03 (pt 1)

31K 287 13
                                    


Chapter 3: Who's Honey?

"Hon, alis na kami,.." paalam ko kay sedric.

"Ingat kayo, Be home after ng class ng kids ha?" Malambing niyang paalala.

Tumango ako at lumapit sakanya, dinampihan ko siya ng mababaw na halik sa labi.

"Tara na kids," tawag ko sa mga anak ko saka kami sumakay ng kotse.

Hindi makakasama ngayon si Sed papuntang school ng mga bata, may mga paperworks pa kasi siyang gagawin kaya ako ang magbabantay sa kanila buong araw.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay narating din namin agad ang school ng mga bata.

*

"Mommy! Maaga ang uwian namin ngayon!" Ark exclaimed.

Napangiti ako. Siguro pwede pa kaming mag punta sa office ni Sed.

"Mom, pwede tayong pumunta sa office ni daddy?" Tanong ni Nathan.

I nodded while smiling. Nagsitalunan naman sila sa tuwa.

Sumakay agad kami ng kotse at nagpatakbo patungo sa office ni Sed.

"Mommy, dito na?" Tanong ni Ark nang tumigil na kami sa parking lot.

Tumango ako. Inalis ko ang seatbelt ko at lumabas na para pagbuksan sila ng pinto.

I hold their hands as we walk inside the building.

Maraming tao. As usual, mga busy. Sumakay kami sa elevator at agad na natunton ang palapag ng office ni Sed.

"Wag kayong maingay ha?" I told them. Humahaligikgik naman silang tumango.

Pinihit ko ang doorknob. Pero may agad na nagbukas non.

Isang babae. Isang babaeng maiksi ang suot na skirt. At halos iluwa na ang dibdib sa suot na blouse. Makapal ang make-up at lipstick. Nakalugay at parang magulo pa ito,.. parang hindi sinuklay ng sadya.

"Excuse me? Who are you?" Matinis na boses niyang tanong.

"I'm Ayuna Marel Div--"

"May appointment ka ba kay Sed? Sa pagkakaalam ko wala." Umiirap niyang sabi.

Kumulo agad ang dugo ko. Napatingin ako sa mga anak ko. Na nakakunot pa ang noo. Humigpit ang hawak ko sa kamay nila.

Nakakainis siya!

"Wala. Wala akong appointment." I said.

Ngumisi siya. "Then, wala kang karapatang pumasok dito." She says while twirling her fcking hair.

"Walang karapatan?" Umismid na tanong ko.

"Uh-huh."

Huminga ako ng malalim at matulis siyang tinignan.    "Ako lang naman ang as---"

Napatigil ako sa pagsasalita nang marinig ko ang boses niya.

"Honey, Sino 'yan?"

Romance With My Husband (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon