/Xavier POV/

Tuesday

Boring ngayong araw. Hindi ko nasira yung araw ni Tanda, Sayang! Di ko mahagilap sa classroom eh.

Tssk! Busy "daw" siya eh. Nandito ako ngayon sa may kwarto ko nag-iisip ko ano ang gagawin ko bukas since wala kaming klase. Tssk. Hmmm... Pupunta na lang ako ng gym bukas! -.-

*brzzzk* brrzzzk*

Sino kaya to?

From: 09xxxxxxxxx

Hoy ispasol! Papaalahanan lang kita kung hindi ka sinabihan ni Vince na 9am mag memeeting tayo bukas para sa project natin. Sa may Andres Cafe. WAG KANG MALATE! Okay?! Pia nga pala 'to. Gue. Night.

Bakit hindi nila ako sinabihan? Walang kwentang mga kaibigan. -.- Sinave ko yung number ni tanda at tinawagan siya.

***Calling Tanda***

"Hmmm. Hello? Sino toh?"

"....."

"Hello?" Iritang sagot niya

"...." pinipigilan ko lang yung tawa ko. Hahahah

"Leche. Bala ka diyan istorbo ka. By--"

"Hoy tanda! Ikaw na nga yung unang nag text sakin di mo pa kilala yung number ko!"

"Eh, natutulog na kasi ako."

"Ganoon ka dali? Uy ikaw ha! Saan mo nakuha yung number ko?"

"Kay Dylan. Ano ba kasi ang kailangan mo? Nag text na ako dba? Leche ka ah"

"Chill. Kinakamusta lang naman kita. Kasi halos isang araw tayong nagkita. Namiss kong sirain yung arwa mo. Hahaha"

"Ah. Ge, bye!" *toot*toooot*

"Hoy! Hello? Hello?" Aba! Binabaan ako. Amp. May sasabihin pa ako eh. Makatulog na nga!

/Pia POV/

Maaga pa ako dito sa may meeting place namin. Mga 8:30 nandito na ako. Dito na rin ako kumain ng breakfast. Sarap ng pancakes nila!

Unang dumating sina Claire at Vince. Hmmm. Alam na!

"Hi Pia!" Bati sa akin ni Claire at nag smile lang sa akin si Vince at Tinanguan ko lang silang dalawa.

Mga 9:15 halos kompleto na kami.

"Sino pa ang wala?" Tanong ko sa kanila.

"Si Xavier." Tsss! sabi ni Rheya, Pa VIP pa talaga!

"Mag simu--" naputol ang sasabihin ko ng may dumating na Bwesit.

"Hey guys! Nandito na ako! Morning tanda!" Kinurot pa ang pisngi ko!

"Ano ba! umupo ka na para makapag simula na tayo!" kumuha siya ng upuan at umupo sa tabi ko.

"Saan ba yung orphanage niyo Xav?" Tanong ni Vince sa kanya

"Sa may Batangas. Actually, malapit yun sa isang resort na ang may ari kaibigan nina mommy. Kaya kung gusto niyo pagkatapos natin sa mga bata doon tayo mag overnight. Sigurado gagabihin tayo sa daan kung uuwi pa tayo." si Xavier, may pakinabang pala to, Amazing!

Nag agree namang silang lahat. Kaya pagkatapos nun nag plano na kami kung ano yung mga activities na gagawin namin.

"So,settle na lahat? Kapit bisig tayo okay. Alam kong kaya natin to!" At nasipagtanguan naman silang lahat

"Hwaiting!!" sigaw naman ni Dylan with matching pose pa. Abnoy. -.-

"Guys, dito na lang tayo magkikita sa Sat. Mga 6:30 para maaga pa tayo. Ang van na lang namin ang gagamitin." Pag-ooffer naman ni Vince.

Love in all ways: Strangers to LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon