Continuation...

/Vince POV/

"Ang Dare NAMIN ay..." dapat in unison talaga noh?!

"Pasupense pa kayo! Bilis na" sabi ni Claire, tumitig lang ako sa kaniya, ang ganda talaga niya, ang puti at ang gandang ngumiti.

"Atat teh?! Eto na oh, lapitan mo yung taong nagpapatibok ng puso mo!" sabi ni Kayce at nakita ko ang paglaki ng mata ni Claire at pagpula ng pisngi niya.

"Ang dadaya niyo at ako naman ang pinagtripan niyo" sabi ni Claire na parang kamatis na talaga ang mukha niya.

"Teh wag ng pakipot, tinutulungan ka lang namin" sabi ni Rheya.

"Grab the oppurtunity at baka madali pa!" pag sasang-ayon ni Jamie.

"Eh kasi ang hirap naman ng pinapagawa niyo!" sabi ni Claire, napansin ko na nakangisi na pala ako, di ko alam pero sang ayon ako sa dare ng mga kaibigan ni Claire.

"Tin tulungan mo naman ako dito oh" si Claire na parang bata humihingi ng tulong.

"Sorry Claire pero napagplanuhan na namin toh" sabi ni Christine kaya tumawa sila at yumuko na lang si Claire at ngayun di lang pisngi ang namumula pati na rin tenga niya.

"Maghuhubad na lang ako!" sabi ni Claire at tumayo, pero huminto eto at tinignan ang suot.

"Anong huhubadin mo diyan eh nakaJeans at T-shirt ka lang! Ano to instant Christine Reyes ang peg mo?!" sabi ni Kayce at tumawa naman kami.

"HUHUHUHU! Wala na talaga akong magagawa!" pagmamaktol ni Claire ang cute talaga niya.

"Aminin mo na kasi Claire!" sabi ni Dylan.

"Nahihiya ako!" sabi ni Claire.

"Sa totoo lang kahit wag ka ng mag effort katabi mo naman yung taong nagpapatibok ng puso mo eh! Ay nadulas!" si Kayce, parang di ako makapaniwala sa narinig ko, ako ba yun?

Tumahimik ang lahat at ako naman tinitignan lang si Claire na nakatayo at kita talaga ang pagmumula ng pisngi niya.

"Totoo ba yun Claire?" ako, nag hiyawan naman ang lahat.

Tumayo ako at nagkatiginan kami ni Claire, pero agad naman siya umiwas.

"Totoo ba yun Claire?" paguulit ko pero ngayun nakangisi na ako.

Tumango siya ng mabagal pero naghihiyawan na ang mga babae! Parang ang puso ko gustong tumalon sa sobrang kasiyahan!

"Tama na nga yan! nagseselos na ako!" sabi ni Xavier at sabay akap kay Pia pero binatukan lang niya eto.

Siguro wala na akong hihilingin ngayung araw, kasi buo na talaga ang araw ko.

/Kayce POV/ 

Ang saya ko para kay Claire, akalain mo naman na amin niya na pero sad to say wala pang sinabi si Vince ang totoong naramdaman niya.

Di na kami ulit naglaro nagpahinga na lang kami sa aming sariling kwarto, at ngayun kasama ko si Pia at Rheya.

"Pia sigurado ka ba magto Two piece ka?" sabi ko kay Pia, na nagaayos ng higaan niya at humiga.

"Feel mo?! Syempre nagipon kaya ako ng confidence para masuot ko lang yun at ngayun pa ba ako magiinarte?!" sabi ni Pia na nakahiga na.

Magsasalita na sana si Rheya ng merong kumatok.

"Istorbo naman yun! Kayce buksan mo Please!" sigaw ni Rheya! di talaga mawala ang megaphone sa lalamunan nito.

"Psh!" tumayo ako sa kama ko at pumunta sa pintuan. Pagbukas ko eh bumungad si Dylan kasama si Xavier.

Love in all ways: Strangers to LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon