akin Vince?" sabi niya kaya lumingon ako sa kaniya, tinutukoy niya ba si Claire.

"If I know na rebound mo lang siya, kasi alam ko na mahal mo pa rin ako"

"Mahal ko si Claire at higit pa sa pagmamahal ko sayo dati!" kaunti na lang di na ako makapagtimpi kahit di ako pumapatol sa babae masasaktan ko na talaga siya.

"Wag mo ng pahirapan ang sarili mo Vince! Bumalik ako dito para maayos yung dating tayo"

"Kalokohan! Pwede ba ano bang hindi mo na intindihan sa salita na Hindi na kita mahal! Nina nakamove-on na ako sa ginawa mo, sa mga panloloko mo! Please hayaan mo na ako at tapos na yung dating tayo at wala ng pag-asa na maging tayo ulit" sabi ko sa kaniya pero parang di natinag si Nina sa sinabi ko at ngumisi pa ito.

"Then gagawin ko ang lahat para mahalin mo ako ulit! Tandaan mo yan Vince" sabi niya kaya pumasok na ako sa loob ng Kotse at nagdrive.

She's acting like a Crazy desperate lady! Di na talaga siya si Nina yung mabait at masiglang Nina na nakilala ko.

It's been a year na nag break kami sa China, Nina was my Girl bestfriend and became my first Girlfriend in China kasi nga sila Dylan at Xavier ay nasa Pilipinas, but she just used me!

/Claire POV/

Saturday

Lately parang tulala si Vince, dahil ba dun sa babae na yun?

Nakahiga ako sa kama ko, kakagising ko lang at tinatamad akong bumangon.

"Claire! Bumangon ka na diyan at may bisita ka!" si Ate, sino naman yung bisita ko ang aga naman, Ah! baka sila Kayce kasi mahilig yun magsuprise.

Bumangon ako, di na ako nagabala mag-ayos sila Kayce naman yun sigurado! Kinukusot ko pa ang mata ko habang naglalakad sa hagdan.

"Ang aga naman sino ba yung bisita ko?" humihikab pang sabi ko.

"Good Morning" bati ni Vince, ah si Vince lang pala eh. Eh?! Si Vince?!

Tumakbo ako papuntang Room ko.

Love in all ways: Strangers to LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon