Hello po^^ Medyo iniba ko ang plot medyo base on a real story pero not totally kasi some of it are made with my Imagination. Please read^_^ Kamsamida!

_____________________________

[Vince POV]

Andito ako sa labas ng School na papasokan namin ni Venice. Ang tagal naman nun. Naghihintay ako sa loob ng kotse.

Bababa muna ako kasi naiinip na ako sa loob, pero pagbaba ko maraming nakatingin sa akin na mga babae parang huhubaran ako, pumasok na lang ako pero ilang sandali pumasok na rin ang kapatid ko.

"Kuya oh! Schedule mo!" pagalit niyang hinagis ang papel sa akin.

"Wag ka nga magalit, Sorry, okay?!" Psh. nagalit kasi di ko sinamahan sa loob.

"Ano pa ang magagawa ko! Buti na lang merong mabait na maganda na tumulong sa akin! Galit pa rin ako sayo kuya" Hay, hirap talaga suyuin ang kapatid ko.

"Sige, ganito na lang lilibre kita" sabi ko at bigla naman ngumiti ang kapatid ko pero pinipigilan niya.

"Sige gusto ko samahan mo ako mamaya sa Coffee shop! And I want you too meet my new Friend!"

"Sige na nga"

[Claire POV]

Boring talaga ang class! Sino ba naman hindi mabobored, boring yung teacher, tulog ang lahat at boring ang subject. Buti na lang eh katabi ko tong dalawang babaeng hinugot sa tadyang ng Enervon, di mawalan ng energy.

"Ala mo ba si Suho ang Gwapo niya! whooho!" sabi ni Rheya at nga pala EXO Fangirl kami at eto usap naman kaming tatlo ng EXO parang baliw kami sa likod sa kakatawa.

Dismissal na at Cleaners namin ni Kayce.

"Rhey mauna na kayo sa labas ni Pia, hintayin niyo kami ah" sabi ni Kayce habang tinataas ang walis.

"Wag ka na diyan magsalita! magwalis ka na lang" sabi ni Robert.

"Wag ka nga! Hindi kita kinakausap! At nagwawalis nga ako diba!" sabay irap sa kanya ni Kayce.

.

.

"Claire tara na! Time is Gold!" at hinila ako ni Kayce palabas ng School kung saan naghihintay ang mga Kabarkada.

"Tara na kasi lilibre tayo ni Claire!" sigaw ni Jamie pero kinurot siya ni Pia sa tagiliran.

"Ang ingay mo!" sabi ni Pia.

At sumakay na kami sa sasakyan ko at dumerecho sa Coffee shop na sinabi ni Venice.

Pagdating namin eh hinanap ko agad si Venice, nakita ko siya na kumakaway.

"Hey Claire, umupo ka muna I mean kayo" at ngumiti at nakita ko naman ang mga kaibigan ko na nakatulaley kay Venice.

"Ah Girls this is Venice, na meet ko siya kanina sa School nung uma--" naputol yung sasabihin ko ng sumulpot si Kayce.

"Hello I'm Kayce pala!" sabi niya pero binatukan siya ni Pia.

"Pia pala" at ngumisi si Venice.

"Rheya and this is Jamie" sabi ni Rheya.

"Saan pala si Christine?" sabi ni Jamie.

[Vince POV]

Hay galit naman ang kapatid ko sa akin, kasi nga tumawag sa akin mga kabarkada ko na nagyaya na mag Jamming sa bahay nila, eh na miss ko na yung mga loko eh.

Iniwan ko yung kapatid ko sa Coffee shop papunta na ako sa parking lot para kunin ang sasakyan, na meron akong nakitang babae pero di ko pinansin, I dont care! -_-

Nang andito na ako sa harap ng condo ni Dylan eh pumasok ako agad, kilala naman ako dito DATI. Nakapunta na ako sa pilipinas nung bata ko pa at kababata ko yung mga loko.

Sumakay ako ng Elevator at dumerecho agad sa Condo ni Dylan.

"Pare!" Sabi ni Dylan at sabay Hug, binatukan ko agad.

"Aray! na miss lang kita noh!" at sabay pout kunti na lang pakakamalan ko ng bakla to.

"Saan si Xavier?" tanong ko.

"Sa loob nag lalaro ng PsP" at pumasok kami sa kwarto na kung saan si Xavier.

[Christine POV]

Malas talaga nahulog yung phone ko sa sasakyan ni Claire buti na lang andito yung Driver niya para tulungan ako. Nung nakuha ko na eh pumunta na ako sa loob pero meron akong nakitang Gwapo at Chinito, parang ganito yung sinabi ni Claire yung nakita niya sa Simbahan. Pumasok ako agad-agad at nakita ko si Claire.

"Claire, merong Gwapo na Chinito sa labas baka siya yung ---" pinutol ng nagsalita si Claire.

"Saan?!" di masyado excited no?

"Wala na, umalis na siya" at na dismaya ang mukha ni Claire.

"Ay nga pala Venice, eto si Christine" at nag Hi yung babae sa akin na maganda parang kamukha niya ang lalaki na nakita ko kanina sa Parking lot, parang Impossible naman.

At nagpalipas kami dito, nagkwekwentohan at tawanan, masaya naman palang kasama si Venice, makulit at maingay. Well, dagdag sa barkada.

Love in all ways: Strangers to LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon