/Vince POV/

Ano ba ang Problema ni Claire! Kasi simula nung lunch eh di niya ako Pinansin at nung matapos yung klase, sinabayan ko na lang ang Modo niya kaya di ko rin siya pinansin.

Palabas na ako ng Room kasi dismissal na namin at na una ng lumabas si Claire at yung kaibigan niya kaya ako dumerecho sa Room ni Xavier.

"Hoy Xavier bumalik ka rito at Cleaners mo pa!" merong sumigaw kaya napasilip ako at nung nakita.ko eh si Pia pala yung kaibigan pa ni Claire.

"Psh! Tinatamad ako tsaka na lang" at naglakad si Xavier papunta sa derection ko.

"Oh ano yung sinisigaw ni Pia?" sabi ko pero ngumisi lang siya, Pasaway talaga.

"Hayaan mo na yun tatanda yun na dalaga" sabi niya lumakad papuntang Classroom ni Dylan.

Sumunod na lang ako kay Xavier di pa kami nakalapit sa Classroom ni Dylan eh lumabas na siya.

"Hey yow mga Bro na mga Gwapow~" eto naman yung maingay nag rap pa.

"Tigilan mo nga yan! Uwi na tayo" pagyaya ni Xavier.

"Okay po Xavier my Baby~!" sarap talaga mang asar ni Dylan parati pikon sa kaniya si Xavier.

Naglakad na kami papuntang Parking lot at nagusap-usap rin kami.

"Hey tapos na ba yung bagong bahay niyo?" Tanong sakin ni Dylan.

"Oo" tipid na sagot ko.

"Wow! Ang tipid mo pare!" sabi ni Dylan kaya ngumiti na lang ako.

"Ay nga pala punta kayo next week Saturday" sabi ko.

"Bakit?" tanong ni Xavier.

"Birthday kasi ni Venice" sabi ko kaya lumawak naman ang ngiti ni Dylan.

"Okay ako diyan!" sigaw niya! Psh!

Andito nakami sa Parking lot at nagsikanya-kanya na kaming punta sa Kotse namin.

"Bro mauuna na ako" paalam ni Xavier.

"Ako rin!" sabi naman ni Dylan kaya nagwave lang ako at sumakay na sila at mabilis na pinatakbo ito.

"Hey~" Nagulat ako nung merong umakbay sa akin.

Pagtingin ko si Valerie pala akala ko kanina pa to umuwi! Tsk!

"Badtrip ka talaga! Umuwi ka na ng" sabi ko at sasakay na sana pero pinigilan niya ako.

"Eto naman! Kakadating ko lang dito inaaway mo na agad ako! That's Rude Cuz!" sabi niya at ngumuso! Isip bata pero kakasal na siya Next Month.

"Okay fine! Ano naman kailangan mo?" tanong ko a kaniya kaya napangiti siya.

"Well hinitay talaga kita kasi sasama ako sayo pauwi" sabi niya at asar na talaga ako sa kaniya! Kanina pinilit niya akong mag 'I love you' sa kaniya at eto naman ngayun.

"Akala ko ba naka Check in ka sa Hotel mo! Dun ka na lang!" sabi ko at akmang sasakay ako sa kotse ko pero pinigilan niya naman ako.

"Ayaw ko dun hindi ako Comportable doon at tsaka na Miss ko na si Venice" Hay! Talagang mapilit toh! Kahit pukpokin ko to di mo talaga mababago ang isip nito.

"Okay Fine! Tara na at saan yung mga gamit mo?" tanong ko, kasi wala akong makitang maleta niya.

"Papakuha ko na lang yun! Tara na I'm so Excited na kasi!" Psh! Di ko na siya pinagbuksan kaya sumakay na ako.

Nasa byahe kami at ang ingay niya maraming siyang kinekwento pero di naman ako nakikinig.

Siya si Valerie Yodaime Half Pinoy at Japanese, Cousin ko siya sa Side ni Mom at kakasal na siya next Month sa Boyfriend niya na Model andito siya nung Last Month at umalis rin siya kasi daw sa trabaho niya, isa siyang Fashion Designer sa Paris.

"At alam mo ba yung mga friend ko dun maganda mag damit and then---------" Di ko na siya pinatapos kasi andito na kami sa bahay.

"Okay Shut up! Andito na tayo at umayos ka" sabi ko at bumaba at sumunod rin siya.

Pagpasok namin agad siyang tumili ganun rin si Mom at Venice!

Babae talaga oh! Umakyat na ako kasi maingay talaga sila!

Kinuha ko agad ang Phone ko at tinignan kung may Message pero wala.

Nagshower muna ako at nagpahinga.

/Claire POV/

Kinabukasan

Nagising ako ng maaga and Same routine pero ang bigat ng nararamdaman ko.

Pagkatapos kung maligo eh di muna ako bumaba, parang ayaw ko pumasok! Masakit lang kasi eh.

Di niya naman sinabi na may Girlfriend siya kaya umasa ako na may gusto siya sa akin.

"Uy! Ano naman ba nangyare sayo at lutang ka diyan?! " nagulat ako nung pumasok si Ate.

"Ah wala! Sige punta na ako sa baba!" sabi ko at inayos ang itsura ko at daling lumabas.

Pagbaba ko agad ko narinig ang bunganga ni Mama!

"Christian ano naman yung narinig kung bibully mo sa School mo?!" nakita ko si Mama pinapagalitan si Christian.

"Ma! Ang aga pinapagalitan niyo yan" sabi ko at tinuro ang kapatid ko na nakanguso.

"Eh yan nambubully raw yan" sabi bi Mama habang nilalagyan ng Cereal ang bowl ko.

"Eh Bad ka naman pala eh, di yan ginagawa ng Gwapo" sabi ko kaya ngumuso na talaga siya.

Kumain na lang kami at nauna na akong magpahatid kasi mas nauna yung Klase ko kay Christian kahit nasa iisang School kami.

Tinext ko muna si Kayce kung andyan na siya sa Room at wala pa raw.

"Ma'am andito na tayo" sabi ni Manong Driver.

Bumaba na lang ako at nagpaalam sa kaniya ay nag simulang pumunta sa Room.

"Claire!" merong sumigaw kaya.napalingon ako at nakita ko si Gie palapit sa akin.

"Uy ang aga mo ah" sabi ko kaya napangiwi siya parati kasi tong Late.

"Grabe ka naman! Pero Love pa rin kita" sabi niya at nag Love sign pa.

"Tigilan mo nga yan! Nakakahiya" sabi ko at naglakad na pero sumunod rin siya.

Nagalok siyang hahatid daw ako sa Room ko kaya pumayag na lang ako.

Marami siyang joke at tawa lang na peke ang pinapakita ko, wala talaga ako sa mood!

>.<

Nasa harap nakami ng Classroom ko kaya nagpaalam na ako kay Gie.

"Gie bumalik ka na sa Room mo at baka malate ka" sabi ko.

Tatalikod na sana ako ng pinigilan niya ako.

"Teka lang----" nagulat ako nung hinalikan niya ako sa Pisngi at nagflashback yung unang halik ko sa pisngi! VINCE!

Nagulat ako sa ginawa niya pero mas nagulat ako kung sino ang nakakita.

"Vince-----" walang emosyon ang mga Mata niya na tumingin sa amin at parang nasasaktan ako.

"Claire mauuna na ako" nakangiting umalis si Gie pero ako nakatingin pa rin kay Vince at ganun rin si Vince.

Gusto ko magSorry pero para saan eh may Girlfriend naman siya at saka kaibigan ang turing niya sa akin.

Nilampasan niya ako at ako naman tulala pero ilang segundo eh pumasok na rin ako at di ka nagpapansinan!

Sila Kayce at Rheya lang yung pinapansin niya, ano ba yan naguilty talaga ako.

>_<

Love in all ways: Strangers to LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon